The day that we've all been waiting for. Kinakabahan ako kasi nasa harap na namin ang aming mga kalaban. Yung iba kilala ko noon pa. We've met before at hindi ko inasahan na hanggang ngayon ay magkikita kami. "Listen, girls," hinawakan kami ni Ma'am Sweet sa balikat kaya napalingon kami sa kanya. "Walang lugar para sa talo, okay? Kailangan niyong manalo." I forced a smile as I felt pressure overpowering me. Two weeks of training with her had been pressuring. Whole day dapat kaming naglalaro at nagso-solve ng chess puzzles. Kapag may free time naman kami dapat nilaan namin sa pagbabasa ng book. Nagkatinginan kami ni Maddy. Both of us felt the same. Noong una ay sinabi pa ni Maddy na masayang kasama si Ma'am. As days pass, naintindihan na din niya yung kawalan ng gana ko. I don't want to