"You know me too well," sabi ko kay Brody.
He chuckled. "Paano mo naman nasabi?"
"Alam na alam mo talaga na kapag malungkot ako, milktea lang yung katapat."
Nasa isang milktea shop kami at gaya ng sabi niya, libre niya.
We've known each other for six years. Magkaklase kami simula nung Grade 7 hanggang Grade 12. Kaya siguro kilalang kilala niya ako. Same goes with me. Alam na alam ko yung kilos niya, yung takbo ng isip niya saka yung mga gusto niya. Minsan nga napagkamalan pa kami na magjowa kasi palagi kaming magkasama. Pero uy. Magkaibigan lang talaga kami. Swear.
"Hindi lang naman milktea 'e," sabi niya kaya nagkatinginan kami.
"Fried Chicken!" magkasabay naming sabi at nagsimulang magtawanan.
"Libre mo din ako ng fried chicken pagkatapos nito ha?" sabi ko dito.
"'Wag abuso. Hindi ako mayaman," sabi niya saka kinagat yung burger na binili namin sa kabilang shop.
"Ows, hindi mayaman," ngumuso ako sa labas ng bintana kung nasaan yung sasakyan niya. "Benta kaya natin Emma Watson mo."
Childish man pero Emma Watson ang tawag niya sa kotse niya. Celebrity crush niya kasi yun. Pagbigyan.
"Subukan mo lang. Wala na talagang tao ang lilibre sa'yo," saka niya ako inirapan.
Luh? Bakla? Taray!
"Joke lang naman 'e."
Kumagat din ako sa burger ko. Sa milktea shop kasi na ito ay walang burger. Nagc-crave daw kasi ng burger yung kuya niyo kaya binilhan niya din ako. Diba para lang kaming nagde-date.
"Nga pala," putol ko sa katahimikan. "Ano pala yung plano mo sa college?"
"Wala. Chill lang," sagot niya at sumandal sa inupuan.
Ibang klase. Ganito ba talaga yung mga mayayaman? Hindi na iniisip yung future kasi may pera naman sila?
"Ano ba!" I hissed. "Kahit mag-business administration ka para naman may maitulong ka sa negosyo ng pamilya mo."
Mayaman so may pinagkuhanan ng yaman. May negosyo yung pamilya niya. Yung Daddy niya ay Businessman at yung Mommy niya naman ay Accountant kaya perfect combination.
"Hindi ko naman sinasabing hindi ako magc-college no," sabi niya.
"So mag-aaral ka nga? Anong kurso kukunin mo?" sabik kong tanong.
"Siguro BSME."
Nanlaki yung mga mata ko saka napalakpak.
"Wow, magbabarko ka?" tanong ko dito.
"Oo pero hindi muna ako mag-aaral this school year. Ayoko ng online class. Mukhang wala akong matutunan," saka niya ako pinasadahan ng tingin.
Kumunot yung noo ko.
"Oh! Anong tinitingin-tingin mo d'yan?"
Lumukot yung mukha niya sa para bang pinagdidirian niya ako.
"Ayokong mag-online class. Ayokong magmukhang gaya mo," turo niya sa mukha ko.
"Aba bastos ka a!" sigaw ko. "Ano namang problema sa mukha ko?"
"Sobrang hagard ng mukha mo. Eyebags mo pa lang 10 kilos na," pang-iinsulto niya.
"Gago ka talaga. Gusto mo makatakim?" amba ko ng suntok sa kanya kaya dali-dali niyang tinakpan yung mukha niya.
"Huy! Huwag sa mukha. Not my beautiful face!"
"Beautiful face beautiful face. Akala mo naman sobrang pogi mo."
Well, honestly speaking. Magandang lalaki naman talaga si Brody. He got broad shoulders, muscles were at the right places. Don't get me started sa mukha niya. Matataas yung pilik mata niya kaya sobra akong nahihiya sa akin. Mapupungay din yung mga mata niya. Matangos yung ilong, at manipis na labi. May jawline pa. May mataas na earings din siya sa kabilang tenga kaya nagmukha siyang bad boy.
Maraming babae ang nagkarandapa sa kanya sa XSMIT. Pero niisa wala siyang pinansin. Napagkamalan ko na nga'ng bakla. Wala man lang hilig sa babae. Tsk.
"Hoy grabe ka naman. Bakit ganda ka?"
I flipped my hair and looked directly at him.
"Sobrang ganda ko kaya," I winked at him.
Nasamid siya bigla saka nag-umarteng nasusuka. I glared at him pero hindi pa rin siya huminto sa pang-aaway.
"Alam mo ang gago mo talaga," irap ko sa kanya at sumipsip sa milktea ko.
"Alam mo ang maldita mo," panggagaya niya sa tuno ko.
I scowled at him and he just rolled his eyes. See? Bakla nga.
Itinuon ko nalang sa labas yung mga mata ko at inaliw yung sarili ko sa mga nagdadaanang sasakyan. I then felt at peace.
Siguro kailangan ko din ng me time. Alam mo yun? Yung wala kang iniisip kundi yung sarili? Yung i-ispoil mo sarili mo sa pagkain sa free time para makapag-chill. Away from toxic situations.
Panandalian kong nakalimutan yung subject kong Accounting 1. Well, maybe I'll give myself a boost mamaya kung babalikan yung discussion kasi na refresh na yung utak ko. Wala na masyadong iniisip.
May nakita akong mga couple sa labas habang nagho-holding hands. Walang social distancing! Dapat one meter apart! Yung inuupuan nga namin ni Brody ay may mesang namamagitan na may 1 meter distance. Tsk tsk.
I suddenly spotted someone familiar. Singkit yung mga mata, maputi, nakasuot ng face mask pero saglit niya itong hinubad para uminom ng tubig, pinapakita yung mapupula niyang labi. He's looking straightly at where he is heading.
Ethan…
Napatayo ako bigla habang sinundan ng tingin yung nilalakaran ni Ethan. Dali-dali kong tinahak yung daan papalabas pero pinigilan ako ni Brody.
"Teka, saan ka pupunta?" kunot-noo niyang tanong.
"May nakita akong kakilala," pagmamadali kong sagot.
"Sinong kakilala?"
"Basta! Nagmamadali ako Brody so please?"
Tiningnan lang niya ako— naguguluhan. Pero kalaunan ay lumuwag yung pagkahawak niya sa pulsuhan ko.
"Hindi naman kita pipigilan," ngiti niya. "'Wag mong kalimutan face mask at shield mo uy!"
Napangiti nalang ako habang inabot niya sa akin yung face shield at mask ko.
"Thanks Brody."
Hindi na ako naghintay pa sa sagot niya at dali-daling lumabas sa milktea shop. Pagkalabas ko ay hinanap kaagad ng mga mata kung saan si Ethan. Nakita ko siyang paliko kaya tinakbo ko ito at lumiko na din.
Nung lumiko ako ay sakto namang nakita ko siya na nakasakay sa isang kotse pero nakababa yung salamin ng bintana kaya kitang-kita ko siya. Malayo pa siya kaya tumakbo ako papalapit but I was too late, umandar na yung makina ng sasakyan.
"Ethan!" sigaw ko.
Mukhang narinig niya yung pagtawag ko kaya luminga-linga siya upang mahanap kung sino yung tumawag sa kanya.
"Ethan!" tawag ko ulit.
And on that last call, I found myself staring at his eyes locked on mine. Nanlaki yung singkit niyang mga mata nang makita ako.
"Farah..." I read his lips.
I finally met him. In the flesh.