Walang ekspresyon ang mukha ni Thunder habang nakatayo at nakatitig ang mga mata nito sa lapida na nasa harapan at nakadikit na ngayon sa lupa kung saan nakabaon na roon ang mga labi ng namayapa niyang kapatid. Kaninang pang umaga natapos ang libing ngunit hapon na ay nandito pa rin siya at nananatiling nakatayo. Siya na lamang mag-isa ang narito dahil lahat ng nakipaglibing ay nagsi-uwian na. Nakakuyom pabilog ang mga kamao niya. Mas lalong namumuo ang galit sa kanyang dibdib habang nakatingin sa lapida. Tila sakop na sakop na ng nararamdaman niyang galit ang buong pagkatao niya. “Hindi ka dapat nandyan Ate. Hindi ka dapat maagang nawala. Hindi ka dapat binawian ng buhay.” Umiling-iling si Thunder. “Napakabuti mong tao. Ikaw ang pinakamabait na Ate sa buong mundo at proud ako na ikaw an