LOVE 2

1333 Words
Sa mga lumipas na araw ay naging ganoon lang ang takbo ng buhay nina Ismael at Cathy. Napuno ang kanilang mga oras sa mga sunud sunod na business meeting. They are now living just to earn money. Hindi na nga yata nila alam ang magpakasaya kasama ang kani-kanilang mga pamilya. Kulang na lang din ay sa kompanya sila tumira na dalawa. Hanggang sa isang araw ay may dumating na espesyal na bisita si Ismael. "Good day, Mrs. Alcazar," magalang na pagbati pa ni Cathy sa kaharap na siyang ina ng kanyang boss, the one and only Mrs. Victoria Alcazar. Nasa early 60's na ito pero batang bata pa ang kanyang itsura. Kaya hindi tuloy maiwasang mainggit ni Cathy na nasa 27 years old na. Minsan ay gusto niyang itanong sa ginang ang lihim nito para manatiling bata ang itsura. Abot tenga naman ang ngiti na ibinigay sa kanya ng ginang. Dahil sa apat na pagtra-trabaho niya bilang sekretarya at naging malapit na rin sila sa isa't isa. "Hi Miss Cathy! Abala ba ngayon si Ismael?" umaasang tanong niya at iniyakap ang kamay sa braso ng sekretarya ng anak, "Gusto ko sana siya makausap. Okay lang ba?" "Of course, ma'am," sagot naman ni Cathy sa kanya pero medyo nagtaka siya kung bakit nagpapaalam sa kanya ang ginang kahit siya ang ina ng kanilang boss, "He is free until 10 am." Nakahinga naman ang ginang sa narinig na iyon kay Cathy. "Weew! Akala ko pati ako ay kailangan na magpa-set ng appointment sa anak ko," pabirong sambit ni Victoria, "Hindi ko na nga alam kung umuuwi pa ba ang isang iyon! Lagi na lang nandito sa kompanya niya at hindi man lang maisipan na dalawin kami ng ama niya." "Don't worry ma'am. He is always at home from 10 pm to 6 am," kalmado na pagbibigay alam naman ni Cathy sa ina ni Ismael. Nanlaki ang mata ni Victoria sa sinabi ni Cathy na iyon. "T-Teka... P-Paano mo nalaman iyon? Nagsasama na ba kayong dalawa ngayon sa bahay?!" gulat na tanong niya at hinawakan pa sa magkabilang balikat si Cathy para usisain, "Bakit hindi ko man lang nabalitaan ang tungkol dito?" Napakunot ng noo si Cathy sa hinuha na iyon ng ginang. "No ma'am. He always texted me when he was home and what time he was leaving," umiiling na pagpapaliwanag ni Cathy sa ginang, "It's part of my job to know where he is." Lalong binigyan ng nagsususpetya ng tingin ng ginang si Cathy. Sa lahat ng sekretarya ay siya lang ang may ganitong kadedikasyon sa kanyang trabaho. "Umamin ka nga sa akin, Miss Cathy... May relasyon na ba kayo ni Ismael?" direktang tanong niya sa dalaga, "Kung mayroon man ay hindi naman ako against sa inyong dalawa. Medyo gusto naman kita bilang maging manugang ko." Napakunot lalo ang noo ni Cathy sa sinasabi na iyon ng ina ni Ismael. "Sorry ma'am but the only relationship with us is an employer and an employee," pagtanggi naman agad ni Cathy sa inaakala na iyon ng ginang, "Nothing more." Napahawak sa kanyang pisngi ang ginang habang nakatitig sa mata ni Cathy. Doon ay nalaman niya na seryoso ito na walang anuman namamagitan sa kanyang anak. Malakas na napabuga na lang siya ng hininga. "Ilang taon ka na nga ulit, Miss Cathy? Wala ka pa ba ring balak na mag-asawa at magkaanak?" concern na tanong ni Victoria, "Baka dahil sa sobrang dami na pinapagawa sa iyo ni Ismael ay tumandang dalaga ka na rito. You need to live your life." Hindi naman makaimik si Cathy sa sinabi na iyon ni Victoria. Dahil normal na niya marinig ang mga katagang iyon sa kanyang mga magulang at kaibigan niya. Ilang beses na inudyukan na nga siya ng mga ito na makipag-date sa mga kakilala nilang mga single. Ngunit paulit ulit niya rin tinanggihan ang mga iyon dahil sa sobrang busy siya at wala naman siyang interes sa ganoong bagay. "Nay, that's enough. You are making my secretary uncomfortable on your questions." Natigilan silang dalawa sa pag-uusap nang marinig nila ang boses ni Ismael. Nakita pa ni Cathy ang boss niya na nakasandal sa hamba ng pintuan at tila kanina pa nakikinig sa kanilang usapan. Napatawa na lang si Victoria. "Oh right... Sorry Miss Cathy, gumana na naman ang bibig ko at kung anu ano ang tinatanong sa iyo," paumanhin naman ng ginang kay Cathy. "No worries ma'am," magalang na sagot naman ni Cathy. "Prepare some snacks for my mom," utos pa ni Ismael kay Cathy bago niyakap ang ina papasok sa loob ng kanyang opisina. Nang makaupo naman sa sofa si Victoria at malakas na hinataw niya sa braso ang anak. "What's the problem, nay?" reklamo ni Ismael at hinawakan ang nasaktang balikat, "Bakit bigla na lang kayo namamalo riyan?" "Ismael, talaga bang wala kayong relasyon ni Miss Cathy?" patuloy pa rin niya panggigisa. "Sinagot na niya ang tanong na iyon kanina, nay. Wala kaming relasyon bukod sa employer at employee," walang pagdadalawang isip na paglilinaw naman ni Ismael kay Victoria. Napasimangot naman si Victoria. "Sayang naman... Maganda at maasikaso pa naman si Cathy. Nasa kanya ang mga bagay na mahahanap mo sa isang babae ngayon. Kaya hindi ko talaga alam kung ano ang problema sa iyong mga mata, anak, at hanggang ngayon ay wala pa rin pagbabago sa inyong dalawa," nanghihinayang niyang komento pa, "Hindi ka ba man lang nagagandahan sa kanya?" Napahalukipkip ng braso si Ismael dahil puro ang sekretarya niya ang bukambibig ng kanyang ina. "Nagtungo lang ba kayo rito para ipareha ako sa aking sekretarya, nay?" pagputol niya sa usapan na iyon. Napairap na lang si Victoria sa ginawa ng anak. "Tss fine," pagsuko ng ginang at may kinuha sa kanyang bag saka agarang inabot iyon kay Ismael, "Here." "Ano naman ito, nay?" kunot noong tanong ni Ismael dahil nakasulat sa inabot na papel ng ina ang pangalan ng isang restaurant, date at time. "I set you in a blind date," pagbibigay alam ni Victoria, "Anak ng isa sa mga kaibigan ko ang makaka-date mo. Kitain mo siya at tignan mo kung capable siya maging bride mo." "Tss I don't want. I am too busy for a blind date!" pag-angal naman ni Ismael sa binabalak ng ina, "Tsaka masyado na ako matanda para rito. I am already 32 years old, nay." Napasimangot si Victoria sa nirarason na iyon ng kanyang anak. Hindi niya malaman kung saan ba siya nagkamali para lumaki ito ng ganito na walang interes sa salitang 'pag-ibig'. "Iyan nga ang problema ko, anak. You are already 32 years old pero wala ka pa rin asawa at anak," panenermon niya, "Matatanda na kami ng ama mo. Paano ka na kung mamatay kaming dalawa at maiwan ka mag-isa? Aanhin mo naman ang kayamanan mo kung wala kang pamilya? You need to live your life too, Ismael." Napahilot sa kanyang sintido si Ismael. Naiitindihan naman niya ang gusto mangyari ng kanyang ina pero hindi naman kasi ganoong kadali maghanap ng mapangangasawa. "Please Ismael... Just this once. Attend this blind date for me. Malay mo ay siya na ang tao para sa iyo," pagpupumilit ni Victoria sa kanyang anak. Mariin napatikom muna ng bibig si Ismael ngunit hindi naman niya kayang tanggihan ang hinihiling ng kanyang ina. Tsaka isang gabi lang naman ito kaya sa tingin niya ay walang masama kung pagbibigyan niya ang nais ng kanyang ina. "Okay," napipilitang pagpayag niya, "Pero ngayon lang ito..." Napalundag naman sa tuwa si Victoria at pinugpog ng halik ang mukha ng anak. "Thank you, thank you, Ismael! Hindi mo pagsisihan ang desisyon mong ito!" masayang sambit pa ni Victoria, "Hindi na ako makapaghintay na makita ang aking mga apo!" "What are you saying, nay? Makikipagkita lang ako sa kanya at hindi para gumawa ng apo niyo," paglilinaw ni Ismael sa sinabi na iyon ng kanyang ina. Nasa ganoong akto silang mag-ina nang bumukas ang pinto at pumasok si Cathy. Bahagyang napaangat ang labi ni Cathy ngunit propesyunal niyang ibinababa sa harapan ng mag-ina ang dalang merienda sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD