"Excited na ako! Finally College na tayo!" tili ng girl bestfriend ko na si Rose.
"Ako din. Kaya lang hindi ko talaga maiwasang kabahan. Alam mo naman diba, hindi ako ABM student," sagot ko sa kanya
"Ano ka ba naman, Farah. Ako din naman walang ideya sa kukuning kurso."
Nagkatinginan kaming dalawa saka nagsimulang magtawanan.
We took GAS in senior high school kaya wala kaming ideya sa business. Tinuruan naman kami ng entrepenuership at basics pero iba pa rin talaga yung knowledge kapag galing ka sa ABM.
Ngayong college na kami, I took Bachelor of Science in Accountancy. Si Rose naman ay Bachelor of Science in Office Administration. Goods na din yun kasi kahit hindi kami magkaklase, at least in same department pa rin kami.
"Saan nga ba yung unang pupuntahan natin?" tanong niya sa akin.
Nasa school kasi kami para makapag-enroll. Maaga pa naman bago yung pasukan pero naisipan na naming magpa-enroll. Baka kasi kung mag-e-enroll kami kapag malapit na baka maraming tao. Ayokong makipag-siksikan.
"Department natin. Sa CBM."
Tinahak na namin yung daan papuntang CBM. Halos mawala kami kasi ang laki nung campus. We're new students kaya bago talaga sa amin yung school.
Anong school?
Laurent University o mas kilala sa pangalang LU. Gusto talaga ng lola ko na dito ako mag-aaral nung senior high school ako. Kaya lang I insisted na mananatili sa XSMIT. Nandun kasi friends ko saka mahirap mag-adjust.
Binigyan kami ng papel nung Department Secretary na dapat i-fill up for enrollment saka kami pumunta ng accounting office para magbayad ng entrance fee. Habang tinatahak namin yung daan papuntang accounting ay hindi ko mapigilang luminga-linga— hoping to find someone.
"Huy!" panggugulat ni Rose sa akin. "Sino bang hinahanap mo?"
"Ha?" natataranta kong tanong. "Wala. Sinasaulo ko lang yung lugar."
Akala ko makikita ko siya nung araw na yun. Nabigo lang ako. Ethan and I used to call each other that would last for an hour, chat each other until midnight and update each other about ourselves.
Used to.
Wala kaming label but I somehow feel special to him. Same goes to myself. he is special to me. When I was in my darkest, he was there as my light. He made me smile. He found my smile that was stolen from me. Ngayon nawala na ulit.
I wish I could bring back time. Pinagsisihan ko na hindi ako nagpaliwanag ng maayos. It’s been haunting me every night. Iniisip ko na iniisip niya din ba ako? Nag-aalala ako sa nararamdaman niya. I’m sure, nasaktan siya.
***
"Good morning class! Welcome to our first virtual meeting!" masiglang bati ng aming instructor.
The pandemic spread rapidly so we had no choice but to conduct classes online. Hindi ko alam kung effective ba yung online class pero ginawa naman ng instructor yung lahat para may maintindihan kami.
Well, except for me.
"What is Asset?"
"How about Liability?"
"Equity? Anyone?"
Halos maluha ako nang marinig yung sagot ng mga blockmates ko. Ang galing nilang sumagot habang ako magno-nosebleed na dahil sa mga terminologies. I never felt this dumb before! Wala akong alam sa mga pinagsasabi nila. Everything is fvcking new to me!
I was partly confident nung nagpa-enroll ako sa kursong ito. Kasi I used to be a math challenger kaya may advantage ako. Pero dude iba! Ibang-iba yung math sa accounting! Hindi magagamit yung quadratic formula para i-analyze yung mga transactions!
The pressure started building up inside of me. Naramdaman ko nalang yung pagtulo ng mga luha ko. I bit my lower lip to prevent myself from crying pero hindi ko magawa-gawa. They come rushing down my cheeks as anxiety started taking its toll.
Hindi. Hindi dapat ako panghinaan ng loob. I signed up for this kaya dapat ko itong panagutan pero putcha! First meeting pa lang parang susuko na ako.
"Can anyone tell me the equation of the balance sheet?" tanong nung instructor.
Lord! Please kahit ngayon lang. Sana hindi matawag yung pangalan ko. Wala akong ideya kung ano yung pinagsasabi ni Ma'am. Please po.
Mas lalo kong ni-look down yung sarili nang nagsitaasan ng kamay yung mga kaklase ko. Ako lang ba yung naiba dito? Ako lang ba yung walang alam?
"Hi!"
Bigla nalang bumukas yung pinto ng silid ko at iniluwa si Brody.
"Brody!" naiiyak kong tawag sa kanya.
Worry crossed his face at dali-daling lumapit sa akin. Nakakunot yung noo niya na para bang naguguluhan sa mga luha ko sa mata.
"Bakit ka umiiyak?" nag-aalang tanong niya saka sumilip sa laptop na nasa harap ko. "Sinong nag-away sa'yo?"
Napatingin lang ako sa kanya saka ako yumakap at umiyak sa dibdib niya.
"Brody!"
Naramdaman ko yung kamay niya na hinagod yung likod ko.
"Shh. Tahan na."
Paano ako tatahan? Sobrang taas ng expectations ko sa sarili ko tapos unang virtual meeting pa lang, ako lang yung kulelat!
"Bakit ka ba umiiyak?" tanong niya ulit.
Tinuro ko yung laptop na nasa harap ko. "Wala akong maintindihan!"
Binalewala ko yung discussion ngayon kasi nakakasakit lang ng ulo. Ginawa ko naman ang lahat para maging pamilyar ako sa mga terms 'e sadyang napakabilis lang talaga ng discussion ni Ma'am. Akala niya naman nag-ABM yung lahat. Hello? GAS ako!
"Sabi ko na nga ba e," Brody sighed. "Diba sabi ko naman sa'yo na kunin mo yung kurso na gusto mo?"
Suminghot-singhot ako habang pinahiran yung luha at uhog ko.
"Alam mo naman na ayaw nila Mama na mag-HRM ako, diba? Gusto nila yung board course."
Simula pa lang elementary gusto ko na talaga maging chef. 'E kasi mahilig ako sa pagkain. Nag-eenjoy din ako sa pagluluto. Support naman sina Mama sa passion kong magluto. Kaya lang nung tumuntong ako ng Grade 10 nag-iba yung isip nila. Hindi ko daw dapat sayangin yung talino ko kaya dapat hindi nalang ako mag-HRM. I was torn, to be honest.
Kaya imbes na TVL or ABM yung kunin ko sa Senior High School ay nag-GAS nalang ako. Hindi pa kasi ako sure kung ano talaga yung kukunin ko sa college. Undecided kumbaga. Sabi naman ng Principal na flexible daw yung GAS.
Nung kabataan ni Mama gusto niyang mag-commerce. Kaya lang may financial problem sila kaya hindi niya yun nakuha.
That is when I decided to take BSA para naman makuha ko yung pangarap na gusto niya. This is for her. Sadly nags-struggle ako. Sobrang struggle.
"Iiyak mo lang 'yan ngayon. Pagkatapos mong umiyak 'wag ka munang babalik sa pag-aaral ng lesson na 'yan. Libre muna kita. Ano game?"
Tumahan na ako at kumalas sa pagkayakap sa kanya. Pinahiran ko yung mga luha ko at suminghot.
"Libre mo? Sure?" paninigurado ko.
"Oo naman. Para makakapag-loosen up ka. When you calm down pwede mo nang balikan yung topic niyo ngayon."
Tama. Pwede kong balikan yung discussion. Tutal recorded naman yung virtual meeting namin. Pwede kong i-replay yun!
Tumango ako sa kanya.
Ang sabi sa akin ni Brody, kapag nahihirapan na daw ako at yung parang maiiyak na, iiyak ko nalang daw. Walang namang masama sa pag-iyak. Iiyak ko lang yung pressure hanggang sa mailuha ko na ang lahat. Pagkatapos umiyak ay babalikan yung iniyakan. Kapag nadapa, turuan ang sariling tumayo ulit. I shouldn’t pressure myself at tama nga siya. Iiyak pero hindi susuko.