“Naihanda na ba ang lahat ng dadalhin namin, Manang Yolly?” pagtatanong ni Thunder sa katulong. Si Yaya Yolly ang nagsisilbing mayordoma at pinakamataas sa lahat ng katulong sa mansyon. Tiningnan ni Yaya Yolly si Thunder. Ngumiti ito saka tumango. “Yes Sir. Nasa sasakyan na ang lahat ng bag at maleta na dadalhin niyo,” magalang na pagsagot nito sa kanya. Ngumiti naman ng maliit si Thunder. “Kayo na muna ang bahala rito sa mansyon habang wala kami ni Winter,” bilin niya. Tumango si Yaya Yolly. “Yes Sir. Makakaasa kayo,” aniya. “Kung sakali mang magkaroon ng problema ay tawagan o i-text niyo ako,” bilin pa ni Thunder. Napatango na lamang muli si Yaya Yolly. “Sige Manang. Pakitawag na lang si Jane at aalis na kami,” kalmadong utos ni Thunder. Ang tinutukoy nito ay si Jane na isa sa mga