"What we're you doing?" bungad sa akin ni Brody pagkapasok ko sa sasakyan niya.
I wipe my face, not knowing if it was rain water or tears. Lumingon ako sa kanya at pilit na ngumiti.
"Wala akong dalang payong. Sorry."
Ayokong ipakita kay Brody na umiyak ako. As much as possible, ayokong malaman niya yung tungkol kay Ethan. He got problems of his own, ayokong dumagdag.
"You were walking under the rain at nakatulala pa. Sa akin ka pa talaga magsisinungaling?" turo niya sa sarili habang nagmamaneho.
"Totoo naman talagang wala akong dalang payong e," nguso ko.
"Umiiyak ka ba? Don't lie to me. I can see right through you."
"Hindi."
"Your cheeks are wet."
"Naulanan lang."
"So talagang lulusot ka pa? Namumula yung ilong mo. Farah, I can tell so stop lying."
Bumuntong-hininga ako. Wala talaga akong takas sa kanya. Parang si Mama lang.
"You know you can tell me everything, right?" nag-aalala niyang tanong.
I nodded.
"Wala 'to, Brody."
Umiwas ako ng tingin. Brody only wants to help. Ako lang yung may ayaw.
He sighed.
"Sabi nga nila, grades doesn't define you."
Napalingon ako sa kanya. It's the usual quote when you fail. Lumalabas ito kapag nabagsak ka. Some make it as an excuse or like a defense mechanism kasi hindi naman sila ganun katalino. We don't have the same capability when it comes to learning. Yung iba ang bilis sumunod. May iba namang nahihirapan.
But these words right now hit me differently. Nasanay na kasi ako na tinatawanan ang quote na ito. Ngayon ko lang naisip na hindi bumababa ang value mo as a human being kapag nabagsak ka. Equal pa rin tayo. Realizing the hardwork I made in elementary and high school na hindi ko naman madadala sa college. Ano naman kung naging validectorian ako noon kung kulelat naman ako ngayon? I shouldn't have put pressure on myself before. Yung tipong umiiyak na ako kapag hindi ma first honor. Pero okay naman yung magsisipag. Just never put yourself in a situation that you are depriving yourself from happiness.
"Alam mo?" tanong ko kay Brody.
"Nalaman ko kay Rose. Tinawagan ko siya kagabi nung hindi mo sinasagot yung tawag ko."
"Huwag mong sabihin kay Mama. Please?"
"Malalaman din naman ng Mama mo. What's the use of hiding it from her?"
"Ayokong madisappoint siya. Una pa lang sinabihan na niya ako na dapat sigurado ako sa kursong kinuha ko kasi mahirap daw."
I can still remember that day. Unang day ng online class namin. Pinagalitan niya yung nakababata kong kapatid kasi palagi nalang naglalaro ng mobile games 'e may pasok pa siya. Galit na galit si Mama tapos nakita niya akong gumagawa ng assignments. Sinabihan niya ako na pagbutihan ko yung pag-aaral kasi hindi basta-basta ang BS Accountancy.
"Normal lang naman 'yung madisappoint Mama mo. Pero magiging okay din naman siya. Lilipas din ang panahon. She can't stay disappointed forever, you know."
I sighed.
"Hindi ko pa masabi-sabi sa kanya na nahihirapan na ako. Gusto kong mag-shift pero sayang naman 'yung tuition fee."
"Is it that hard?" lingon niya sa akin at tumango ako. "Do you hate it?"
Umiling ako. "Hindi naman. Nagugustuhan ko na nga as time goes by. I'm just waiting for Accountancy to love me back."
Ilang beses ko nang naisipan na mag-shift pero parang may parte sa akin na ayaw kong iwan. Siguro kasi I'm still hoping na madadagdagan ng CPA yung pangalan ko. I will be the first accountant of the family.
Narating na naman 'yung bahay at nagpasalamat na ako kay Brody. Pinapasok ko pa nga para magkape pero umayaw siya. Sabi niya may lakad pa silang mag-pamilya.
Pagkapasok ko ay bumungad si Mama. Nag-aalala siya nang makita akong basa. Naguguluhan ako kung bakit 'yun ang ikinabahala niya. Hindi ako nakauwi kagabi.
"Kumusta yung birthday?" nakapameywang niyang bungad sa akin pagkalabas ko ng kwarto.
"Po?"
Bumuntong-hininga siya. "Sinabi sa akin ni Brody na pumunta daw kayo sa birthday party ng kaibigan niyo. Anak papayagan naman kita. Sana hindi mo tinago at magpaalam. Hmm?"
Napakurap ako. Yun ang sinabi ni Brody kay Mama? Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng tago. Kaya mahal ko bestfriend ko e!
"Sorry ma. Sa susunod magpapaalam na ako."
She pulled me in a hug which stunned me. Napayakap ako pabalik.
"Palagi ka nalang nag-aaral. Hindi naman kita pagbabawalang maglibang. Good time kasama kaibigan mo. Don't stress yourself, anak."
I smiled sadly. Kung alam mo lang ma 'yung pinagdaanan ko sa kursong ito. Paniguradong konting tulak na lang bibigay na ako. Pero si Farah Saatchi kaayo 'to!
Kinaumagahan, maaga akong nagising kasi ito ang unang araw namin sa face to face class. Hindi ako makapaniwalang mangyayari na ito! Marami akong kinatatakutan sa face to face. Una ay yung learnings ko. Hindi ko maa-assure kung may natutunan ba ako. Those few years of online class, possibleng nalilimutan ko na ito.
Pangalawa, may social anxiety ako. Naglalakad pa lang ako feel ko hinuhusgahan na ako. Being with the crowd exhaust me. Ang awkward ko pang kausap. Paniguradong makikipag-close sa akin yung mga kaklase ko.
Third, magkikita kami ni Ethan. Malaki ang campus pero posibleng magkikita nga kami doon. Kinakabahan lang ako kasi ewan.
Nagpaalam na ako kay Mama at lumabas na ng bahay. Sakto naman paglabas ko ay syang pag-park ng sasakyan ni Brody sa harap ko. The windows rolled down.
"Excited for your first day of school?" nakangiting tanong niya.
"Mukha ba akong excited?"
Umiling siya at binuksan yung pinto. Pumasok na ako ng sasakyan at saka kami humayo.
"Hindi mo sinabing ihahatid mo ako," lingon ko sa kanya.
"Surprise!" ngisi niya. "Inutusan ako ni Mommy at sakto namang madadaanan ko yung bahay at school mo."
I nodded. "Thanks Brody! Magca-cab na sana ako."
He only nodded and focused on the road. Biglang nagvibrate yung phone ko. Tiningnan ko kung sino yung tumawag at nakitang gustong makipag-video call ni Rose. Sinagot ko ito.
"Frennnnn!" tili niya. Agad kong tinabunan yung tenga ko.
"Ang ingay-ingay!" reklamo ni Brody.
"Oh! Hi Brody! Magandang umaga!" bati ni Rose kay Brody.
Iniharap ko yung phone kay Brody para makita nila yung isa't-isa. Kumaway si Brody kaya binalik ko sa aking angle yung camera.
"Napatawag ka?"
"Fren~ first day of school natin. Hindi ka ba excited?" patili niyang tanong.
"Okay lang."
"Rinig ko maraming gwapo sa University. Kyah! Magbo-boy hunting tayo!" tili niya
"Hoy Rose! Nasa paaralan kayo para matuto hindi para manglandi. Ikaw ha. Huwag mong idamay bestfriend ko sa kalandian mo," sermon ni Brody.
"Hoy ka rin Brody! Sinong may sabi na kasama ka sa usapang ito? Joiner?" irap ni Rose. "Bente na si Farah at hindi pa rin nagkajowa. Ayaw ko din namang magtandang dalaga kaibigan ko no!"
Kokontra pa sana si Brody pero pinahinto ko siya. Nagda-drive siya at nag-aaway silang dalawa? No-no.
"Tama na nga 'yan," iling ko. "Fren, saan ka na ba?"
"Dito na ako sa school, gaga! Usapan nating 6:30 nandito na sa school. 6:15 pa lang nandito na ako!"
"Masyado ka namang excited."
"Ganun talaga. At legit fren. Maraming pogiii!"
Napailing nalang ako. Ang hilig talaga sa mga pogi. Malabo na nga mga mata niya pero kapag may pogi lumilinaw.
"Sige na. Malapit na ako. Hintayin mo ako d'yan ha? Sabay tayong pumasok."
"Sige sige. Bilisan mo!"
Binaba ko na yung tawag. Ang daldal talaga ng isang 'yun. Yung tipong hindi kayo mauubusan ng topic kapag kasama mo siya. Topic niyo nandito lang sa Earth, maya-maya mapupunta na 'yan sa ibang galaxy.
"You're not thinking of boy-hunting, are you?" seryosong tanong ni Brody.
"Of course not! Kulang pa nga 'yung oras ko kakahabol sa deadline, lalaki pa kaya?"
"Good. Kung gusto mong manghunting ng lalaki, nandito naman ako."
Nanlaki amg aking mga mata nang bigla siyang kumindat. Pabiro ko siyang hinampas sa braso.
"Ew! Kadiri ka!"
"Bakit naman? Ang gwapo ko kaya!"
"Huwag na, Brody. Ano ba? Ang random mo!"
We both laugh. Palagi niyang binibiro na handa siyang ihain yung sarili sa amin ni Rose kapag need namin boyfriend. Nakakadiri kaya! Ano 'yan? Share-share kami ni Rose sa kanya? No way! Tsaka bestfriend ko siya no! Hindi ko 'yun magagawa sa kanya.
Narating na din namin yung school. Malayo pa lang ay nakita ko na si Rose. Naka-face mask pa rin kami para sigurado. Hindi pa rin COVID-free yung bansa at dapat pa rin kaming maging maingat.
Bumaba na ako ng sasakyan at nagpasalamat kay Brody. Sabi niya tawagan lang daw niya ako kapag free siya mamaya para masundo. I resisted but he insisted. Sumang-ayon nalang ako para hindi na mapahaba yung usapan.
"Fren, ayun o! Pogi," turo ni Rose sa isang lalaki.
"Paano mo nasabing pogi e naka-face mask nga?"
"I can smell pogi in him."
"Ew! That's disgusting!"
Hinatid ko muna si Rose sa first class niya kasi sa iisang building lang kami at nadadaanan yung classrom nila before sa akin. Umakyat na ako ng hagdan at sobra akong kabado.
"Farah!"
May tumawag sa pangalan ko kay lumingon ako at nakita si Mae, yung naging close kong blockmate.
"Mae! Kakarating mo lang din?"
"Oo."
"Great. Sabay na tayong pumasok."
Pagkapasok namin sa classroom ay sobrang ingay na. It"s not the usual first day of class. Sino naman ang hindi iingay? We all met online tapos ngayon lang kami nagkikita-kita. I'm sure excited silang makilala lahat ng kaklase. Well, except for me.
Hindi na nakalapit sa amin 'yung ibang kaklase kasi dumating na yung instructor namin. Grabe. Para akong nakakita ng artista. Imagine, nakikita ko lang siya sa screen ng laptop ko tapos ngayon nasa personal na.
Wala muna kaming discussion this day. More on orientation muna tapos pakilala. Iba pa rin talaga yung introduce yourself in person sa online.
Recess time ay sinamahan ako ni Mae sa canteen. Matagal na kasi siyang student dito sa University kaya kabisado na niya ang buong campus.
"Master!"
Nagulat ako nang may sumigaw. Pamilyar yung boses at siguradong isang tao lang ang tatawag sa aking ganun. Lumingon ako at nakita yung kasama ko sa Chess Club.
"Au!"
Mula sa malayo ay nakita ko siyang sumimangot. Ayaw niya kasing tawagin ko siyang ganun.
"Kakilala mo?" tanong ni Mae.
"Oo. Kasama ko sa Chess Club. Do you mind? Lalapit tayo sa kanya."
Umiling siya. "Okay lang. Matagal pa naman next class natin."
Lumapit kami kay Au na nasa tambayan. It's a place in a campus kung saan may tables and chairs para tambayan after class. Yung tipong hinihintay niyo susunod class.
"Sabi ko namang Ian nalang e," nguso ni Au.
"Ian? Ian Goldilocks?"
"Master naman e!"
I chuckled. Nakwento niya sa akin noon kung saan niya nakuha yung Goldilocks niyang pangalan. Childhood favorite daw ng Mama niya yung Goldilocks and the three bears. Kaya ayun nadamay pangalan niya. Tinanong ko siya noong una naming pagkikita kung Goldy o Au ba yung itatawag ko sa kanya. Ayun. Ayaw niya yung dalawa.
Nakita kong may chess mat sa mesa. Mukhang ito nga yung lugar na sinasabi ni Mae na basta free time, maraming naglalaro ng chess sa tambayan.
"Maglalaro kayo?" turo ko dito.
"Oo. Gusto mo laro tayo? Pinangakuan mo ako na kapag magkita tayo, laro tayo dito."
I nodded. "Sure! Pero matagal na akong hindi nakapaglaro. Yung last ay doon sa Palaro."
"Sus! Ikaw pa. Ikaw kaya 'yung Master namin."
"Bolero! Mas magaling ka pa sa akin e."
Tinuro niya sa akin kung saan ako uupo at tumungo naman akoa doon. Excited na aking maglaro. Matagal-tagal na din yung huling laro ko.
Nakangiti akong umupo at napatitig sa chess mat. Namiss ko yung amoy nito. Tumingala ako sa lalaking nakaupo sa harap ko at halos mabilaukan ako sa sariling laway.
"Ethan?"
Matipid siyang ngumiti. "Hi Farah."