"Sir! Bili lang kami nina Kenneth at Ethan ng makakain sa labas," paalam ni Ian. "Makakain? Libre naman pagkain dito," sagot ni sir. "Hindi po. Para po kay Ethan. Hindi po siya athlete. Hindi siya kasama sa budget kaya magte-take out lang po kami. Sasamahan lang namin." Humalukipkip si sir. "Sinabi ko naman diba na bawal lumabas ng campus?" "Saglit lang naman kami sir. Babalik din kami agad," pangungumbinsi ni Ian. Napahilot nalang si sir sa sentido niya. Mapilit kasi talaga si Ian. For a boy, sobrang ingay niya at ang kulit. He can be very funny and annoying at the same time. "Sige. Basta balik kayo agad ha?" "Yes sir! Opo naman po!" Lumabas na ang tatlo sa room. Ethan took a quick glance and then turned his back and followed Ian. Nakahinga ako nang maluwag. Simula nung inaasar