The next day, I woke up in a soft bed and wearing a man's clothes. Nang maalala ang nangyari kagabi ay napangiti ako. It was not good ang I already ruined my moral ethics. What can I do? Push him away? Pero hindi ko nga magawa. Nilingon ko ang aking tabi at nakitang wala si Ethan doon. I started to panic. It felt like deja vu, only this time, I remembered what happened. "Ethan?" I called out to him pero walang sumasagot. Bumaba ako ng kama at lumabas ng kwarto. Doon ko siya nakita sa sofa natutulog. He's covered with a thick blanket, totally asleep. Napailing nalang ako. Siguro naisip niya na hindi kami pwedeng matulog sa iisang kama. But considering what we did before we slept? I don't think so. Nagkalat pa rin yung mga boteng walang laman. Mukhang marami nga ang nainom niya kagabi.