Kinaumagahan, hindi mawala yung ngiti ko sa labi. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kagabi. We didn't just make out, he just said the only thing that I wanted to hear from him. Ang hiwalayan si Aria. I'm not happy over Aria's feelings. I'm not invalidating it. Malungkot ako na may nasasaktan pero ganun naman talaga sa love. May masasaktan talaga. Besides, Ethan deserves to be free. Sobra nang higpit ng hawak ni Aria sa leeg niya that made it very suffocating for him. Lumabas ako ng room at huminga ng malalim. Alas singko pa lang ng umaga pero makikita mo na yung mga athletes na nagjo-jogging. Nag-inat ako to start my day. Paniguradong mapapagod na naman ako. "Ganda ng gising natin a!" bati ni Maddy. Napalingon ako sa kanya ay nag-inat din siya gaya ko. Mukha na din siyang hand