"Magkakakilala kayo?" turo ni Ian sa amin.
"We've been acquainted," sagot ni Ethan na hindi mawala yung tingin sa akin.
I mentally rolled my eyes. Yeah right. Acquainted. Hindi naman siya nakakao-offend. Slight lang naman.
"Ayos! O, pare. Tabi ka muna. Maglalaro lang kami ni Master."
Tumingala si Ethan kay Ian at ngumisi bago tuluyang tumango. Kahit gusto ko man siyang titigan ay pinigilan ko ang sarili. Ayokong maging halata. Malinaw naman dun sa sinabi niya na kalimutan yung nangyari at wala lang sa kanya yung nakaraan. Plus, may girlfriend na siya. Hindi ko balak maging third party.
"Go easy on me," ngisi ni Ian.
"Lol. Matagal na nga akong hindi nakalaro."
I tried to focus on the game. Nakakailang kasi ramdam ko yung titig ni Ethan sa akin. Hoy. Hindi ako assumera. Nagnanakaw ako ng tingin tapos maabutan ko siyang nakatitig sa akin. Pero hindi ako magpapatalo kay Ian.
In a game of chess, yung ego mo ang ipaglalaban. Ewan ko kung ganun din ba yung nasa isip ng ibang chess players. Sa akin kasi, nasasaktan yung pride ko kapag natalo. Individual game kasi. You don't have anyone to blame except yourself. Also, dapat nasa kondisyon ka kapag naglalaro. If you feel confident that you will win, mananalo ka talaga. And if you don't, then matatalo ka.
Kaya kahit nasa harap ko pa si Ethan, ifo-focus ko yung sarili ko sa laro. Kinatatakutan ako sa elementary. Ngayon hindi na pero malakas pa rin yung apilyedo ko sa larong ito.
"D'yan ka?" nang-aasar na tanong Ian. "QxR5."
Nang-aasar niya akong nginisihan. Napairap nalang ako. Ang hangin talaga.
"QxQ5."
Mas lalong lumawak yung ngisi niya sa labi. Alam ko ang iniisip niya at inaasahan ko ding ito ang magiging reaksyom niya. Nakatitig lang ako sa mukha niya. Nakasanayan ko na ito simula pa nung elementary. Gusto ko kasing makita yung reaksyon niya sa mga atake ko. Saka may nakapagsabi sa akin na yung expression daw sa mukha ay nagbibigay ng hint sa susunod na atake ng kalaban. Ewan kung totoo ba pero so far, I did see a few hints.
"BxQ5."
"RxB5," he smirked. "Check."
I bit my lower lip para pigilan ang sariling mapangiti pero wala pa rin itong nagawa. Talagang sumisilay yung ngiti ko sa labi.
He took my trap.
"NxR5," ngayon ako naman ang napangisi. "Check."
Naglaho yung ngisi niya sa labi. Biglang sumeryoso ang kanyang mukha at pinag-aralan yung board. Mukhang nakuha na niya na isang patibong pala yung ginawa kong sacrifice.
Napakamot siya sa ulo niya, pilit hinahanap ng lusot. Nag-iisip siya kung paano makaka-survive sa trap. But I made sure na hindi na siya makaka-counterattack. I sacrificed my Queen para maubos yung officials niya— para kapag nahulog siya sa trap ko, walang malapit na official na makakatulong sa kanya.
Napatitig ako sa King niya, tapos sa mga officials ko na handang umatake. Ilang moves na lang, checkmate na siya. Alam kong mananalo ako pero nandun pa rin yung kaba. I may look calm on the outside pero nababaliw na ako sa kaloob-looban.
"I resign," bumuntong-hininga si Ian.
Ngumiti ako at inilahad yung kamay para makipag-kamayan. For sportsmanship.
"Nice game, Au!"
"Grabe Master. Ang galing mo pa din."
Napailing ako. "Kung alam ko lang sinadya mo 'yun. Sobrang obvious na ng trap ko"
"Hindi ko talaga napansin! Pramis!" Itinaas niya yung kanang kamay niya. "Matagal nang hindi nakapaglaro pero ang galing pa rin. How much more if you have proper training!"
"Bolero," I chuckled. "Sige na. Una na kami sainyo. May pasok pa kami," kumaway ako kay Ian.
"Sige, Master, sa susunod ulit!"
Nagtagpo ang aming mga mata ni Ethan. Hindi ko kayang ngumiti o kumaway man lang sa kanya kaya tumango nalang ako. We looked awkward and I expected that.
Inangkla ni Mae yung braso niya sa braso ko nang makalayo na kami sa kanila. Ramdam ko ang t***k ng aking puso. I can't believe it! Magkakilala sila ni Ian.
"Bhe, sino 'yun?" tanong ni Mae sabay taas-baba ng kilay.
"Anong sino?"
"Yung poging lalaki," ngisi niya. "Ikaw ha. May mga kaibigan ka naman palang pogi. Pakilala mo naman ako 'o!"
Napailing nalang ako. Matagal na siyang nag-aaral dito pero hindi pa rin nagkajowa ng pogi. Matagal na din kasing kilala ang school na maraming chupapi. Totoo naman.
"Sino ba? Si Ian?"
Umiling siya. "Yung tinawag mong Ethan!"
Napangisi nalang ako. Ang sarap nilang pag-untugin ni Rose. Mahihilig sa pogi. Kahit naka-face mask, alam na alam talaga na pogi.
"Give it up. May jowa na 'yun."
"Ay? Sayang naman," nguso niya.
Kaya nga hindi ko ma-mine. Hahaha.
The pain is still there though. Hindi iyon nawala. Hindi issue sa akin na may girlfriend na siya. Hindi din issue nung nag-s*x kami kasi ginusto ko din naman at lasing din kami. What bothered me is that why does he have to say na wala lang para sa kanya yung nakaraan. Bakit hindi niya agad sinabi na may girlfriend na pala siya? It would probably still hurt but I'd back away in an instance. Keysa na man sa sinabi niyang wala lang sa kanya yung nakaraan. It's like invalidating what I feel.
Saktong pagkapasok namin sa classroom ay saka sumunod yung Instructor namin. Diniscuss lang sa amin yung tungkol sa subject and what to expect. Wala pang proper discussion since first day pa. Nag-aadjust muna ang lahat sa pagbabalik.
"Anyway, sinabi na ba ng adviser niyo ang tungkol sa Acquintance Party?"
Nagtanong lang naman si Sir pero napuno na ng tilian ang room namin. I chuckled behind my mask. Who wouldn't get excited for the night you get to dress up?
"Sir, when?"
"Ano po yung theme, sir?"
"Saan po venue?"
Napuno ng tanong si Sir. Napailing nalang ako. Si Sir nga yung nagtanong, sinagot naman ng tanong ng iba.
"Quiet everyone! Paano ko kayo mab-brief kung maingay kayo?" ngisi ni Sir.
Nakamask ang lahat pero kitang-kita ko yung ngiti nila sa mga mata. Pati nga ako ay nasasabik na. I once joined Acquiantance Party before pero 'yun na 'yun. Kaya lang hindi ko feel. Wala ako sa mood sa mga panahong iyon. You could say na nag-away na naman kami ni Brody.
"Vaccinated naman siguro ang lahat, diba?" tanong ni sir.
"Yes sir!" sagot ng lahat.
"You should still wear face mask sa party. But don't worry. Pwede niyong hubarin for picture taking."
"Epal talaga. OOTD na nga tapos eepal pa yung face mask," bulong ni Mae.
I nodded.
"Agree. Pati make up matatabunan."
Puno man ng reklamo ang lahat dahil sa walang katapusang face mask, hindi naman nawala yung pagkasabik nila. Paglabas nga ng instructor namin ay napuno ng kwentuhan yung classroom.
"Saan ka bibili ng susuotin?" tanong ni Mae.
"Hindi ko alam," iling ko. "Ico-consult ko pa si Mama."
"Okay. Sasabay nalang sana ako sayong mamili."
"Pwede namang kitang samahan."
"Yey!"
4:00 PM. It's our dismissal. Nagtext sa akin si Brody na siya daw kukuha sa akin ngayon. Kasama ko si Rose papalabas ng campus. She said she wants to ride with us to save fare. Kuripot talaga.
Nakaupo kaming dalawa sa bench sa labas ng campus habang hinihintay si Brody. I called him earlier for him to know na dismissal na namin.
"Tusok-tusok. Want mo?" aya ni Rose.
As if on cue, biglang gumawa ng tunog yung sikmura ko. Gutom na nga. Maliit lang kasi yung kinain ko kanina dahil sa pagmamadali. We only have 30 minutes break 'e ang taas pa ng pila aa cafeteria. Ending, biscuit lang na dala ko yung kinain ko kanina. Nakaraos din naman sa 2 hours Stratcost.
Napalingon ko sa hindi kalayuan kung saan nagbebenta. Abot dito yung amoy ng pagkain na lalong nagpapakalam ng sikmura ko. Nagmamakaawa akong tumingin kay Rose.
"Please?"
Umiling siya at napangisi. "Ano ba! Maliit na bagay. Halika. Ako na yung lilibre sa'yo."
Umabot hanggang tenga yung ngiti ko. Oh yes! Kuripot si Rose kaya minsan lang 'tong pagkakataon na ito!
"Sabi ko kay Brody na dito lang ako maghihintay. Baka mag-aalala 'yun kapag hindi niya ako makita dito," nguso ko.
Tumaas yung kilay ni Rose at mapaklang tumawa. "Ah. So ako na nga yung manlilibre, ako pa 'yung inuutusan mong bumili? Hiyang-hiya naman ako sa'yo!"
"Totoo naman kasi!"
"No. Tumayo ka d'yan. Ikaw yung bibili, ako yung maghihintay dito. Tawagin mo yung boypren mo na bibili ka saglit ng pagkain at ako yung nandito," utos niya.
She grabbed me by the arm at pinatayo ako. She sar down, crossed knee and arms. I flinched.
"He's not my boyfriend," irap ko. "Kaibigan ko lang si Brody. Parang kapatid lang, ganun."
"Hindi boypren? Kapatid lang?" taas-kilay na tanong niya. "Hatid-sundo ka na nga 'e. Kulang nalang manligaw sa'yo yung tao."
"Kasi bestfriend nga. Nag-aalala lang siya kaya hatid-sundo niya ako," depensa ko sa sarili. "Kaka-whatpad mo 'yan!"
"Aba! E hango sa totoong buhay yung mga sinusulat sa whatpad!"
"Oo nga. Pero ini-exaggerate masyado ng mga writers," iling ko. "Sige na. Bibili na ako. Pera."
Matagumpay siyang ngumiti at inabot sa akin yung 50 pesos niya. "Huwag mong ubusin. Ibalik mo agad yung sukli."
Pinaningkitan ko siya ng mata. Kuripot pa rin talaga kahit libre pa niya. Nagpaalam na ako sa kanya at tinungo yung nagtitinda. While on the way, kinuha ko 'yung phone ko para matawagan si Brody pero hindi siya sumasagot. Napabusangot nalang ako hanggang sa marating ko yung nagbebenta.
"Calling your boyfriend?"
Nagulat ako nang biglang may magtanong sa gilid ko. Mas lalo akong nagulat nang makitang si Ethan ito. May dala siyang stick sa kamay. Kanina pa siya dito?
"Kaibigan lang," I replied when I recovered.
Pinilit ko ang sariling hindi siya pansinin. Distansya na din kasi. We both know that I like him and if I don't distanced myself, then I'd be damned.
"Kumakain ka pala niyan?" Hindi ko alam kung ako ba yung kausap niya o yung nagbebenta. Pero ang weird din naman siguro kung si Kuya yung tinatanong niya.
"Oo," matipid kong sagot.
Nagsimula na akong tumusok mg fishball. Inabutan naman ako ni Manong ng plastik kasi bibilhan ko pa si Rose. Binilhan ko na rin si Brody para hindi magtampo.
"Really? Hindi halata," komento niya.
"Hindi naman ako maarte," kunot-noo ko siyang nilingon. "Why are you talking to me?"
Naguguluhan niya akong tiningnan.
"Because you are here."
"And?" bahagyang tumaas yung kilay ko. "You are talking to me like nothing happened."
Stay away from me. Please, Ethan. I want to be firm as much as I can but my walls just crumbled just because you talked to me. Ayokong maging marupok!
"Masama bang kausapin ka?"
"Hindi naman sa ganun," napapikit nalang at bumuntong-hininga. "What do you want?"
Tiningnan ko ulit siya sa mata. He's looking back at me. Gusto kong maging pusong-bato saglit but my fvcking heart just skipped a beat. Putangina!
"Wala akong kailangan sa'yo."
"Then stop talking to me," nagmamakaawa kong sabi sa kanya. "Please?"
I but my lower lip as he stared back at me, not knowing what to say. Hindi ko mabasa kung ano yung nasa isip niya ngayon. Was he tripping on me? Ginagago niya ba ako kasi alam niyang may gusto ako sa kanya?
"Ako na 'yung kusang lumalayo sa'yo. Please. Pinapahirapan mo ako 'e."