"Sinama mo naman kasi!" reklamo ni Brody sa akin at sinamaan ng tingin si Rose.
"Bakit ba, Brody? Para namang hindi tayo magkaibigan," nguso ni Rose.
"Ginawa niyo naman akong driver 'e!"
"Binilhan ka naman namin ng fishball. Oh!" inabot ni Rose kay Brody yung binili ko pero hindi nita ito tinaggap kasi nagd-drive siya.
"Nilibre mo ako pero dalawang tusok lang," nguso ni Brody. "Kuripot ka talaga."
"At least diba binigyan kita. Haven't you thought of the thought that I'm giving this small gift?"
Napailing nalang ako at ibinalik yung atensyon sa labas ng sasakyan. Hindi mawala sa isip ko yung usapan namin ni Ethan. Nasa iisang school kami kaya inaasahan kong palagi kaming magkikita. Pero hindi ko inaasahan na kikibuin niya ako.
"Farah, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Brody.
"Okay lang ako," pilit akong ngumiti.
"Kanina ka pa tahimik matapos mong bumili ng street foods," dugtong ni Rose. "Did something happened?"
Napakurap ako. Kanina pa pala nila napapansin na tahimik ako?
"May nakain lang siguro. Hindi naman nakakamatay."
"Ew. Baka ano na 'yan ha! Kawawa Emma Watson ko!" nandidiri akong tiningnan ni Brody bago binalik yung tingin sa daan.
Napairap ako. "OA. Mas pipiliin mo pa sasakyan mo keysa sa akin?"
Tumaas kilay niya. "Aba, syempre naman! Dinadala niya ako kahit saan. Ikaw? Ano bang naitulong mo?"
"Parang kang bakla. Ewan ko sa'yo," irap ko at binalik sa labas yung tingin.
"Hindi ka man madadala ni Farah sa lugar na gusto mo pero kaya ka niyang dadalhin sa langit," mapang-asar na sabi ni Rose.
Nanlaki ang aking mga mata at sinamaan ng tingin si Rose.
"Rose! Disgusting!" sigaw ko.
"Ew! I cannot do that!" sigaw din ni Brody.
"Ano? Nagsasabi lang naman ako," painosente niyang sabi.
"Ang bastos mo talaga! Bakit mo naman 'yan naisip?"
Nilingon ko si Brody at gaya ko at nakakunot din yung noo niya pero nakangisi.
"Why not? Babae ka tapos lalaki si Brody. Matagal na kayong magkakikilala," she paused. "Sigurado ba kayong wala talagang nangyari sa inyong dalawa?"
"Rose!"
"For fun lang?"
"Isa pa. Bababa ka talaga!"
"Okay, sorry na. Naisip ko lang." Nilingon niya si Brody. "Pero bakit ka nakangisi, pre?"
Sumilay na naman ang nakakaasar na ngisi ni Rose sa labi. Pabiro kong sinuntok sa braso si Brody. Gusto ko sanang lakasan kaso nagd-drive pa siya.
"Don't tell me 'yun ang iniisip mo?"
"Wala akong sinabi," iling niya.
"Ang baboy ng topic niyo!"
Kinabukasan, hinatid pa rin ako ni Brody. Pagkapasok ko pa lang ng classroom ay napuno na ng ingay. Ang aga-aga pero ang ingay na. Parang classroom lang ng high school. Ganito pa rin pala sa college?
"Farah!" Lumapit si Mae sa akin habang may ngiti sa labi. "May date ka na?"
Kumunot noo ko.
"Date?"
"Date sa acquaintance! Busy na ang lahat."
Napatango ako. Kaya pala ang ingay. Sa kurso ko kasi iilan lang 'yung lalaki. Majority yung babae kaya sobrang hirap maghanap ng date within the class.
"Kailangan pa ba ng date?" tanong ko.
"Hindi naman siya mandatory," sagot niya. "Pero nandun kasi 'yung thrill."
I nodded. "Wala pa akong date. Ikaw ba?"
"Naghahanap pa nga."
"Paniguradong marami kang makikita. Andami mo kayang kakilala dito."
Old student si Mae dito sa University. Isa pa siyang social butterfly kaya paniguradong hindi siya mahihirapan.
"'E ikaw? Gaya nga ng sabi mo marami akong kakilala. Baka gusto mong ipapakilala kita sa mga kaibigan ko?"
Umiling ako. "Kahit huwag na. Hindi ko naman talaga type yung date-date na 'yan."
"Ito naman. Bawal KJ dito. Sa gandang mong 'yan, paniguradong hindi ka mahihirapang maghanap ng date."
"Huwag na. Okay lang ako."
Pinilit pa ako ni Mae na talagang maghahanap siya. Ako naman ay patuloy pa rin sa pagtanggi hanggang sa nanalo ako at ako yung nasunod. Ayoko sa date. Kaya ko naman na dumalo na mag-isa.
Maya-maya lang ay dumating na 'yung instructor namin at nagsimulang mag-discuss. Buti nalang magaling magturo si Sir kaya may nale-learn din ako. Di gaya sa online na wala-wala 'yung signal. At the end of the day, wala akong natutunan.
Habang nagdi-discuss yung instructor namin ay may biglang kumatok kaya huminto si sir at binuksan 'yung pinto. Tumaas kilay ko nang makita si Ian. Nagtagpo ang aming mga mata saka siya ngumisi.
"Yes, Mr. Bonifacio?" tanong ni sir sa kanya.
"Good morning sir!" May inabot siyang papel kay sir at agad din itong binasa.
Matapos mabasa ni sir yung sulat at tumingala siya at inilibot yung tingin. "Ms. Saatchi?"
Tumaas yung kilay ko. Ako? Everyone looked at my direction and then I felt awkward. Nang mapansin ni sir na nakatingin sa akin ang lahat ay dun na nagtagpo ang aming mga mata.
"Yes sir?"
"You are excused. Pinapunta ka daw ni Mr. Cruz."
Mr. Cruz? Si sir Jeff?
Tumayo na ako at isinukbit yung bag ko. Nagpaalam muna ako kay sir bago lumabas ng room kung saan naghihintay si Ian.
"Hi, master!" bati niya.
"Anong meron?"
"May papers ka lang dapat pirmahan."
"Papers? Para saan?"
"Basta."
Mas lalo akong naguguluhan. Paano kung contract? Anong contract naman? Naku po! Hindi ako masyadong nakakaintindi ng english sa contract. The words are too deep to comprehend.
Agad kaming pumasok sa isang room at nagulat ako nang makita si Ethan na nakaupo sa may gilid. He got earphones on his ears while he close his eyes. Hindi ko mapigilan ang mamangha. Ang pogi niya talaga.
"Huwag mo nang pansinin 'yan. Kahapon pa 'yan bad mood," bulong ni Ian nang mapansing nakatitig ako kay Ethan.
"Bakit siya nandito?"
Pangalawang beses ko na siyang napansin na parating kasama ni Ian. At related pa sa chess. Sigurado kasi ako na about sa chess yung pinunta ko dito. Sir Cruz was the Male coach of chess last year sa palaro kaya magkakakilala kami kahit hindi ako dito nag-aaral. Medyo close na nga kami.
Napaisip ako na baka naglalaro din siya ng chess? Ewan. Si Ian lang yung nakilala kong chess player dito so far. So siya ba yung board 2 sa male?
"Ewan. Sumama lang 'yan sa akin pero hindi ako kinibo," he shrugged. "Pabayaan mo na."
Tumango nalang ako at nilingon si Sir Jeff na nasa table niya. Mukhang busy siya kasi andaming papel sa mesa niya. Ang aga naman niyang mabusy. Kakasimula pa nga ng klase. Lumapit kami sa mesa niya.
"Sir! Nandito na si Master!" sigaw ni Ian na akala mo naman nasa kabilang baranggay yung tinawag.
Umangat ng tingin si Sir at ngumiti nang magtagpo ang aming mga mata.
"Kuya sir! Kumusta?" ngisi ko at tuluyan nang lumapit. Nag-apir pa kami.
"Mabuti naman. Ikaw ba?"
"Medyo lutang," I chuckled. "Ano nga po ba yung pipirmahan ko?"
"Ah. Oo," he opened one of his drawers and pulled out a paper. "Pirma ka dito."
Inabot niya sa akin yung papel na tinanggap ko naman. I scanned the pages. The table was empty at pangalan ko pa lang yung nakalagay at kay Ian. Mukhang pupunuin pa ito at kaming dalawa ni Ian ang una sa lista.
"Para saan po?"
"Para sa tournament two months from now."
Tumaas yung kilay ko. "Po?"
Two months from now pa naman pala. Bakit ang aga naman nilang kailangan yung pirma. At bakit may pangalan ko na?
"Hindi po ba may screening pa bago mapili yung magrepresent sa school?" tanong ko.
"Oo pero hindi mo na kailangan pang mag-screening. Ace kaya kita," kumindat si sir. Napailing nalang ako.
"Hindi ba unfair sa iba?" I tried to reason out.
"Wala silang magagawa. Ako yung coach niyo kaya ako masusunod," pinal niyang sabi. "Oh. Pirma ka na. Para 'yan sa budget at allowance niyo. May screening bukas para sa iba pang players. Kung gusto mong bumisita , okay na okay."
"Sige, Kuya Sir. Baka hindi ako busy," tango ko.
Tumayo siya at hinakot yung mga papel na nasa mesa niya. "Sige. Una muna ako sa inyo. Kailangan ko pa itong ipasa sa Dean namin."
Nagmamadaling lumabas si sir at naiwan kami. Mukhang may hinahabol na deadline si sir. Ang hirap naman maging teacher.
Bigla nalang kaming nakarinig ng tunog mula sa phone. Nagkatinginan kami ni Ian.
"Sa'yo?" tanong niya sa akin.
Umiling ako. "Hindi."
Dumapo ang aming mga mata sa mesa ni Sir Jeff at nakitang phone niya pala 'yung tumunog.
"Nalimutan ni sir phone niya," sabi ni Ian at dinampot yung phone. "Iaabot ko lang sa kanya."
Hindi na hinintay pa ni Ian yung sagot ko at kumaripas na ng takbo at sinara 'yung pinto. Sa sobrang busy ni sir nakalimutan niya phone niya. Napailing nalang ako. Mabuti nalang at nandito pa kami.
Binalik ko yung tingin sa papel na hawak ko. Napangiti ako nang maisip na may allowance. Yes! Two months later pa naman pero atleast may pera akong hihintayin. Kinuha ko 'yung ballpen mula sa bag ko at pinirmahan yung papel.
Matapos kong mapirmahan lahat ay napalingon ako sa direksyon ni Ethan. Ganun pa rin posisyon niya. Natutulog kaya siya? Mukha kasi siyang puyat. Nagkibit-balikat nalang ako at hinayaan siya. Didistansya na nga diba?
Tumalikod na ako tumungo sa pinto. I grabbed the door knob and twisted it open. Nagulat ako nang hindi ito mabuksan. It's stuck!
I tried to twist it harder, hoping for it to budge pero mukhang yung door knob yung sira. Napakagat-labi ako. May pasok pa ako!
"Don't tire yourself. Sira 'yung door knob. Wala ka nang magagawa," biglang sabi ni Ethan.
Napalingon ako sa direksyon niya at ganun pa rin yung kanyang posisyon. Nakapikit pa rin habang nage-earphones. Tumaas yung isang kilay ko. So walang music?
"Ang chill mo naman," komento ko. "We are both stuck here."
I stepped back when he finally opened his eyes and looked at me. Para akong kinapos ng hininga nang tumingin siya sa akin. Damn! He always got that effect on me!
"Babalik din naman si Ian. Alam niya na nandito ka pa. So please, just sit down and wait for help."
He actually got a point. Paniguradong babalik din si Ian dito. Wala na akong choice kundi and maupo sa isang arm chair na malayo sa kung saan siya nakaupo. The farther, the better.
Kinuha ko 'yung phone ko at nag-chat kay Mae. Sinabihan ko siya na baka ma-late ako sa susunod na class kasi nalock kami. Alam naman din ng lahat na pina-excuse ako.
"Ang layo mo naman," sabi ni Ethan.
"We both know why," I smiled.
Tumango siya at umiwas ng tingin. Namayani ulit yung katahimikan. Sobrang awkward! Nakatingin na nga ako sa ibang direksyon pero ramdam ko yung titig niya sa akin.
"Do you like Ian?" biglang tanong niya.
"Excuse me?"
"Do you like your chessmate?" pag-uulit niya.
"What makes you say that?" I creased my forehead.
"Titig na titig ka sa kanya kahapon habang naglalaro kayo," he answered with clenched fist. "Is that why you're avoiding me?"
Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. Ano daw?
"Naglalaro kami. Tactics yun. At kaya iniiwasan kita kasi may jowa ka na. Remember?" irap ko. "Are you jealous now?"
Hindi sa sumagot. Sa halip ay umiwas siya ng tingin. I would be lying if I say that I wasn't disappointed. Why am I still expecting?
Namayani ulit yung katahimikan. Sobrang naiilang na ako pero hindi ko ito pinahalata. Ang tagal naman ni Ian! Alam naman pala nila na sira na 'yung door knob. Bakit hindi nila pinalitan?
"Do you have a date?" biglang tanong niya.
"Why?"
He shrugged. "Gusto sana kitang yayain."
"Are you serious?"
Nababaliw na ba siya? Kakasabi ko lang na iniiwasan ko siya kasi may jowa niya. Tapos ngayon inaya niya akong date? Yung totoo, maluwag na ba 'yung turnilyo niya sa utak?
"I only asked for a yes or a no, Farah. Madali naman akong kausap."