Tulalang nakatingin lamang si Thunder sa puting kabaong na nasa harapan habang nakaupo siya sa isang mahabang upuan. Nasa loob siya ngayon ng isang memorial chapel kasama ang iba pang mga bisita na nakikiramay sa pagpanaw ng kanyang minamahal na kapatid. Kitang-kita sa mga mata niya ang galit, sakit at paghihinagpis na hanggang ngayon ay namamayani sa kanyang buong katauhan. Hindi matanggap ni Thunder ang naging kinahantungan ng buhay ng kanyang ate. Parang kailan lang, kasama niya pa ito. Kasabay kumain, lagi pa siyang kine-kwentuhan na kahit ayaw niyang makinig ay pinipilit pa rin niya para lamang hindi mapahiya ang kanyang ate na nagsasayang ng laway sa kaka-kwento sa kanya ng kung ano-ano. Sa totoo lang, hindi man siya iyong tipo ng tao na showy pagdating sa nararamdaman, alam niya s