Habang abalang abala ako sa aking trabaho ay malakas na tumunog ang intercom. Nang tignan ko kung saan naka-konekta ang tawag ay napag-alaman ko na nagmula ito sa reception ng kompanya.
Agarang sinagot ko naman iyon in case na may emergency pala sa baba o may walang appointment na bisita ang boss niya na nasa baba.
"Hello. This is Catherine, the CEO's secretary. May I know the reason for your call?" pagbungad niya sa tawag na iyon.
(U-Uhmm... H-Hello po, Miss Cathy... Si Agnes po ito... T-Tumawag po ako para i-inform kayo na may delivery po ng bouquet ng flowers dito sa baba.... S-Sa inyo po kasi naka-address...) impit na sambit ng receptionist nila sa entrance.
Bouquet of flowers?
Agarang napatingin ako sa orasan at doon ko nalaman na malapit na pala mag-alas kwatro ng hapon. Ibig sabihin ay paalis na ang boss niya para puntahan ang personal business nito sa labas. At ito na ang pinapabiling flowers ng boss niya sa kanya kahapon.
"Yes. I order those flowers," pag-kompirma niya sa receptionist.
(O-Order po?) nalilitong pag-ulit muli ng receptionist na tila hindi iyon ang inaasahan na sasabihin ko.
Hindi ko naman na pinansin ang pagkalito na iyon ng receptionist. "Yes. Please tell them I will come down to receive those flowers," utos niya na lang saka nagsimula na tumayo sa kanyang inuupuan.
(A-Ah... O-Okay po, Miss Cathy...)
Doon ay ibinababa ko na ang tawag saka nagtungo at sumakay sa elevator para kunin ang pinapa-order na flowers ng kanyang boss sa baba. Nang bumukas ang pintuan ng sinakyan niyang elevator, medyo nagtaka siya dahil medyo maraming empleyado na naroroon at nagkalat. Pagkaalam ko ay hindi pa naman oras ng uwian ng mga empleyado.
Nagkibit balikat na lang ako at nagsimulang magtungo sa receiving area. Ngunit kada hakbang ko ay ramdam ko ang tagos kaluluwa na tingin na binibigay sa akin ng lahat. Nang ilibot ko naman muli ang tingin sa aking paligid ay agarang iniwas ng mga empleyado ang kanilang tingin na binibigay sa aking gawi.
"What is their problem with me?" taas kilay na bulong ko dahil sa kakaibang akto ng mga ito.
Malakas nagbuga na lang ako ng hininga saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa receiving area. Doon, agad na sinalubong ako ng mga receptionist pero kataka taka na abot tenga ang mga ngiti nila sa hindi ko malaman na dahilan.
"Miss Cathy... This way po!" masayang paggabay pa sa akin ng isang receptionist, na sa tingin ko ay si Miss Agnes.
Hindi naman nagtagal ay nakita ko ang nakaupong delivery man na may hawak na receiving paper at nasa harapan nito ang bouquet na inorder ko.
Bahagya na pinasadahan ko muna ng tingin ang bouquet kung sakali na iba ito mula sa pinapagawa kong arrangement. Nang makita ko na umayon ito sa aking expectation ay ibinalik ko ang aking tingin sa delivery man.
"Hello po, Miss Cathy... Paki-receive na lang po nitong bulaklak para sa inyo," abot tenga rin ang ngiti sa labi ng delivery man.
Bulaklak para sa inyo?
Teka.... Inaakala ba nila na may nagpadala sa akin ng bulaklak?
Iyon ba ang dahilan kaya ganoon ang tingin sa akin ng lahat mula ng lumabas ako ng elevator?!
Biglang nanginit ang mukha ko sa maling inaakala na iyon ng karamihan. Nakakahiya kung sasabihin ko sa kanila na si Sir Ismael mismo ang bumili ng bulaklak na ito. Baka lalo lang sila magkamali ng intindi.
Kaya mabilis ko na lang na pinirmahan ang receiving receipt na inabot ng delivery man. Tsaka maingat na binuhat sa aking braso ang bouquet na iyon.
"Kyaaaaaaaah!" impit na tili pa ng mga receptionist na nasa likuran ko nang makita na buhat ko na ang bulaklak na iyon.
Malakas na tumikhim muna ako at nagpasalamat sa delivery man bago mabilis na naglakad pabalik ng aking opisina. Iyon nga lang ay naging mas kapansin pansin ang tingin sa akin ng mga makakasalubong kong empleyado. May iba pa sa kanila ang palihim na kinukuhanan ako ng larawan.
Hindi ko man itanong ay mukhang inaakala nilang lahat na binigyan ako ng bulaklak ng aming boss. Kahit ang totoo ay isa lang ito sa utos ng kanilang boss sa kanya.
Nang makasakay muli ako sa elevator ay malakas na napabuga ako ng malalim na hininga. Sa wakas ay nakawala ako sa mapanuring tingin ng mga empleyado. Mukhang ayoko na maulit pa ang ganitong misunderstanding.
Nakakahiya!
Sanay naman ako na maipareha sa aking binatang boss pero ang tingin nilang lahat kanina ay kakaiba. Akala mo ba na mga pulis sila na nahuli nila ako sa akto.
Arrrgh!
Natigil lang ang paglilintanya ko sa aking isipan nang tumunog na ang elevator senyales na nakarating na ako sa floor ng aking opisina.
Iyon nga lang sa paglabas ko ng elevator ay nabungaran ko na nakatayo sa harapan ng table ko si Sir Ismael. Nililibot niya ang tingin na tila ba hinahanap niya ako roon. Dala na rin niya ang kanyang bag senyales na paalis na ito ngayon para puntahan ang personal business niya.
Nang maramdaman ni Sir Ismael ang presensiya ko sa kanyang likuran ay parang slow motion ito napalingon sa aking gawi.
"Miss Cathy..." kunot noong pagtawag niya sa akin at napatitig pa sa aking mukha.
Kinuha ko naman ang pagkakataon na iyon para lapitan siya. Ngunit nagulat ako ng biglang ilagay ni Sir Ismael ang kamay niya sa aking noo.
"Teka bakit pulang pula ang mukha mo ngayon, Miss Cathy? Nilalagnat ka ba?" concern na tanong ni Sir Ismael sa akin.
Napatikhim naman ako dahil sa pag-aalala na pinapakita ng aking boss. Muling tumikhin ako para pakalmahin ang aking sarili.
"I'm fine, sir. Galing po kasi ako sa baba at patakbong bumalik dito... Kaya medyo nainitan lang po siguro ako," pagrarason ko sa dahilan ng pamumula ko.
Doon lang nabaling ang tingin ni Sir Ismael sa hawak hawak kong bulaklak.
"Oh! Dapat ako na lang ang pinakakuha mo niyan sa baba. Pababa naman din na ako roon," komento ni Sir Ismael.
Napaisip ako. Sana nga ay ganoon na lang ang ginawa ko kanina. Hindi sana mapagkakamalan ng lahat na para sa akin ang bulaklak na ito.
"I'll do that next time, sir," magalang na sagot ko saka unti unti na inabot ang hawak na bulaklak na iyon kay Sir Ismael.
Medyo napatitig naman si Sir Ismael sa bulaklak pagkatapos sa akin. Halatang nagdadalawang isip siya na kunin iyon mula sa aking hawak. Ngunit pagkalipas ng ilang sandali ay napilitan din siya na kunin ito.
"Medyo nakakapaghinayang na kuhanin sa iyo ito. These flowers suit you very much," pabulong na sambit ni Sir Ismael.
Umakto naman ako na hindi iyon narinig. Ayoko na gawing awkward pa ang pagitan namin ng boss ko dahil lang sa lip service niya.
Nang mapatingin sa oras si Sir Ismael at bahagyang napangiwi siya. Halatang ayaw niyang umalis pero kailangan.
"I'll be leaving now, Miss Cathy," paalam ni Sir Ismael sa akin, "You might as well go home already. Don't worry I won't deduct it from your salary. You also need time to rest."
Tumango ako para tanggapin ang alok na iyon ng boss ko. "Thank you, sir," pagpapasalamat ko dahil makakapag- early out ako ngayong araw, "Take care."
"You too, Miss Cathy. Take care."
Doon ay dumiretso na sa elevator si Sir Ismael dala ang inorder ko na bulaklak. Habang ako naman at bumalik sa table ko para iayos ang mga nakalabas na gamit ko pabalik sa loob ng aking bag. Minsan lang kasi makakapag-out ako ng ganitong kaaga kaya sasamantalahin ko na.
Nang matapos ako sa pag-aayos ng gamit at naisara ko na rin ang computer ay nagmamadaling isinakbit ko na ang bag sa aking balikat. Iyon nga lang bago pa ako makahakbang paalis ay malakas na tumunog ang personal phone ko.
Nakakapagtaka lang dahil alam nina mama na hindi ako mahilig mag-entertain ng personal na tawag sa oras ng aking trabaho. Nang tignan ko naman kung sino ang tumatawag ay lalong nagtaka ako na makita na si Zuri ang tumatawag ngayon sa akin.
Nagdalawang isip muna ako na sagutin ito dahil na rin sa ginawang pang-iwan niya sa akin noon sa mall. Pero medyo nag-aalala ako na baka emergency pala ang tawag niya. Kaya sa huli ay naisipan ko na sagutin ang tawag para alamin na rin ang kailangan niya sa akin.
(Waaaaaaaaaaaaah! Cathy! Thank you! Thank you! Mabuti naman at sinagot mo ang tawag ko! Huhuhu!) ngumangawang pagbungad ni Zuri sa akin.
Medyo inilayo ko naman sa tenga ang phone ko. Sa lakas kasi ng boses ni Zuri ay kulang na lang ay basagin niya ang aking eardrum.
"Bakit napatawag ka sa akin, Zuri?" taas kilay na tanong ko sa kanya, "Don't tell me nakipag-break na sa iyo ang bagong boyfriend mo. Tsk! Hindi ka na talaga natuto."
(Hoy Cathy, hindi pa kami break! Pero kapag hindi mo ko tinulungan ay baka makipag-break na nga siya sa akin nang tuluyan! Kaya please, please Cathy! Kailangan na kailangan ko ng tulong mo!) desperadang sambit ni Zuri sa akin mula sa kabilang linya.
"Ayoko," pagtanggi ko, "Baka mamaya mapahamak pa ako riyan."
(Cathy, maawa ka naman sa akin! I really need your help! Kinabukasan ko ang nakasalalay dito!) patuloy na pag-ngawa ni Zuri sa kabilang linya, (Cathy please, please, pagbigyan mo lang ang hihingin kong pabor at gagawin ko ang anumang hihilingin mo na kapalit!)
Napaisip naman ako sa inaalok na deal na iyon ni Zuri. "Kahit ano talaga?" pagkumpirma ko.
(Oo, Cathy! Desperada na talaga ako! Kaya please tulungan mo na ako!) umiiyak na pagsusumamo muli ni Zuri sa akin.
Nakaramdam tuloy ako ng awa kay Zuri at guilty dahil sa pag-ignora ko sa kanya mula kanina. Mukhang seryoso ang problema ng aking kaibigan para maging ganito na lang siya kadesperada na humingi ng tulong sa akin.
"Fine," pagsuko ko, "Ano ba ang gagawin ko?"
Suminghot singhot si Zuri mula sa kabilang linya. (Pwede ba tayo magkita ngayon mismo? Doon ko na sasabihin sa iyo ang aking problema at ano ang pabor na hihingin ko sa iyo.)
Napahilot ako ng aking sintido. Nakapag-out nga naman ako ng maaga pero mukhang mauuwi sa ibang bagay ang dapat na pahinga ko ngayon.
"Okay," pagsuko ko, "Saan tayo magkikita na dalawa?"
(Waaah! Salamat Cathy! Hulog ka ng langit sa akin! Basta magkita tayo rito sa harapan ng Easton Restaurant ha!) tuwang sambit ni Zuri, (Kanina pa ako nandito!)
Easton Restaurant?
Mabuti na lamang ay hindi kalayuan ang kainan na iyon dito sa kompanya. Siguro aabutin lang ako ng mga 20 minutes bago makarating doon.
"Okay, wait for me," nagmamadaling sambit ko saka pinatay ang tawag ni Zuri.
Doon ay agarang sumakay na ako sa elevator at halos na patakbo na lumabas ng kompanya. Nang makarating naman ako sa tapat ng building ay agarang pumara ako ng taxi at nagpahatid sa Easton Restaurant.
Hanggang sa hindi ko namalayan na nakarating na ako sa tapat ng Easton Restaurant. Medyo pamilyar na rin ako sa restaurant na ito dahil dito malimit magsagawa ng private meeting si Sir Ismael sa kanyang mga elite client. Lalo na may offer na private room ang restaurant sa mga customer nila na may private matters na kailangan pag-usapan.
Agarang nag-abot ako ng bayad sa taxi driver saka bumababa ng sasakyan. Nang makababa naman ay inilibot ko ang tingin para hanapin doon si Zuri.
Agad na nakita ko naman si Zuri na hindi mapirmi sa kanyang kinatatayuan. Nang mapansin naman niya ako ay agarang tumakbo siya palapit sa akin.
"C-Cathy!" masayang pagtawag niya sa akin, "Thank you talaga dahil dumating ka!"
Humugot naman ako ng malalim na hininga saka hinawakan sa magkabilang balikat si Zuri. "Okay, now I'm here. Ano ba kasi ang problema?" concern na tanong ko sa kanya.
Mariing napakagat ng labi si Zuri saka nag-aalangan na tinignan ang mga mata ko. Doon ay alam ko na hindi ko magugustuhan ang sasabihin niya sa akin.
"K-Kasi... A-Ano... U-U-Uh... Ang mga parents ko... They set me up in a blind date behind my back!" pikit matang pag-amin ni Zuri.
Ang kaninang concern ko kay Zuri ay biglang naglaho. Paano ba naman ay nagmadali ako pumunta rito dahil akala ko ay nasa life and death situation siya? Natakot pa naman ako dahil grabe ang pag-iyak niya kanina.
Iyon pala isang scam lang ito.
"f**k! Zuri, seriously? Pinagmadali mo ko papuntahin dito dahil lang sa isang blind date?!" asar na singhal ko kay Zuri, "Aalis na ako! Bahala ka riyan!"
Akmang tatalikuran ko na si Zuri nang kapit tuko siyang yumakap sa aking braso at hinila ako pabalik. "Waaaah! Huwag ka muna magalit sa akin, Cathy! Let me explain!" nagsusumamong sambit ni Zuri.
Ano pa ba ang magagawa ko? Nandito na ako eh. Pakikinggan ko muna kung anong naisip ni Zuri para ako ang tawagan niya rito.
"Siguraduhin mo lang na maganda ang paliwanag na ibibigay mo sa akin ngayon, Zuri. Or else, kakalimutan ko ang more than 10 years of friendship nating dalawa," pananakot ko sa kanya.
"Waaah! I am really sorry, Cathy! Pero ikaw lang ang makakatulong sa akin ngayon!" mangiyak ngiyak na paumanhin ni Zuri sa akin, "Like I said earlier, sinet ako sa isang blind date nina mama. I don't have any idea kung sino siya but he is a very important investor of our family business!" pagsasalaysay niya, "Kaya lang hindi pwede na siputin ko siya riyan! Paano kung magustuhan niya ako dahil sa ganda kong ito? You already knew that I have a loving boyfriend. But I cannot dare to offend him dahil ang family business namin ang nakasalalay dito."
"Then what you want me to do?" tila nahuhulaan ko na ang gusto niyang ipagawa sa akin.
"Please Cathy, ikaw na ang bahalang humarap at magpaliwanag sa kanya kaya hindi ako makakasipot sa blind date namin. Alam ko na kaya mong mag-handle ng malalaking tao dahil sa maraming koneksyon ang boss mo. I-convince mo siya na ipagpatuloy ang investment sa family business namin na hindi siya ma-o-offend. Please, please, please..."
Tinitigan ko naman si Zuri at kitang kita ang takot niya sa oras na tumanggi ako. Mukhang wala akong choice kundi tulungan siya.
Kung hihilingin niya sa akin na ako ang magpanggap bilang blind date nito ay talagang iiwanan ko siya rito. Pero pinapunta niya ako rito para makipag-business talk sa taong sinet up sa kanya.
Kung sabagay, mahirap na rin kung magustuhan si Zuri ng kikitain niyang investor. Malaki ang posibilidad na pilitin siya magpakasal ng kanyang magulang sa taong iyon. Kaya ngayon pa lang ay kailangan ko na putulin ang anumang binabalak ng magulang ni Zuri. Dahil tama si Zuri, kinabukasan niya ang nakasalalay dito.
"Okay, I'll do it," pagpayag ko sa nais niyang gawin ko, "But prepare yourself. Mahal ako maningil ng kapalit."
"Waaah! Thank you, Cathy!" nakahingang pagpapasalamat ni Zuri sa kanya bago mahigpit siyang niyakap.