“Happy ka ba, Anak?” nangingiting tanong ni Thunder sa kanyang anak na si Winter. Bahagya itong nakayuko para magpantay sila ng tangkad ng anak na medyo lumaki na rin. Tumango-tango si Winter. “Yes Daddy! I’m so happy,” masayang wika nito. Tipid na napangiti si Thunder. “Mabuti naman at masaya ka. ‘Yun lang naman ang palagi kong gusto,” aniya. “Happy seventh birthday again, Winter,” pagbati ulit nito sa anak. “Thank you po, Daddy!” natutuwang bulalas ni Winter at mahigpit na niyakap at hinalikan sa magkabilang pisngi si Thunder. Malambing ito pagdating kay Thunder na labis namang ikinatutuwa ng huli. “Sige Daddy at babalikan ko lang iyong mga kaibigan ko para maglaro ulit kami,” pagpapaalam niya. Tumango-tango na lamang si Thunder. Kaagad na bumitaw sa yakap si Winter sa daddy niya at