bc

WILDCAT [COMPLETED]

book_age18+
1.7K
FOLLOW
6.0K
READ
revenge
dark
family
second chance
drama
enimies to lovers
mxm
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Para sa hustisya, handa niyang gawin ang lahat.

SYNOPSIS: Sa malagim na pagkamatay ng nakakatandang kapatid, labis na galit ang sasakop sa puso ni Thunderstorm Dela Merced at matinding pagnanais na makapaghiganti ang kanyang gustong gawin. Ngunit paano kung sa gitna ng kanyang mga plano ay dumating ang pag-ibig na iwasan man niya ngunit hindi niya mapipigilan?

Handa ba niyang talikuran ang lahat para sa pag-ibig na naghihintay lamang sa kanya?

A M2M ROMANCE-MELODRAMA-REVENGE NOVEL BY FRANCIS ALFARO

COPYRIGHT (C) 2022

ALL RIGHTS RESERVE, 2022

DISCLAIMER: This story is purely fictional. Any resemblance to living or dead person, places, events, and others are only coincidental.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Mag-isang naglalakad sa gilid ng daan si Thunder. Walang katao-tao. Seryoso ang mukha at animo’y manununtok na lamang ng basta-basta kapag may nakasalubong. Bakas rin sa gwapo nitong mukha ang galit at poot na nararamdaman. Galing siya ng eskwelahan at kinuha ang mga credentials niya dahil balak na niyang lumipat ng school. Tila nagagalit ang madilim na langit dahil sa panaka-nakang pagkulog at pagkidlat. Wala namang pakielam si Thunder sa galit ng langit at patuloy lang siya sa madiin niyang paglalakad. Ilang minuto pa ay napatigil na lamang sa paglalakad si Thunder ng biglang may humintong itim na van sa gilid ng dinaraanan niya. Biglang bumukas iyon at mabilis na lumabas roon ang tatlong kalalakihang puro itim ang suot na damit at naka-bonnet rin na itim. Mabilis na hinawakan ng mahigpit si Thunder ng dalawa sa mga ito sa magkabilang braso niya kaya nagpumiglas siya. Mas lalo namang umingay ang kulog at kidlat sa langit. “P*ta! Bitawan niyo ako!” malakas na sigaw at galit na singhal ni Thunder sa mga lalaking may hawak sa kanya. Panay rin ang pagpiglas niya. Hindi naman pinansin ng tatlo si Thunder na lalong nagwawala. “Isakay na iyan!” malakas na utos ng isa sa mga lalaki na kaagad namang sinunod nu’ng dalawa. Nagpupumiglas pa rin si Thunder pero matagumpay siyang naisakay ng mga ito sa itim na van. Kaagad na umandar ang van. Walang taong nakakita sa ginawang pagdukot dahil gabi na nu’ng mga panahong iyon at wala nang masyadong tao na dumadaan dagdagan pa na may kadiliman ang nasabing lugar at mangilan-ngilan lamang ang street lights na nagkalat sa paligid na nagbibigay liwanag lamang sa ibang parte ng lugar. Hindi rin protektado ang lugar dahil sira ang mga CCTV cameras. Lima sila ngayong nasa loob, siya, ang tatlong lalaki na kumuha kay Thunder at isang driver na nasa harapan at siyang nagmamaneho. “Mga p*tang ina niyo! Saan niyo ba- argghhh!” Napatigil na lamang sa pagsigaw si Thunder ng bigla siyang suntukin ng isang lalaki na humawak sa kanya kanina at ngayon ay katabi niya sa tiyan na ikinapilipit niya sa sakit. Doon rin nagkaroon ng pagkakataon ang isa sa mga lalaki na busalan ng panyo ang bibig niya. Nang makahuma si Thunder ay nagsisigaw pa rin ito. Hindi naman siya maintindihan dahil puro ungol lang ang naririnig mula sa kanya. “P*tang ina ka! Tumigil ka nga!” malakas na sigaw ng isang galit na lalaki sabay suntok sa mukha ni Thunder dahilan para matabingi ang mukha nito dahil may kalakasan ang suntok. Mas lalong namuo ang matinding galit sa dibdib ni Thunder. Hinawakan ng dalawang lalaking katabi niya ang magkabila niyang braso. Mahigpit ang pagkakahawak ng mga ito sa kanya kaya naman sa bukod sa hindi na siya makapiglas ng todo ay nasasaktan pa siya dahil sa paghawak ng mga ito. Hindi nabilang ni Thunder kung ilang oras na ang lumipas nang mapansin niya na huminto na ang van. Binuksan ng isa sa mga lalaki ang pintuan at pagkabukas nito ay lumabas na ang mga lalaki kasama si Thunder na mahigpit pa ring hawak at kinaladkad ng mga ito. Pagkalabas ay kaagad na binitawan ng mga lalaki si Thunder at marahas na itinulak dahilan para mapasubsob ito nang upo sa lupa. Matalin at puno ng galit na tinitigan ni Thunder ang mga ito. Natawa naman sa kanya ang mga lalaking dumukot sa kanya. “Anong kailangan ninyo? Bakit ninyo ako dinala rito sa lugar na ito?” Nanlalaki ang mga mata na tanong ni Thunder. Dinala siya ng mga ito sa isang abandonandong gusali na matatagpuan sa isang liblib na lugar. Napangisi sa kanya ang isang lalaki. Sa tingin niya, kasing tanda ng ate niya ang mga lalaking dumakip sa kanya. Malaking mga bulas pero hindi siya natatakot sa mga ito kahit na mas matanda at mas malaki ito kaysa sa kanya. “Alam mo na, ‘di ba? Alam mo na kung sino ang nagpapatay at pumatay sa ate mo,” saad ng lalaki. Ngumiti ito ng nakakaloko. “Kaya hangga’t maaga pa, kailangan ka nang tapusin bago ka pa dumaldal sa otoridad,” maangas na wika pa ng lalaki sabay bunot ng baril at itinutok kay Thunder. Napangisi si Thunder habang nakaupo pa rin sa lupa. Hindi siya natatakot mamatay lalo na ngayon na mag-isa na lang siya sa buhay. Wala na ang pinakamahalaga sa kanya kaya bakit pa siya matatakot? ‘Sa oras na mawalan ka ng pinakamahalaga, kahit ang kamatayan ay hindi mo na katatakutan.’ “Sige at iputok mo na,” nanghahamong saad ni Thunder sa maangas na tono. “Akala mo ba natatakot ako? Kahit pasabugin mo pa ang bungo ko, wala na akong pakiealam.” Nainis ang lalaki kay Thunder. Nagtagis ang panga nito. Kaagad nitong ikinasa ang baril at ipuputok na sana ito kay Thunder pero mabilis na nakagapang at nakaikot si Thunder saka nakatayo. Kasing bilis ng kidlat na bumunot siya ng baril at pinutok doon sa lalaking babaril sana sa kanya. Natawa si Thunder dahil mabilis na tumumba sa lupa ang lalaki at namatay dahil sa ulo niya iyon pinaputukan. Mabilis na kumilos pa si Thunder na naramdaman niyang babarilin rin siya ng isa pang lalaki kaya kaagad na rin siyang yumuko para makaiwas at ng magkaroon ng tyempo ay pinutukan na niya iyon sa dibdib na kaagad rin nitong ikinahandusay sa lupa at ikinamatay. At isa pang putok ng baril ang ginawa ni Thunder dahil babarilin rin siya ng isa pang lalaki na natitirang buhay sa tatlo. “Bullseye!” Nakangising wika ni Thunder nang makitang humandusay sa lupa ang huling binaril. Tiningnan ni Thunder sa van na nakita niyang humaharurot na palayo, kaagad siyang tumakbo at hinabol iyon. Pinaulanan niya ng bala kaya naman napuno iyon ng tama at nakita niyang nagpagewang-gewang iyon hanggang sa mabunggo sa may puno at sumabog. Napangisi muli si Thunder. Mas lalo namang kumulog at kumidlat ang langit. “Akala mo makakatakas ka,” maangas na bulong niya. Itinago na ni Thunder ang baril niya sa kanyang likod. Mabuti na lamang at lagi niya itong dala. Nabili niya ito sa isang tindahan na nagbebenta ng mga baril. Nagpanggap siya na nasa legal na siyang edad para humawak nito kaya nabentahan siya. Mukha na rin naman kasi siyang disi-otso kahit na kinse pa lamang siya dahil matangkad siya at hindi akma sa tunay niyang edad ang hulma niya. Tungkol naman sa galing niya sa pagbaril, lingid sa kaalaman noon ng ate niya ay after school ay lihim na nagpupunta siya sa isang shooting range na matatagpuan rito sa lugar nila at doon naglalaro ng baril. Mahilig rin kasi siyang manuod ng action films kaya nakahiligan rin niya ang bumaril. Ngayon ay bihasa na sa pagbaril si Thunder kahit bata pa lang. Pero ngayon lamang siya nakapatay ng tao dahil sa galit na nararamdaman. Tiningnan ni Thunder ang mga lalaking pinatay niya. Ngumiti nang nakakaloko ang labi niya. “Siguro nga handa na akong mamatay… pero hindi pa sa ngayon dahil hindi ko pa nakakamit ang hustisya na dapat kong maibigay kay ate,” madiin at may pait na sambit ni Thunder. Muling kumulog at kumidlat na tila nakikisakay talaga sa galit na nararamdaman niya ang langit. Alam na ni Thunder ang lahat. Alam na niya kung sino ang may sala at sisiguraduhin niyang magbabayad ito. Naisipan na rin niyang sabihin sa mga pulis ang mga nalaman niya ang kaso, baka wala ring mangyari dahil anak ng gobernador ang may sala. Siguradong mababaligtad lang ang lahat ng dahil sa kapangyarihan at pera. Kaya sa huli, umatras siya at wala rin siyang sinabi sa mga ito. “Kung hindi maibibigay ng batas ang hustisyang gusto ko para kay ate, pwes… ako ang magbibigay,” mariing saad ni Thunder. “Kahit madungisan pa ng dugo ang dalawang kamay ko, wala na akong pakiealam,” madiin na dagdag pa niya habang matalim na nakatitig sa mga bangkay sa harapan niya. Kumuyom pabilog at madiin ang mga kamao ni Thunder. Ramdam na ramdam niya ang galit at matinding poot sa kanyang dibdib. “Sisiguraduhin kong matitikman nila ang hagupit ng aking paghihiganti. Sa aking pagbabalik… ipaparamdam ko sa kanilang lahat ang sakit na naramdaman ko at ni ate. Ibabalik ko ng doble… o triple pa sa kanila ang lahat ng ginawa nila. Itaga niyo ‘yan sa bato, babalik ako para magdusa sila,” sobrang diin na sambit pa ni Thunder. Naluluha ang mga mata niyang matalim ang titig. “Kaya maghanda na kayo habang naghahanda rin ako sa mga gagawin kong siguradong magpapaluhod at pagdurusahan niyo.” Mas lalong lumakas ang kulog at kidlat. Kinalma muna ni Thunder ang sarili. Pagkatapos ay bahagyang nag-ayos ng buhok bago naglakad paalis sa lugar na iyon. Iniwan ang mga nakahandusay at duguang mga lalaki na parang mga napatay niyang hayop.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
315.6K
bc

OSCAR

read
236.6K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.2K
bc

NINONG II

read
630.7K
bc

Love Donor

read
87.6K
bc

SILENCE

read
386.3K
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
320.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook