Ilang beses na ibinuga ko ang aking malalalim na hininga habang mariin na nakatitig sa pintuan ng Easton Restaurant na akala mo maglalaho na lang ito ng isang iglap.
Pagkatapos bahagyang inayos ko ang aking medyo nagusot na damit dahil sa maghapon na pagkakaupo ko kanina sa opisina. Pati na rin ang nagulo ko na buhok dahil sa pagmamadali ko na mapuntahan si Zuri rito.
Ngayon, kailangan ko na harapin ang ka-blind date ni Zuri sa aking pinaka-propesyunal na anyo. Sa ganoon ay makumbinsi ko ito na huwag bitawan ang negosyo ng pamilya ni Zuri nang dahil lang hindi siya magagawang siputin ng aking kaibigan.
Iyon nga lang...
*ba dump!*
*ba dump!*
*ba dump!*
*ba dump!*
Napalunok ako ng paulit ulit at nanginginig na napahawak sa tapat ng aking puso. Sa hindi kasi malaman na dahilan ay labis na kinabahan ako ngayon. Sanay na sanay naman ako humarap sa mga malalaking tao na business partner ng boss ko pero tila sa pagkakataon na ito ay naging nerbiyosa ako.
Kung hindi lang siguro ako nakapagbitaw na ng pangako kay Zuri ay baka umurong na ako ngayon dito. Kaya pinilit ko na lang na alalahanin na para sa kabutihan ni Zuri ang gagawin kong ito.
Muling humugot ako ng malalim na hininga saka malakas na pinakawalan ito. "Z-Zuri... W-Wala ka ba talagang ideya kung sino ang investor ng magulang mo?" medyo nag-aalangan kong tanong sa katabi kong kaibigan.
Nakakapagtaka naman kasi na kinakabahan ako ng ganito. Pakiramdam ko tuloy may mangyayari rito na hindi ko inaasahan. Kaya dapat kahit papaano ay makapaghanda man ako kung sino ang maaaring makatagpo ko sa loob ng restaurant na iyon.
Mabilis na iniling ni Zuri ang kanyang ulo. "Pasensiya ka na talaga, Cathy! Wala talaga akong ideya kung sino siya eh. Alam mo naman hindi ako interesado sa family business namin dahil sa ibang larangan ang hilig ko di ba?" pagrarason ni Zuri sa akin.
Napabuga muli ako ng malalim na hininga. "Iintayin mo ba ako rito?" umaasang tanong ko sa kaibigan ko.
Mabilis na itinango niya ang kanyang ulo. "Oo naman! Kung sakali na may mangyari na hindi maganda ay nandito lang ako sa labas," desididong sambit niya at pinakakita sa kanyang titig na hindi niya ako iiwanan dahil sa problema niya ito at nadamay lang ako, "Basta tandaan mo na nandoon lang ako sa aking kotse na mag-aabang kaya kapag nagka-problema ay agad na kumaripas ka lang ng takbo at sabay na tayo sisibat palayo rito."
Napangiwi naman ako sa kanyang naisip na gawin. Para naman kasi kami mga kriminal na tatakas bago mahuli ng mga pulis sa isang malaking krimen.
"Teka ano ba ang oras ng blind date niyo?" biglang tanong ko kay Zuri habang hinahanda ang sarili sa pagpasok sa loob ng restaurant.
Napangiwi at napakamot ng kanyang pisngi si Zuri. "A-Ano... m-m-mga... a-a-ano... 4:30 pm?" patanong na sagot niya sa akin.
Agarang napatingin ako sa suot kong wristwatch at doon ko nakita na lampas 5:30 na. Ibig sabihin mahigit isang oras na nag-aantay ang ka-blind date niya.
"Zuri!" asar kong hiyaw, "Talaga bang pinhihirapan mo ko! Bakit ngayon mo lang sinabi?!"
"I'm sorry, Cathy!" natatarantang paumanhin ni Zuri, "Ayoko lang naman biglain ka kanina eh!"
Malakas na napatapal ako ng palad sa aking noo dahil sa rason na binigay niya sa akin. Mas patagalin niya kasi ang pagsasabi sa akin ay lalo lang pinalala ang kanyang sitwasyon.
Kaya wala ako nagawa kundi patakbo na pumasok sa loob ng restaurant. Kung totoo na isang businessman ang ka-blind date ni Zuri, malamang pinakaayaw nito ay ang mga late.
Mukhang sa nangyari pa ay lalo lang namin ito ginalit dahil sa isang oras na kanyang pag-aantay. Sinayang namin ang isang oras niya sa walang kabuluhan na dahilan. Napakahalaga ng oras sa isang businessman.
Pagpasok ko sa loob naman ng restaurant ay agaran na sinalubong ako ng isang waitress.
"Hello po, ma'am," pagbati niya sa akin at mukhang nakikilala niya ako base sa lawak ng ngiti niya, "May reservation po kayo?"
"U-Uh... Yeah... H-Hi..." medyo kinakabahang pagbati ko sa kanya, "I am meeting someone here... Sa room #9?" sambit ko pa nang maalala kung saan naka-reserve ang table ng ka-blind date ni Zuri.
Lalong lumawak ang ngiti ng waitress na tila may naalala. "Yes ma'am. Kanina pa nga niya kayo inaantay sa loob..." sagot ng waitress, "This way po."
Napakunot ako ng noo dahil sa ibig niyang iparating. Sinabi ba niya na inaantay ako ng taong iyon? Tsaka paano niya nasabi na ako ang inaantay nito kung substitute lang naman ako ni Zuri rito.
"O-Okay..." tanging naisambit ko na lang saka nagmamadalimg sinundan ang waitress na iyon.
"Na-traffic siguro kayo 'no, ma'am. Kanina pa kasi kayo inaantay ni sir sa loob eh," nakangiting sambit pa ng waitress.
"Y-Yeah... M-Medyo traffic sa labas..." pagsisinungaling ko pa kahit ang totoo ay nasa labas lang ako at hinahanda ang sarili sa pagsugod sa isang giyera.
Base naman sa reaksyon ng waitress, mukhang suki rin ng kanilang restaurant ang ka-blind date ni Zuri. Kung ganoon, malaki ngang tao ito. Kaya mukhang malaking problema rin ang kakaharapin ko.
Ginabayan naman ako ng waitress patungo sa room#9. Nang makarating kami sa tapat ng pinto nito ay muling kumabog nang malakas ang puso ko. Sa lakas nito ay kulang na lang lumabas sa dibdib ko ang puso ko.
*ba dump!*
*ba dump!*
*ba dump!*
D-Damn...
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko ngayon?
Itutuloy ko pa nga ba ito?
"Come in, ma'am..." sambit ng waitress na siyang napabalik sa aking ulirat sa realidad.
Paglingon ko naman ay doon ko nalaman na bahagyang nakabukas na ang pinto. Napalunok muna ako ng ilang beses bago nagsimula na humakbang paloob ng kwartong iyon.
"Enjoy ma'am," pabulong na sambit pa ng waitress bago tuluyan na isinara ang pintuan na iyon para bigyan kami ng privacy.
Kaya dahan dahan ako napalingon sa kinalalagyan ng table na akala mo may isang multo na susulpot doon. Doon, nakita ko ang isang nakatalikod na lalaki. Pero agarang natigilan ako nang mapansin na medyo pamilyar sa akin ang bulto ng katawan nito.
Pinagkatitigan ko naman ang likuran na iyon at pilit na kinikilala siya.
Sino nga ba ito?
Posible kaya na isa siya sa mga naging business partner o client ni Sir Ismael?
Naku... Paano na ito?
Paano kung isumbong niya ako sa aking boss?
Panigurado mawawalan na ako ng trabaho. Dahil kapag nagkataon isang malaking client o business partner ang mawawala sa kompanya nang dahil sa insidenteng ito.
No, hindi ako dapat matakot dahil walang maling sa gagawin ko. Tatapusin ko ang pagkikita na ito sa propesyunal na pamamaraan. Ipapaliwanag ko kung ano ang dahilan kaya hindi siya masisipot ni Zuri sa lugar na ito. Lahat naman kasi ng bagay ay madadaan sa matinong usapan.
Nang maihulma ko ang aking sarili ay malakas na tumikhim ako. Doon medyo natigilan ang lalaking nakatalikod sa akin. Marahil doon niya lang napansin na nandito na ako.
"I'm sorry for being late," agarang paumanhin ko sa kanya.
Hanggang sa slow motion siya na lumingon sa aking gawi. Nang magtama ang aming mga mata ay malakas na napasinghap ako.
WHAT THE HELL?!?
ANO ANG GINAGAWA NIYA RITO?!?!
Base sa kanyang reaksyon, halata pareho namin na hindi inaasahan na makita ang isa't isa lugar na ito.
"Eh?" gulat na bulalas pa naming dalawa habang nakaturo ang hintuturo sa bawat isa.
"Wait... Miss Cathy?" kunot noong pagkumpirma pa niya, "What are you doing here?"
Biglang nanghina ang tuhod ko kaya napasandal ako sa nakasaradong pintuan. "S-s**t ka, Zuri... Gusto mo na ako mamatay ng maaga..." pagmumura ko sa aking isipan dahil kinalaladsakan na sitwasyon.
Bakit naman sa lahat ng maaaring makita ko sa lugar na ito ay siya pa?
Bakit ang boss ko pa?!?!
"Miss Cathy..." muling pagtawag niya sa akin.
Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung paano ako tatakas sa nakakahiyang sitwasyon na ito.
"I am asking you... what are you doing here?" pag-ulit pa niya ng kanyang tanong.
Kaya bago pa niya bigyan ng ibang kahulugan ang pagkikita namin dito ay hinarang ko na ito.
"Sir, believe me! Hindi ko kayo sinundan o ano! Coincidence lang ang pagkikita natin dito! B-Baka nagkamali lang ang waitress kanina sa pinagdalhan sa akin na kwarto," natatarang pagrarason ko.
Posible nga nagkamali ang waitress sa pinagdalhan sa aking kwarto. Madalas niya kasi nakikita kami na magkasama na pumupunta sa restaurant na ito para sa aming mga business meeting.
"Uh... Sige po labas na po ako," nakangiwing sambit ko.
Akmang lalabas na ako ng kwarto nang matigilan ako nang mapatingin sa taas ng pinto. Doon ko nakita ang numerong 9. Ibig sabihin hindi nagkamali ang waitress sa pinagdalhan sa akin na kwarto.
Inisip ko naman kung tama ba ang pagkakaintindi ko kay Zuri sa numero ng kwarto kung saan sila magkikita ng ka-blind date niya. Ngunit ilang beses niya inulit ulit iyon sa akin para masigurado na hindi ako magkakamali.
Damn... Mukhang talagang si Sir Ismael ang taong dapat kikitain ni Zuri rito...
"Miss Cathy, aminin mo nga? Ikaw ba ang dalagang sinet up sa akin ni mama?" seryosong tanong sa akin ng aking boss.
Napalunok ako nang makumpirma na siya nga ang ka-blind date ng aking kaibigan at mismo si Ma'am Vicky ang gumawa ng set up na ito kaya hindi siya makatanggi.
Hindi na ako nagtaka nang makaramdam ng pagdududa sa tono ng boses ni Sir Ismael. Hindi naman kasi lingid sa aming kaalaman kung ilang beses na sinubukan kami na ipareha ni Ma'am Vicky. Kaya hindi na rin nakakapagtaka kung lihim na gagawin niya ito para magkatuluyan kami.
Pero hindi ko lubos maisip na pupunta sa isang blind date ang boss ko! Hindi ko kailanman mai-imagine na pupunta siya sa ganitong dahilan.
"Miss Cathy, come here," pautos na sambit ni Sir Ismael sa akin, "Please sit down. Pag-usapan natin ang dahilan kaya pareho tayo naririto ngayon."
Napangiwi naman ako. Wala ako nagawa kundi sumunod at maupo sa kanyang harapan. Lalong napangiwi ako na makita na naroroon na ang mga inorder niyang pagkain. Mukhang sa tagal na nag-antay ng boss ko rito ay lumamig na rin ang mga ito.
"S-Sir, p-please let me explain..." agad bungad ko sa kanya, "Ang totoo po kasi niyan... Hindi ko po alam na kayo ang taong makikita ko rito. Si Zuri po ang totoong ka-blind date niyo kaso nakiusap siya sa akin na tulungan ko siya na kausapin kayo. Natatakot kasi siya na bawiin niyo ang investment sa family business nila kung hindi niya kayo sisiputin."
"Zuri?" kunot noong pag-ulit pa ni Sir Ismael at pilit inaalala ang taong tinutukoy ko, "Who is she?"
"Y-Yung isa ko po kasama sa mall... Yung sinundo po ng kanyang boyfriend..." pagpapaalala ko sa kanya.
Kita ko ang pagsimangot ng aking boss nang mabanggit ko na may boyfriend na si Zuri. "You mean my mom set me up to a girl in a relationship?" hindi niya nasisiyahang sambit, "What the hell!"
"Tingin ko wala pong ideya si Ma'am Vicky, Sir. Tsaka ang magulang po ni Zuri ang may gusto na ipakilala ang anak nila sa inyo," pagrarason ko naman, "Kaya siguro nag-set pa rin sila ng blind date sa inyo kahit may boyfriend na si Zuri."
"Tch!" hindi natutuwang bulalas ni Sir Ismael at naghalukipkip ng kanyang braso.
Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Alam ko na labis ang galit ngayon ng boss ko. Siya pa naman ang tipo ng taong ayaw na nasasayang ang kanyang oras. Lalo na maraming appointment siya na kinansel dahil lang dito.
Pagkatapos ng ilang sandali ay hinarap muli ako ni Sir Ismael. "Now, let's eat first," biglang sambit niya, "Mamaya na lang tayo muli mag-usap tungkol dito."
"Po?"
"Do you want me to waste this food?" tanong niya sa akin, "Kaya para hindi masayang ay tulungan mo ko na kainin ang mga ito."
Napatingin ako sa nakahain na pagkain sa aking harapan. Nakakapaghinayang nga naman kung wala kakain ng mga ito sa amin. Tsaka medyo gutom na rin naman ako ngayon. Makakalibre tuloy ako ng hapunan.
Doon ay tahimik kami na magsimula na kumain na dalawa. Walang imikan sa pagitan namin at halatang nagpapakiramdaman kami sa isa't isa.
Paminsan minsan ay sinisilip ko ang mukha ng boss ko para tignan kung galit pa rin ba ito sa ginawa ng magulang ni Zuri. Ang problema ay walang emosyon ang mukha niya at tila nasa kalaliman ng kanyang malalim na pag-iisip.
Nang matapos naman namin kainin ang karamihan sa mga putahe ay tumigil na rin ako dahil tingin ko hindi na ako matutunawan pa. Kinuha na rin ni Sir Ismael ang pagkakaon na iyon para tumigil sa kanyang pagkain.
Doon ay muling hinarap ng boss ko ang aking tingin. "Ipabalot mo na lang ang iba at iuwi sa magulang mo," utos ni Sir Ismael.
"O-Okay po, sir," magalang na pagsagot ko naman.
Doon ay namayani muli ang mahabang katahimikan sa pagitan namin. Gayun pa man ay ramdam ko ang kakaibang titig na binibigay sa akin ni Sir Ismael. Tagos kaluluwa kasi ito.
Hanggang sa humugot ng malalim na hininga si Sir Ismael at malakas na pakawalan ito.
"Noon pa man ay wala akong problema sa iyong trabaho, Miss Cathy," biglang sambit niya na aking ikinagulat, "You really do a great job. Kahit ang mga business partner ko at mga client ay pinupuri ka nila."
T-Teka lang... H-H-Hindi ba ganito ang mga lintanya ng mga boss na nagnanais na magtanggal ng kanyang empleyado?
Ganoon na ba ka-grabe ang mga ginawa ko para isipin niya na tanggalin ako?
"S-Sir..." kinakabahang sambit ko, "Wait... Bakit niyo po biglang nasabi ang mga iyan...?"
Pinagdaop ni Sir Ismael ang kanyang mga kamay saka ipinatong ito sa ibabaw ng mesa. Gayun pa man, hindi niya pa rin pinuputol ang kakaibang tingin na binibigay sa akin.
"Okay... I finally decided..." muling sambit ni Sir Ismael.
"Po? D—D-Decided po kayo saan?" natatarantang tanong ko sa ibig niyang iparating.
Kumabog muli ng malakas ang t***k ng puso ko dahil sa takot ng susunod niyang sasabihin. Marahil ito ang nais iparating sa akin nito bago ako tumuloy dito.
Sana lang ay nakinig ako... Sana hindi na ako pumunta rito...
"Miss Cathy," pagtawag sa akin ni Sir Ismael sa pinakaseryoso niyang boses.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Will you marry me?"