Nakakaramdam nang pagkailang si Thunder kaya nagiging malikot ang mga mata niya at hindi siya makatingin sa magiging amo niya na padekwatrong nakaupo sa single sofa. Nandito sila ngayon sa living room ng mansyon at siya’y nakaupo naman sa mahabang sofa na katabi lamang ng inuupuan ng magiging amo niya. Paanong hindi makakaramdam nang pagkailang si Thunder? Kanina pa ito nakatingin sa kanya habang hawak nito ang biodata na ipinasa niya kagabi sa gwardya. Sa klase nang tingin nito, parang pati kaluluwa niya ay sinusuri nito. Bigla nga rin siyang nakaramdam ng kakaiba dahil sa tingin niya ay kilala siya nito. Babae ang nakatitig sa kanya. Sa tantya ni Thunder ay mga nasa twenties ito dahil mukhang bata pa. Hanggang balikat ang gupit ng buhok na apple cut style. May pagka-morena ang makinis