Prologue
"Okay ka lang?"
Nilingon ko si Mama na nakaupo sa sofa habang nanunuod ng TV. Kararating ko lang galing school. Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang, ma."
To be honest, hindi naman talaga ako okay pero kailangan kong sabihin na okay ako. Kilala ko si Mama, hindi niya ako tatantanan kapag nag-aalala na siya. Ayokong mag-aalala siya. Marami na nga siyang iniisip, dadagdag pa ba ako?
"Kanina ka pa kasi nakatulala d'yan. Nag-aalala ako na baka may nangyari sa school kaya ka nagkakaganyan."
I sighed. Tama nga sila. Mother knows best. I can't hide my pain to her, lalo na't kilalang-kilala niya ako. But I still need to act like I'm okay.
"Pagod lang ako sa school ma. May paparating na naman na school event kaya medyo busy talaga ako ngayon," I assured her.
"Ahh," she paused. "Pahinga ka muna, hmm? 'Wag mo masyadong pagurin yung sarili mo."
"Opo ma," I smiled. "Aakyat na po ako," turo ko sa hagdan.
Tumango lang si Mama sabay ngiti kaya tumayo na ako at nagpaalam. Nung nakapasok na ako sa silid ko ay hindi ko maiwasang matulala ulit.
Nag-away na naman kasi kami. Nag-away na naman kami ng best friend ko. Alam ko naman kasi na may anger issues siya. Hindi ko na sana tinapatan yung galit niya. 'Yan tuloy.
Napasalampak nalang ako sa kama ko saka ko dinampot yung phone ko. I opened my social media account and saw my best friend's story.
Alak.
Nag-iinom na naman siya. Kasama na naman niya yung nga barkada niyang sunog-baga.
Brody naman e.
Sinasabihan ko na siya na huwag iinom pero ang tigas talaga ng ulo. Maya't maya niyan, magrereklamo na naman na masakit yung ulo niya. Ewan ko nalang.
Biglang nang-pop up yung chathead ko.
“Hi,” sabi nung message.
Kumunot yung noo ko. Sino na naman ito? Sanay na akong may nagcha-chat sa akin ng Hi or Hello. But this one is different. He's cute kasi sa display photo niya. Sorry maharot lang. Usually kasi ang babaduy ng ibang nagcha-chat sa akin. I mean come on, let's face it. Magiging interesado naman talaga tayong mga kababaihan kapag cute o gwapo yung nagcha-chat sa atin, diba? Don't tell me hindi ganun yung mga lalaki. This thing goes the same way with boys kapag chix o maganda yung nagcha-chat sa kanila. We're only human. Na-a- attract tayo sa mga magaganda't gwapo.
Gusto ko mang humarot ay binalewala ko nalang ito. Wala ako sa mood para humarot.
I opened my message box tapos nag-scroll hanggang mahinto yung mga mata ko sa icon ni Brody. Pinindot ko ito at nagtype.
“Sorry na.”
“Hindi na mauulit.”
“Reply ka na please.”
“San ka?”
“Puntahan kita?”
Tinadtad ko siya ng message pero hindi siya nagrereply. Ayoko naman siyang tawagan kasi baka madisturbo ko siya at masigawan niya ako.
Nanlumo ako nang s-in-een niya yung mga chat ko sa kanya. Napabagsak nalang ako sa kama. Ang hirap suyuin parang babae. Ganito ako nag-alala tuwing nag-aaway kami kasi ang hirap niyang tao. Marami kasi siyang problemang hinaharap kaya nag-develop yung anger issues niya. Natatakot ako na baka ano yung gawin niya sa sarili.
Tumunog yung message box ko kaya dali-dali akong bumangon mula sa pagkahiga at tiningnan kung sino yung nagmessage. Bumaba yung balikat ko nang basa kung sino.
“Hi ulit.”
Yung cute na lalaki. Inasahan ko na si Brody na yung nagreply pero nabigo ako. Napangiti nalang ako. He's a fighter. Napaisip ako na patulan ko nalang. Wala naman siyang masamang intensyon at friendly chat lang naman ito. Hindi ako nireplyan ni Brody and I need to loosen up.
“Hello,” reply ko sa kanya.
Yeah. That simple. Titingnan ko lang na tatagal ba siya sa kaboringan ko. I'm not the type na nagrereply sa simpleng hi o hello. Sadyang interesado lang ako sa kanya. Simple.
“From what school?” reply niya.
Taray! School agad?
“XSMIT. And you are?”
“I'm from LU.”
Ganito na ba ang mga kabataan sa chat? School yung unang tinatanong? Hindi ko kasi alam ang mga ganito. You can call me a boomer.
Napahinto ako nang mapagtantong pamilyar yung initials ng school niya. It was too familiar that I immediately remembered when I heard it. It’s a school where my cousin studies.
“Nice. I know a few people studying there. Do you happen to know Lachelle?” tanong ko sa kanya. Ramdam ko kasi na maraming kakilala pinsan ko sa paaralang ‘yon.
“Hindi ko siya kilala. Haha. Senior High School pa lang ako,” he replied.
“My bad. Nalimutan kong sobrang laki pala ng LU. G12?”
I laid my back on my soft bed, finally loosening up. I find this fun. Hindi ko akalain na talking with strangers online would be this entertaining! Panandalian kong nakalimutan yung iniisip ko kanina lang.
“G11,” sagot niya.
Ekis! Mas bata pa sa akin. Ayoko sa mga mas bata sa akin.
On the other hand, why would it matter? Hindi naman ako naghahanap ng boyfriend. My intention is nothing like that. Gaya ng sabi ko, friendly chat lang.
“I see. G12 pala ako.”
Isang year lang naman gap namin. Ano naman ang issue nun?
Inuulit ko, Farah, hindi mo siya jojowain. Kakaibiganin lang. Huwag mong lagyan ng malisya.
“Ate, pwede kantahan kita?”
Ate?! Putcha, ano daw?! ATE?!
Dahil ba ang sabi ko Grade 12 na ako at siya ay Grade 11 pa kaya niya ako tinatawag na ate? Tangina nakakatanda!
Sorry baby boy. Minus points ka sa akin. Makes me wanna see you as a little brother.
Pero sabi niya kantahan niya daw ako? Well, let's give it a shot.
“Seryoso?” tanong ko sa kanya kahit medyo akong na-offend sa ‘ate’ niya.
“Oo naman.”
Never pa akong kinantahan. Hindi pa kasi ako lumandi ng taong mahilig sa music. Honestly, lumalandi naman ako, pero hanggang dun lang. Walang label. Ganun.
Bigla nalang may nagmessage sa akin kaya in-open ko ito.
"Naubos na yung data subscription mo..."
Nasapo ko yung noo ko. Seriously? Sa ganitong oras pa? Ang swerte ko talaga.
“Kaka-expire lang ng data subscription ko. Magpapaload ako bukas. Kung okay lang?”
“Send ko na lang. You can listen to it tomorrow.”
A few seconds later, a voice message was sent to me. Legit. Nagsend nga siya ng voice message. It's a shame I can't listen to it though.
“Na-curious tuloy ako,” I typed.
“Hindi ganun kaganda yung boses ko.”
“Hindi naman siguro magse-send kung hindi ka confident no?”
“Promise hahaha.”
Bahagya akong napangiti. It’s my first time smiling this week. Isang linggo na kaming nag-aaway nung bestfriend kong si Brody. Para kaming magjowang mag-away pero talagang magkaibigan lang kami.
“If you say so. Anyway, why would you sing for me?” curious kong tanong sa kanya.
“I just wanted to impress you.”
“And why is that?”
“I'm interested in you,” reply niya na may heart.
I can hear my heart beating fast pati na din ang pag-iinit ng magkabila king pisngi. Parang kung may anong kiliti sa tiyan ko na hindi ko maipaliwanag. Gusto kong tumili but I'm composing myself. Ito na ba yung kilig?
“Seriously?” tanong ko nang mahimasmasan.
“Oo. Matagal na kaya kitang crush.”
Nakaramdam ako ng pagkalito. Matagal na daw niya akong crush? Have we met before?