Madilim ang buong kwarto. Nakaupo sa gilid ng kama si Thunder. Tanging ang liwanag lang ng buwan na nanggagaling sa labas ng bintana ang nagsisilbing ilaw niya. Nakatitig lamang si Thunder sa litrato na hawak-hawak ng dalawa niyang kamay. Mababanaag sa kanyang mukha ang lungkot. “Kumusta ka, Ate?” Sobrang hina na tanong ni Thunder. “Okay ka lang ba?” pagtatanong niya pa. Ngumiti nang maliit si Thunder. “Ako… sa tingin ko naman okay ako. Nandito ako ngayon sa bahay ng best friend mo,” saad niya pa. “Grabe maglaro ang tadhana, ‘di ba?” tanong niya ulit. “Hindi ko akalaing dadalhin niya ako dito,” sabi pa niya. “Sa tingin ko, malakas ka sa Kanya. Pinagbigyan ka yata niya sa hiling mo na dalhin ako sa ligtas na lugar,” mahinang sambit pa ni Thunder. Huminga siya ng malalim. “Salamat, Ate.