Chapter 1

1098 Words
“Ang sabi ni Miss Santos sasama daw tayo sa kanila this Saturday para sa Community Extension Program,” rinig kong sabi ni Brody. “Talaga?” I responded kahit wala sa kanya yung mga mata ko. Nasa phone lang yung mga mata ko dahil kausap ko yung lalaking kinantahan ako. Si Ethan. Simula nung nagsend siya ng voice message ay hindi na siya mawala sa isip ko. Sa gabing ‘yun, halos hindi ako makatulog. Panay yung pagngiti ko. I rolled myself on the bed back and forth. I admit. Kinikilig ako! I was too curious to listen to his voice that I messaged my cousin to send me load. Nagloloko kasi yung wifi sa bahay. Buti nalang pumayag yung pinsan ko. Nang marinig ko yung boses niya ay para akong lumulutang sa ere. Nakaka-inlove boses niya! Major turn on kasi para sa akin kapag maganda yung boses. “Naghahanap kasi sila ng volunteer. Kaya lang walang nag-volunteer kaya si Miss Santos na yung kumausap sa akin. Sinama ko na din pangalan mo para dalawa tayo,” rinig kong tawa niya. “Okay,” sagot ko habang nakangising nagtipa sa phone. “Gusto sana kitang makita in person,” sabi ni Ethan na ka-chat ko ngayon. I sighed. “Sana nga pwede. Wala akong free time these days,” I replied to him. Totoo ‘yun, wala akong vacant. Isa kasi ako sa mga officers ng Student Council sa campus. Paparating na yung Departmental Days at busy kami sa paghahanda. May sinabi pa si Brody ngayon na sasama kami sa Community Extension Program every Saturday. Sunday lang yung vacant ko at sa araw din na ‘yan ay ginagawa ko assignments ko at mga gawaing-bahay. “No pressure. Dadating din ang araw na ‘yan,” he replied. I smiled. Pati yung typings niya gwapo din! Ito yung gwapo typings, diba? I have grown attached to him. Palagi niya akong ina-update tungkol sa buhay niya. Like yung time na nags-skin care siya. Pati din nung nagyayaan yung mga barkada niyang uminom. Sabi pa niya na umiinom daw siya. Parang nahiya pa nga. I found it very cute! Sabi ko naman sa kanya okay lang. Normal na yun kapag may okasyon. Too young pa since hindi pa nag-eighteen but it’s fine. “Ano ba?! Kanina ka pa ngiting-ngiti d’yan! Sino ba ‘yang kausap mo?” Nagulat nalang ako nang biglang hablutin ni Brody yung phone ko at binasa yung messages. “Hoy Brody! Ibalik mo ‘yan sa akin!” sigaw ko sa kanya. Pinagtitinginan tuloy kami sa mga taong kumakain din dito sa karinderya. Lunch time na din kasi at palagi kaming kumakain dito. “Ethan? Sino ‘to?” kunot-noo niyang tanong. He seem annoyed. “Akin na nga ‘yan!” kinuha ko mula sa kanya yung phone ko at sinamaan siya ng tingin. “May hindi ka ba sinabi sa akin?” tanong niya. “Dapat ba lahat nalang sinasabi ko sa’yo?” tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi kita boyfriend!” “Sino nga ‘yan?” turo niya sa phone ko. “Si Ethan. Nabasa mo naman pangalan niya diba?” irap ko sa kanya. “Kaibigan ko na nakilala ko lang sa internet.” “Kaibigan lang?” “Kaibigan lang! Alam mo naman na ayaw pa ni Papa na magbo-boyfriend ako,” nguso ko. Bumalik ako sa pagkaupo at tiningnan yung phone ko. Halos lumuwa ang aking mga mata nang makita yung nasa screen. Nakaramdam ako ng kaba. “Tangina ka!” sigaw ko kay Brody sa harap ko na nakangisi. “What?” maang-maangan niya. “Bakit mo sinabihan ng ‘I love you’? nababaliw ka na ba?!” inis kong sigaw sa kanya. Kinabahan ako nang todo at balak pa sanang I-delete yung message nang bigla niyang s-in-een yung message. Nanghihina akong napaupo sa upuan. Wala na, finish na. “Yieeeee. I love you too!” reply ni Ethan. “Tangina ka talaga,” walang gana kong lingon sa kanya. Yung ngisi niya ay naglaho at napalitan ng pag-aalala. Sinamaan ko siya ng tingin. “Anong sabi?” tanong niya. Padabog kong nilagay sa harap niya yung phone ko at tumingin sa kawalan. Ito yung pinaka-ayaw ko sa kanya. Every time he got the opportunity to open my messenger, he message random boys and say ‘Iloveyou’ to them. Nakakapikon, to be honest. Yung biro para sa kanya ay hindi nakakatuwa para sa akin. “Ako bahala,” sabi niya. Kinuha niya mula sa mesa yung phone ko at nagtipa. Pinabayaan ko nalang siya. What’s the worst that could happen? Sinira na niya mood ko. “Oh,” inabot niya sa akin yung phone ko. Walang gana ko itong tinanggap at blangko siyang tiningnan. Binasa ko yung nireply niya. Muntik na akong atakihin sa nabasa. Hinilot ko ang aking sintedo. Wala ng pag-asa ito. I’m wrong. May worst pa pala. “I’m sorry. My sister snooped my phone,” basa ko sa nireply niya kay Ethan. “Really?” Kumibit-balikat siya. “Ano pa ba ang sasabihin ko?” “Sinabi mo nalang sana na ikaw yung nag-type. Bakit mo pa dinamay kapatid ko na walang kaalam-alam?” “Okay na ‘yan. Hindi mo pa naman jowa ‘yan.” Napapikit nalang ako. Hindi dahil hindi ko siya jowa. The thing is, pinaasa ko yung tao. Tapos yung reply ko pa sa kanya— na reply ni Brody— ay para na ding sinabi na hindi ‘yun totoo. Plus, nag-I love you too pa siya sa akin. “Shut up.” “At least alam natin ngayon na mahal ka niya,” kibit-balikat niyang sabi. “Hindi ganun ‘yun,” irap ko. If I were in different situation at sinabihan ako ng ‘I love you’, siguro tumatalon na ako ngayon. It’s not like I love him the same. I do admit that I’m starting to like him. Sinira lang ni Brody. Mas nangingibabaw yung guilt over joy. Hindi man ako nagtype nun pero ang nararamdaman kong konsensya ay parang nagnakaw na din ako. After that, I felt guilty in chatting him. Naging awkward na. Naging cold na yung convo namin na para bang napipilitan. Yung kiliti sa tiyan tuwing nagchachat siya ay biglang naglaho hanggang sa hindi na nga kami nagcha-chat. I became very busy in school. Madaming school activities at umuuwi ako sa bahay mga 8PM na. Wala nang naghihintay na Ethan na nagcha-chat sa akin tuwing uuwi na ako. I miss his voice and that is fact. I miss him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD