Naalimpungatan si Charmaine mula sa mahimbing niyang pagtulog. Inis na inis ang kalooban niya. Dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. Ang mataas na puting kisame ang sumalubong sa pagdilat niya. Madilim ang buong kwarto niya at tanging ang liwanag lamang ng buwan mula sa labas ang nagbibigay ilaw sa paligid. Ilang sandali pa ay naisipan ni Charmaine na uminom na muna ng tubig bago bumalik sa pagtulog. Naalis ang pagtingin niya sa kisame at babangon na sana siya sa kanyang kama ngunit muli siyang napahiga at nanghilakbot ang buong pagkatao niya sa bigla niyang nakita. Biglang nanginig sa takot ang buong katawan niya. Nanginginig ang labi niya at nanlalaki ng todo ang mga mata niya na puno ng hilakbot na nakatingin sa babaeng nakatayo sa gilid ng kanyang kama. Isang babaeng dugu