"You mean may girlfriend na siya? And you knew it pero pinatulan mo?" nakangangang tanong ni Rose. I nodded. "Pero sabi naman niya na sawa na siya sa girlfriend niya." "Pero hindi pa sila hiwalay, diba?" tanong niya. Dahan-dahan akong tumango. Pabagsak niyang nilagay yung mga kamay sa mesa at nakuha namin yung atensyon ng lahat. Nasa isang coffee shop kaming dalawa. Kape sa tanghaling tapat kasi Pilipino tayo 'e. I wanted to let this out to Rose kasi alam kong siya lang makakaintindi. Babae sa babae, alam kong mas maiintindihan niya ako kompara kay Brody. Ramdam ko naman na mali yung ginawa ko kaya I need her advice. She was happy that I called her. Kasi sinabi kong ililibre ko siya kaya pumayag agad siyang sumama sa akin. She thougt that I have good news kasi manlilibre ako sa ka