Chapter 5

1896 Words
"Hello," he forced a smile. I bit my lower lip, realizing that what I wanted to happen is now standing before me. Gusto ko siyang makita sa personal, face to face. Sobrang dami kong gustong sabihin sa kanya pero ngayong nasa harap ko na siya ay nalimutan ko na ang lahat. "Here. Get dress," binato niya sa akin ang isang paper bag na agad ko ding nasalo. Tumalikod siya para lumabas pero pinahinto ko siya. "Ethan, wait..." "We'll talk after you get dress." Kumunot ang noo ko. What's with his tone? He sounded cold. Hindi ko nalang pinansin yun at tumango na. Tuluyan na siyang lumabas ng silid at iniwan ako para makapagbihis. Dali-dali akong nagbihis para makapag-usap na din kami. Naghilamos muna ako at nagmumog bago lumabas. Naabutan ko siyang nakatalikod sa akin. Amoy na amoy ko yung niluto niya at napangiti nalang ako. Naramdaman niya siguro yung presensya ko kaya napalingon siya sa direksyon ko. "Umupo ka muna. Malapit na 'to." I smiled and then nodded. I placed my chin on my hand while I look at his back cooking. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. It's a condo unit. Hindi ko alam na mayaman pala siya. His parents must have love him so much to have this kind of luxury. "It's like we're a married couple," ngisi ko. "What?" "Para tayong mag-asawa." Narinig ko siyang bumuntong-hininga. Parang hindi niya gusto 'yung narinig. What's with him? Kanina ko pa napapansin yung cold treatment niya sa akin. From his force smile to his deep sigh. He's also not reciprocating the same feeling I have now that we meet face to face. After he's done, he placed the egg omelette in front of me. He also placed a plate with rice on the table. Bumalik siya sa pantry at may kinuha. "Coffee?" he asked. "Black," I replied Tumango siya at tinimplahan niya ako ng kape. Yung ngiti ko kanina ay naglaho. Bumibigat yung pakiramdam ko. Hinintay ko siyang matapos hanggang sa umupo na nga siya sa harap ko. "I'm sorry. Ito lang kaya kong ihanda sa'yo. Hindi pa kasi ako nakapag-grocery." Umiling ako. "It's fine," huminga ako ng malalim. "Ano yung pag-uusapan natin?" Yumuko siya at pumikit ng mariin bago niya ako tinapunan ng tingin. I froze when his eyes met mine. Noon sa phone ko lang siya nakikita tapos nakangiti pa siya. Ngayon ay nasa harap ko na nga siya but he's dead serious. "Tungkol sa nangyari kagabi," he paused. "It was a mistake." Kumunot ang noo ko. Of course it was a mistake! Pareho kaming lasing. Wala kami sa tamang pag-iisip nun. I see regret on his eyes and I understand that. What I don't understand is that why do I feel like he dislikes it? Like he even moaned my name! "What are you trying to say?" "Kalimutan natin ang nangyari kagabi, okay? Let's pretend that it never happened." Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. So he's telling me to forget the night I lost my virginity? "You cannot just tell me to erase that in my mind, Ethan. Bakit ko naman gagawin yun?" Yumuko siya at sinabunutan ang sarili. He looks so frustrated but he's containing himself not to burst out. "Farah, hindi tayo pwede." "Bakit?" I swallowed the lump on my throat. "I know na kasalanan ko. Hindi ko ginusto ang paasahin ka. It was an accident!" "Farah, it's not about the past," umiling siya. "Hindi lang talaga tayo pwede." "You don't like me anymore?" "Farah it was internet love!" "It was still love! Ethan I felt something!" "It was an illusion, Farah. You just felt like it's love because you were so broken and felt that my company was healing. Hindi mo ako mahal." "Bakit ba pinagpipilitan mo kung ano yung nararamdaman ko? I know that it was love! It was real." "It was real for you. Paano naman sa akin?" Napahinto ako. Wasn't it real for him as well? Ramdam ko noon na espesyal ako para sa kanya. He updates me and sing for me. Palagi niyang pinaparamdam sa akin na special ako. "But you said you loved me." Naalala ko pa 'yun. That was the reason why we grew distant with each other. Kung hindi sana pinakealaman ni Brody yung phone ko sa araw na iyon, okay pa sana kami ngayon. Pero he said he loves me too. "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo." "Alam na alam mo ang sinabi ko." "Look, what happened in the past is in the past now. Wala na akong balak pang balikan." I bit my lower lip, trying to stop myself from crying. Umiwas siya ng tingin. Hindi ko nagustuhan ang pagkikita namin ngayon. Inisip ko pa noon kung paano kapag nagkita kami. I always thought of romantic scenarios. "Thank you for the breakfast," tumayo ako at pumasok ulit sa kwarto niya para ligpitin 'yung mga damit ko sa sahig. Napangiwi ako nang makita ang panty ko. Nasty! Talagang I had s*x with him? Now I woke up and he said to forget everything. Ironic. "Look, Farah. I'm sorry. Hindi ko mabibigay yung gusto mo," I heard him say behind my back. "I'm not asking for a relationship, Ethan. Atleast man lang, sana binigyan mo din ng importance yung pinagsamahan natin. Now that we finally met, I expected a warm smile not a cold stare." Kinuha ko yung bag ko na nasa sahig at tumayo na. Nasa pintuan pa rin siya habang titig na titig sa akin. "I'm sorry," yuko niya. "You're prettier up close though." I scoffed. Hindi ko mawari kung sinabi ba niya 'yun to flirt with me o para lang gumaan yung loob ko. It was too random. "You too," matipid akong ngumiti bago siya nilampasan. I exited the room without saying goodbye. I am thankful for his gentleman attitude like cooking and giving me clothes. Pero hindi ko nagustuhan yung pagkikita namin. It was even at the most unexpected time. I'm finally at the lobby and was about to exit the building but a woman in short hair pass by me. Napalingon ako sa kanya at hindi lang ako. Pati na din yung mga tao sa lobby. She's alluring and definitely a head-turner. Simple lang naman na dress yung suot niya pero mukhang mamahalin. She also wears a lot of accessories. Yayamin! Napabuntong-hininga nalang ako. I am raise in a not so well off family. Hindi kami mayaman pero kaya naman naming matustusan ang aming mga pangangailangan. I'm doing a part time tutoring an elementary student para makatulong sa pag-aaral. Nahihiya na kasi akong humingi kina Mama. If only I was born rich like the lady, hindi na sana mababaon sa utang si Mama. Hindi malaki yung sahod ni Papa. Tama lang para sa bigas at ibang makakain. We cannot afford things that we want because we allocate the money for our needs. I have problem at home financially. I'm also struggling in coping up in school. Madalas na din akong inaaway ni Brody. Tapos dadagdag pa si Ethan. I never had the chance to explain to him about the accident 'I love you' I sent him. Pero that would be irrelevant na. Ano naman ang magagawa nun? Will it change the past? Bumuntong-hininga ako at tuluyan na ngang nakalabas ng building. Bigla nalang kumulog at bumagsak yung ulan. My shoulder dropped. Maaliwalas naman yung kalangitan kanina paggising ko a! Wala na akong choice kundi tawagan si Brody. Kagabi pa 'yun nag-aalala sa akin at kapag tinawagan ko 'yun ngayon paniguradong bubungadin ako ng sermon. Pero bahala na! As if may choice pa ako? Hinanap ko yung phone ko sa bag pero hindi ko ito makita. Nagsimula na akong kabahan. Nandun yung files ng mga assignments ko! Baki wala dito?! Siguro naiwan ko sa condo ni Ethan. Tama! Paniguradong naiwan ko nga ito doon. My bag was open when I picked it up on the floor. Grabe. Gaano ba kami ka-wild kagabi? Naisipan kong balikan yung phone ko. While on the way, panay yung sampal ko sa sarili. Tatanga-tanga kasi. Hindi sinigurado kung kompleto ba lahat ng dala. I was too preoccupied that I forgot about my phone. Malapit na ako sa unit ni Ethan, isang liko na lang. Pagkaliko ko at napahinto ako nang makita yung babae sa harap ng pintuan ni Ethan. Kumunot ang noo ko habang pinagmasdan siya. She's checking herself on her compact mirror. Nang masigurado niyang okay na siya ay saka na siya kumatok. Dali-dali akong nagtago para hindi ako makita. Sumilip ako mula sa pinagtaguan at nakitang binuksan ni Ethan yung pinto. He's stunned to see the girl in front of him. "Surprise!" sabi nung babae. Hindi alam ni Ethan kung ano yung sasabihin. Nakatitig lang siya sa babae habang bahagyang nakaawang yung labi. "Didn't you miss me?" nguso ng babae. "Akala ko you flew to Europe?" naguguluhang tanong ni Ethan. "Hindi na ako tumuloy," malungkot na sabi ng babae. "I can't leave you behind. You are everything to me, love. And if someone would take my everything away from me, then I will be broken." Love? Sumikip ang aking dibdib sa narinig. It this pretty woman his girlfriend? "I love you," biglang sabi ni Ethan. He pulled the girl by her nape and kiss her. Napahawak ako sa dibdib ko. Agad akong umiwas ng tingin at nagsimulang nagkarerahan yung mga luha ko sa pisngi. Last night, I was kissing those lips of his. Ang bilis naman ng oras at ngayon ibang babae na ang kahalikan niya. I don't have the right to feel jealous pero hindi ko mapigilan ang magselos. Ako sana yung kahalikan niya ngayon. Ako sana ang nobya niya. Nakita ko nalang ang sarili kong naglalakad sa ilalim ng ulan. People started to look at my direction, thinking I must be insane. Wala na akong pake. The tears on my cheeks are.now mixed with water at hindi ko alam ngayon kung lumuluha pa ba ako. It feels excruciating deep inside. Mapait akong tumawa. Double kill ata sa akin ngayon. Sinabihan pa ako na kalimutan lahat ng nangyari. He even told me that what we had wasn't real for him. Ngayon ay nalaman kong may girlfriend na pala siya. Now I know why we can't be together. Sabi niya hindi kami pwede. The reason was too obvious afterall. Kasi he's taken. Thinking back of what he said, I realized that it was too harsh. But then again, I was harsh towards him before. Wala akong ginawa at pinabayaang mawala yung koneksyon namin. Pero bakit hindi naman niya agad sinabi na may girlfriend na pala siya? Why do he have to say harsh words? Kasi alam kong wala lang sa kanya kung ano kami noon. Bagsak-balikat at nakayuko akong naglakad. I look ridiculous now. May mga kumukuha na ng litrato sa akin. Yung iba naman ay tinatawanan ako. Bigla nalang may sasakyan bumusina sa akin. Napalingon ako sa daan at pumarada sa harap ko ang isang pamilyar na sasakyan. The windows rolled down and revealed a worried Brody. "Brody..." I whispered. "What the fvck, Farah! Gusto mo bang magpakamatay?!" I smiled weakly. Kahit hindi kami bati ni Brody, I can still see that he cares a lot for me. Ako lang 'yung thoughtless. Hindi ko naisip kung ano yung nararamdaman ng bestfriend ko ngayon. For all I was thinking now is Ethan. He's like a song stuck in my head.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD