CHAPTER 3

3744 Words
Mag-isang naglalakad ngayon si Rain sa hallway ng school na pinapasukan niya. Pupunta siya sa library para gumawa ng report ngayong vacant time niya dahil mamaya, hindi na siya makakagawa pa nito dahil after school, diretso naman siya sa kanyang part-time job which is ang pagiging service crew sa isang kilala na fast food chain. Wala ngayon si Brandon dahil sa nasa practice ito ng basketball. Team captain kasi ito kaya hindi pwedeng wala ito sa practice. Ilang sandali pa ay nagulat na lamang si Rain at napahinto sa paglalakad ng may biglang humarang na magandang babae sa kanyang harapan. Nasa tabi naman nito ang isa ring babae na mukhang kaibigan ng babaeng humarang sa kanya. Mukha itong anghel at mabait. Ningitian niya ito. “Uh… Hello. Anong-” Pero nagkamali si Rain sa pagtingin sa ugali nito dahil kung mukha itong anghel ay iba naman iyon sa ipinakita nitong ugali ngayon sa kanya dahil bigla siya nitong sinampal ng ubod ng lakas na dahilan para matabingi ang kaliwang bahagi ng kanyang mukha. Napahawak siya sa nasaktang pisngi. “Ang kapal rin ng mukha mo para magpaligaw kay Brandon! Bakit? Sino ka ba sa akala mo? Akala mo ba ubod ka ng ganda para patulan ka niya? Hell no! Wala ka sa kalingkingan ng ganda ko kaya huwag kang magmaganda!” malakas na singhal ni Charmaine kay Rain na umagaw sa atensyon ng mga estudyanteng naroon at napatingin sa kanila. Nagsimula ang bulong-bulungan. Si Eva naman, natatawa habang nanunuod. “For your information at itatak mo sa gamunggo mong utak na sa akin na si Brandon kaya huwag ka nang lumandi-landi pa sa kanya. Huwag mo na siyang ahasin pa dahil akin lang siya! Akin lang siya!” malakas na sigaw pa ni Charmaine na ikinagulat ni Rain. Hindi siya nagulat dahil sa lakas ng sigaw nito sa kanya kundi dahil sa sinabi nito. “A-Anong sinabi mo? Sayo si Brandon? B-Bakit? Girlfriend-” Napatigil sa pagsasalita si Rain ng bigla na naman siyang sampalin ni Charmaine at this time, sa kabilang pisngi naman. Halos bumakat ang palad nito sa kanyang pisngi dahil sa lakas ng sampal nito sa kanya. Mangiyak-ngiyak na tiningnan niya si Charmaine na pinandidilatan naman siya ng mga mata. “Huwag ka nang maraming tanong. Basta tandaan mo ito, layuan mo siya. Kung pwede lang, dumistansya ka sa kanya ng one-hundred feet! Huwag ka ng-” “Charmaine!!!” Malakas na sigaw ni Brandon mula sa hindi kalayuan ang nagpatigil sa pagsasalita ni Charmaine. Gulat na gulat ang lahat. Natameme si Charmaine habang nakatingin kay Brandon na masama ang tingin sa kanya. Nakita at narinig niya ang lahat kaya walang takas si Charmaine sa mga ginawa niya. Mabilis na nilapitan ni Brandon si Rain. Hinarap niya ito sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito na ngayon ay sobrang pula. “Rain, okay ka lang ba?” pagtatanong ni Brandon na puno nang pag-aalala. Kitang-kita rin iyon sa kanyang mukha. Tumingin ang maluha-luhang mata ni Rain kay Brandon. “Brandon,” mahinang sambit ni Rain na napapakagat-labi dahil pinipigilan ang nagbabadyang pagtulo ng luha . Nakaramdam nang pagkahabag si Brandon. Matalim na tiningnan niya si Charmaine. Nag-aapoy sa galit ang mga mata nito. “Bakit mo ito ginawa? At ano iyong sinasabi mong sa iyo lang ako? Bakit? Boyfriend mo ba ako? Parang wala naman akong natatandaang girlfriend kita,” nanggagalaiti na singhal ni Brandon kay Charmaine. “Brandon-” “Huwag na huwag na itong mauulit pa dahil kapag inulit mo pa ito, huwag mo akong sisisihin kapag nasaktan kita dahil wala akong pakiealam kung babae ka pa,” madiin na pagbabanta kaagad ni Brandon na ikinaputol ng sinasabi ni Charmaine na mangiyak-ngiyak naman habang tinitingnan ito. “Huwag na huwag mo nang sasaktan ang girlfriend ko at ang babaeng mahal ko, maliwanag ba?” Natigalgal si Charmaine. Gusto sana niyang isigaw ang matinding pagkagusto sa binata. Magmakaawa na siya ang mahalin nito at maging girlfriend nito ngunit pakiramdam niya ay nawalan siya ng lakas ng loob dahil sa mga narinig niyang sinabi nito. Pakiramdam niya, bigla siyang nanghina dahil sa sakit. Muling tiningnan ni Brandon si Rain. Awang-awa at the same time, puno ng pag-aalala ang mukha nitong lumambot nang tingnan ang kasintahan. “Halika na at dadalhin na kita sa clinic para mahimasmasan ka at mawala ng sakit ng sampal,” wika ni Brandon. Kinuha niya ang dalang bagpack ni Rain at siya na ang nagbuhat nito saka niya inakbayan ang nobya. Napatango na lamang si Rain saka napasunod na lamang siya sa gusto ni Brandon. Sa totoo lang, nakaramdam siya ng takot sa babaeng ngayon lamang niya nakita at nalaman ang pangalan. Kinakabahan siya ng sobra kaya hindi na siya makapagsalita pa at tumutol sa sinabi ni Brandon na girlfriend siya nito. Saka na lamang niya kakausapin ito tungkol run. Nanggagalaiti naman sa galit si Charmaine na naiwan pa ring nakatayo sa kinatatayuan at nakasunod ang tingin sa papalayong sila Brandon at Rain. Hindi niya matanggap ang mga sinabi ni Brandon dagdagan pa na napahiya siya sa lahat. “Char, halika at umalis na tayo. Pinagtitinginan-” “Ano bang pakiealam ko sa mga walang kwentang ‘yan?!” malakas na hiyaw ni Charmaine na galit na galit. Napatingin siya sa paligid kung saan marami na ngang estudyante na nakatingin sa kanya. Sinamaan niya nang tingin ang mga ito. “Ano? Anong tinitingin-tingin niyo?!!!” malakas na sigaw pa niya sa lahat dahilan para umiwas naman ng tingin sa kanya ang lahat ng estudyante at biglang parang mga langgam na nagsi-alisan. Hinihingal sa galit si Charmaine. Kumuyom pabilog at madiin ang mga kamay niya. Nag-aapoy sa galit ang mga mata niya. ‘Hindi ko ito matatanggap! Napahiya ako sa lahat! Walanghiya ka Rain! Walanghiya ka! Humanda ka sa akin! Pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo sa akin maghintay ka lang!’ nanggagalaiti na sigaw ni Charmaine sa kanyang isipan. ‘Hindi ako makakapayag na hindi makakaganti sayo! Hayop ka! Hayop ka!’ --- “Pasensya ka na sa ginawa niya. Haaay! Kasalanan ko ito. Kung isinama na lang sana kita sa try-out ko, hindi ka mawawala sa paningin ko at hindi niya magagawa iyong ginawa niya sayo kanina,” mahinahong saad ni Brandon kay Rain. Sabay silang naglalakad ngayon pauwi sa bahay ng huli. Tiningnan ni Rain si Brandon. Tipid itong napangiti. Medyo nawawala na ang pamumula ng mga pisngi nito pero masakit pa rin. “Wala iyon. Hindi mo naman kasalanan,” wika ni Rain. “Oo nga pala, bakit mo ba sinabi na girlfriend mo ako kung hindi pa naman kita sinasagot.” Napangiti naman si Brandon. “Hindi pa? So may pag-asa pala talaga ako na maging girlfriend ka?” nangingiting tanong ni Brandon na ikinapula naman ng mga pisngi ni Rain hindi dahil sa sampal kundi dahil sa hiya at kilig na rin. Napaiwas ito ng tingin. “Ewan. Pero seryoso, bakit mo sinabi iyon sa kanya? Saka sino ba ‘yong babaeng iyon?” pagtatanong ni Rain. Sumeryoso ang mukha ni Brandon. Ngumiti siya ng maliit. “Sinabi ko iyon para tumigil na siya. Saka, hindi mo ba siya talaga kilala? Siya si Charmaine, sikat siya sa school natin. Hindi sa nagmamayabang ako pero siya iyong babaeng baliw na baliw sa akin. Alam ko naman na gusto niya ako kaya nga siya laging nagpapapansin sa akin pero hindi ko naman siya gusto at kahit dati pa, hindi ko siya nagustuhan at alam niya iyon pero hindi siya tumigil. Nanliligaw pa nga sa akin kahit na hindi naman niya dapat gawin iyon,” paliwanag ni Brandon. “Ewan ko ba kung anong nakita niya sa akin kung bakit ganun siya.” Napailing-iling na lamang siya. Napatango-tango si Rain. Kaya pala mukhang matindi ang galit sa kanya ng babaeng nagngangalang Charmaine dahil sa gusto niya si Brandon. At sa totoo lang, hindi niya ito kilala at ngayon lamang niya nakita. Ewan ba niya kung sadyang hindi lamang niya ito napapansin dahil sa na kay Brandon lang lagi ang atensyon niya. “Kaya pala siya galit na galit sa akin kasi nalaman na yata niya na nanliligaw ka sa akin,” mahinang saad ni Rain. Napatango naman si Brandon saka napabuntong-hininga ng malalim. “Pero alam mo Brandon, siguro kaya ka rin niya nagustuhan at pati na rin ako kasi pareho kami nang nakita sayo,” wika ni Rain. Kumunot ang noo at nagkasalubong ang makakapal na kilay ni Brandon. “Ano naman iyon?” nagtatakang tanong nito. Sumilay ang ngiti sa labi ni Rain. “Iyon ay dahil sa bukod sa gwapo ka, napakaganda pa ng ugali mo,” aniya na ikinangiti naman ni Brandon. Hindi niya itatanggi na kinilig siya sa papuri ni Rain sa kanya. “Talaga ba?” nangingiting tanong ni Brandon. Tumango-tango si Rain. “Mabuti kang tao kaya hindi ka mahirap kahulugan,” sabi niya. Lalo namang napangiti si Brandon. Halos mapunit na nga ang labi niya sa pagngiti. “Ikaw rin naman, bukod sa sobrang ganda mo, sobra ring buti ng loob mo kaya kita nagustuhan at minahal,” aniya. Napangiti si Rain. Kinilig siya sa sinabi ni Brandon. ‘Yung ginawa ni Charmaine sa kanya ay kaagad niyang nakalimutan at dahil iyon kay Brandon. Hindi namalayan ng dalawa na nasa tapat na sila ng bahay. “Ay! Nandito na pala tayo,” nagulat na saad ni Rain. Huminto muna sila sa harapan ng gate ng bahay. Tumango naman si Brandon. “Ang bilis talaga lumipas ng oras kapag kasama kita,” aniya. Muling tiningnan ni Rain si Brandon. Ningitian niya ito. “Mag-ingat ka sa pag-uwi,” kanyang wika. Napatango ng dalawang beses si Brandon sabay ngiti na naman. “Kita tayo ulit bukas. May surprise ako sayo,” sabi ni Brandon sabay kindat. Nakaramdam naman ng excitement si Rain. “At ano na naman ‘yang surprise mo?” tanong ni Rain na nangingiti. “Basta. Bukas malalaman mo,” nangingiting bulalas ni Brandon. “Kapag sinabi ko sayo ngayon, hindi na iyon surprise,” dagdag niya pa. Napangiti naman si Rain. Tumango-tango pa ang ulo niya. “O sige na at pumasok ka na sa loob,” saad ni Brandon at tiningnan pa ang bahay nila Rain. “Sa tingin ko nandyan na ang baby brother mo,” aniya pa. Nakita niya kasing bukas ang mga ilaw sa bahay. Napatango-tango naman ulit si Rain. “Sige. Mag-ingat ka sa pag-uwi,” paalala ulit niya. Tumango at napangiti naman muli si Brandon. “Oo nga pala, ito na ang bag mo,” biglang sambit niya pa ng maalala na dala niya ang bagpack ni Rain. Mahina namang natawa si Rain. Tinanggap niya ang inabot ni Brandon sa kanya. “Salamat,” aniya. Hindi naman nawawala ang ngiti sa labi ni Brandon. --- Magkaharap na nakaupo ngayon sa dining table sila Thunder at Rain. Kasalukuyan silang kumakain ng hapunan. Nakakabingi ang katahimikan at tanging ang tunog lamang ng mga kubyertos na tumatama sa babasaging plato ang naririnig. Panaka-nakang tinitingnan ni Thunder ang ate niya na hindi naman napapansing tumitingin siya. Makikita sa kanya ang pagtataka. “Anong nangyari diyan ate sa magkabila mong pisngi? Parang namumukol a at bahagyang namumula?” nagtatakang tanong ni Thunder. Iyon ang napansin niya. Napatigil naman sa pagkain si Rain at napatingin sa kapatid. Bahagyang nanlalaki ang mga mata niya dahil nagulat siya sa tanong nito. “Ha?” pagtatanong ni Rain kahit na narinig naman niya ang tanong ng kapatid. “Sinampal ka ba ng magkabilaan? Mukhang nabingi ka na rin Ate,” wika ni Thunder na seryoso ang mukha. Nagbaba nang tingin si Rain sa kapatid. Hindi niya pwedeng sabihin ang nangyari kanina dahil siguradong magagalit ito. Si Thunder pa naman ang tipo ng tao na hindi madalas magalit pero kung magagalit man ito, sobrang tindi. Kasing tindi ng kulog at kidlat. ‘Bakit ko ba nakalimutan ito? Dapat natakpan ko man lang ng make-up para hindi niya nahalata,’ sa isip-isip niya pa. Nawala sa isipan niya ang tinamo ng kanyang mukha dahil na rin sa saya na kasama kanina si Brandon. “Umamin ka nga sa akin, sinampal ka nga ba? Sinong may gawa?” sunod-sunod na tanong ni Thunder. Naghihinala na siya. Hindi makatingin si Rain. Alam niyang hindi titigil si Thunder na mag-usisa sa kanya. “Ate-” “Wala lang ito Thunder. Harsh kasi iyong sabong ginamit ko kanina kaya ‘yan ang naging-” “Ate,” madiin nang pagtawag ni Thunder. “Sa tingin mo ba bebenta sa akin ‘yang palusot mo? Magsabi ka na sa akin ng totoo, sinampal ka ba? Sino ang gumawa?” magkasunod na tanong pa nito. Muling napatingin si Rain sa bunsong kapatid. Ngumiti siya ng maliit. “Kumain ka na lang diyan-” “Ate,” mas dumiin ang pagtawag ni Thunder kay Rain. Tinitigan na rin niya ng sobrang seryoso ang ate niya. Humugot naman ng malalim na hininga si Rain. Wala na siyang nagawa kundi ang mag-kwento dahil hinding-hindi talaga siya titigilan ni Thunder sa kakausisa. “At nasaan ‘yang manliligaw mo?” nanggagalaiti na tanong ni Thunder. “Hindi ka man lang naipagtanggol ng manliligaw mo gayong siya ang dahilan kung bakit mo natamo ‘yan?” nagagalit na tanong niya pa. “Thunder, ipinagtanggol naman ako ni Brandon-” “Pero dapat sinaktan niya iyong babae. Dapat sinampal niya rin ng kabilaan gaya ng ginawa sayo,” paghuhurumentado pa ni Thunder na pumutol sa sinasabi ni Rain. “Thunder, babae pa rin iyon kaya hindi niya magagawang saktan iyon,” mahinahong saad ni Rain. “Pero ikaw Ate, dapat lumaban ka. Dapat hindi mo hinayaang saktan ka ng bwisit na ‘yun!” pasinghal na sambit ni Thunder. Naiinis siya talaga sa mga duwag kagaya ng nerd sa school. Naalala na naman niya iyon. Ayaw niya kasi ng may nakikitang sinasaktan ng iba dahil sa takot. Dapat hangga’t kayang lumaban, lumaban. Pati rin itong ate niya, duwag at naiinis siya dahil dun. Natahimik si Rain. Nagbaba siya ng tingin. Humugot naman ng sobrang lalim na hininga si Thunder. Namayani muli ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Hanggang sa bigla na lamang tumayo si Thunder sa kinauupuan nito na ikinagulat naman ni Rain. “Oh, hindi ka pa tapos-” “Nawalan na ako ng gana,” mabilis na salita ni Thunder pasipa na inatras ang upuan at saka kaagad na naglakad at lumabas na ng dining area. Nakasunod naman ang tingin ni Rain sa bunsong kapatid. Napahinga na lang siya ng malalim. --- Patingin-tingin si Thunder sa paligid. May mga napapatiling babae kapag napapadaan na siya sa harapan ng mga ito pero wala siyang pakiealam. Nandito siya ngayon sa eskwelahan ni Rain para makita niya ang babaeng nanakit sa ate niya. Mabuti nga at nakapasok siya rito kahit na high school pa lamang siya. Medyo hindi naman kasi mahigpit ang guard pagdating sa pagpapasok sa loob. Sinisigurado lang ng mga nagbabantay na walang dalang iligal at delikadong bagay ang mga pumapasok sa loob ng eskwelahan. Malaki ang nasabing eskwelahan kaya nahihirapan rin si Thunder na maghanap. Halos mapagod na nga ang mga paa niya sa kakalakad. Hanggang sa naisipan niyang lapitan ang isang estudyanteng lalaki. “Kilala mo ba si Charmaine?” seryosong tanong kaagad ni Thunder sa lalaking nerd. Hanggang sa kolehiyo ba naman may nerd? Inayos muna ng nerd ang salamin niya bago magsalita. “Sinong Charmaine ba ang tinutukoy mo? Si Ayala ba?” tanong nito. Tumango-tango si Thunder. Sinabi rin kasi sa kanya ni Rain ang buong pangalan nito. “Ahhh… sa pagkakaalam ko nasa cafeteria siya ngayon kasama ang-” Hindi pa natatapos sa pagsasalita ang kausap nang umalis na si Thunder sa harap nito at naglakad na papunta sa cafeteria. Napakamot na lang sa batok ang nerd habang nakasunod ang tingin kay Thunder. “Ano iyon? Bastos,” wika pa nito. Hinanap ni Thunder ang nasabing lugar bago nakarating roon. Malaki ang cafeteria at kasalukuyang marami ngayong estudyante sa loob dahil sa tanghali na rin. Muling lumapit si Thunder sa isa sa mga estudyante at nagtanong. “Nasaan si Charmaine Ayala?” pagtatanong niya sa babaeng nilapitan. Nakatulala lang na nakatingin sa kanya ang babae. Tila nananaginip ito ng gising. Napangiwi at napakamot naman sa ulo si Thunder. Umalis na lang siya sa harapan nito. Nagtanong siyang muli. “Uh… ayun, oh!” sagot ng lalaki sabay turo sa kinaroroonan ni Charmaine. Sinundan naman nang tingin ni Thunder ang itinuturo ng lalaking napagtanungan. Nakita niyang sa kinaroroonan nang itinuro ng tinanungan niya ay may dalawang babaeng nakaupo sa isang pandalawahang mesa at masayang nag-uusap. Isa ay hanggang balikat ang buhok habang ang isa naman ay may kahabaan ang buhok. “Sino kaya sa kanila ‘yong babaeng iyon?” tanong ni Thunder sa sarili. Nagsimulang maglakad si Thunder papunta sa kinaroroonan ng dalawang babae. Hindi man lang marunong magpasalamat sa mga tinatanungan niya. “Sino sa inyo si Charmaine Ayala?” malamig na pagtatanong ni Thunder nang makarating at makalapit na siya sa pwesto nang itinuro sa kanya. Tumingin sa kanya ang dalawa. Si Eva ay natulala kay Thunder dahil sa kagwapuhan nito habang si Charmaine naman ay tinaasan siya ng kanang kilay. “Ako siya. Bakit?” mataray na tanong nito. Tiningnan niya si Thunder mula ulo hanggang paa. Hindi niya maitatanggi na gwapo ang binata pero hindi ito ‘yung tipo niya. Tiningnan niya ulit sa mukha si Thunder. “High school ka pa lang. Paano ka nakapasok rito?” tanong pa nito. Napansin niya kasing high school pa lamang si Thunder dahil sa suot nitong uniform. Diretsong tiningnan ni Thunder si Charmaine. Aminado siyang nagandahan rito. Maputi at mukhang anghel pero dahil sa ginawa nito sa ate niya ay wala na siyang pakiealam pa sa itsura nito. Para sa kanya, wala itong kwentang babae. “Magpapakilala muna ako bago kita tanungin, ako si Thunderstorm Dela Merced,” malamig na wika niya. “So?” Nakataas ang kilay na tanong ni Charmaine. “Bakit mo sinampal-sampal ang ate ko kahapon?” seryosong tanong ni Thunder. Nangunot ang noo at nagkasalubong ang magandang kilay ni Charmaine. “What do you mean?” nagtatakang tanong nito. Napaisip siya. Pamaya-maya ay naalala nito ang nangyari kahapon dahilan para magbago ang mood nito. “Ahhh… kapatid ka pala ng ahas na babaeng iyon-” “Huwag na huwag mong sasabihan ng ganyan ang ate ko!” madiin na salita ni Thunder. Tumalim ang tingin niya kay Charmaine. Napangiti naman ng nakakaloko si Charmaine. “Bakit? Totoo naman. Ahas at malandi ang ate mo. Mang-aagaw siya ng lalaki-” “Walang inaagaw sayo ang ate ko,” madiin na singhal ni Thunder kay Charimaine. Ningisihan niya ito. “Bakit? Sayo ba si Brandon para sabihin mong inagaw siya ng ate ko mula sayo? Kayo ba ni Brandon? Boyfriend mo ba siya?” sunod-sunod na tanong ni Thunder na ikinatameme ni Charmaine. Si Eva naman, ayun at titig na titig pa rin sa galit ng si Thunder. Ngumiti nang nakakaloko si Thunder. “Hindi siya sayo. Walang sayo kaya wala kang dapat ikagalit. Hindi ka dapat magalit sa ate ko,” nangingiting sambit niya. “Hindi kayo kaya walang inaagaw sayo ang ate ko. Hindi ka gusto ni Brandon. Ang ate ko ang gusto niya. Kawawa ka naman,” nang-aasar na salita pa ni Thunder na ikinasama naman ng tingin ni Charmaine kay Thunder. “Hoy Kuting!” “Hindi ako kuting! At kung kuting man ako, sisiguraduhin ko sayong kakalmutin kita mula ulo hanggang paa kahit kasing liit pa ako ng hintuturong daliri. Sisiguraduhin kong sisirain ko ang mukha mo,” singhal kaagad ni Thunder habang nakatitig ng ubod ng sama kay Charmaine. “Sa susunod na malaman kong kinanti mo muli ang ate ko, siguraduhin mo lang na hindi ka na magpapakita pa dahil kapag nakita kita, walang pagdadalawang-isip kong babasagin ‘yang mukha mo,” pagbabanta pa niya. Nanlalaki ang mga singkit nitong mga mata. Nilapit niya ang mukha kay Charmaine na bahagyang napaatras naman at bumulong. “Maliwanag? Pasalamat ka at nakakapagpigil pa ako at nasa isip ko pa ring babae ka kaya palalagpasin ko muna ang lahat pero kapag naulit ang ginawa mo, talagang manghihiram ka na ng mukha sa aso… ay sa demonyo na lang. Nakakainsulto naman kasi sa inosenteng aso kung ipapahiram niya ang mukha niya sa walanghiyang katulad mo,” nangingiting litanya pa niya. Naamoy ni Charmaine ang amoy ng caramel coffee sa hininga ni Thunder. Hindi siya nakapagsalita. Hanggang masamang tingin lang ang nagawa niya. Maya-maya ay lumayo na si Thunder mula kay Charmaine at napangisi ito dahil sa nakitang reaksyon mula sa dalaga. Pagkatapos tingnan si Charmaine ay wala nang paa-paalam na umalis ito sa harapan nila. Nakasunod ang tingin ni Eva kay Thunder. “Grabe! Ang gwapo naman ng kapatid ni Rain! My gosh!” malanding saad ni Eva na parang kiti-kiting kinikilig. Bumalik sa sarili si Charmaine. Sinamaan niya nang tingin si Eva. “Tumigil ka ngang malandi ka!” naiinis na singhal nito sa kaibigan. Naiinis siya kay Eva at naiinis rin siya sa sarili dahil parang nadaig siya ni Thunder pagdating sa salitaan. Hindi naman siya pinansin ni Eva. Ngiting-ngiti pa rin siya habang nakasunod ang tingin kay Thunder. Nagngingitngit naman sa galit si Charmaine. “How dare him para pagbantaan ako? Hindi ba niya ako kilala? Ako si Charmaine Ayala at hindi ako basta-basta nagpapadaig sa mga banta. Dapat sila ang manginig sa akin dahil hindi nila alam kung ano ang mga kaya ko pang gawin na siguradong magpapaluha sa kanila ng dugo,” galit na galit na sambit ni Charmaine. Nanigas ang panga niya. Naiinis rin siya sa sarili dahil sa totoo lang, kinabahan siya kay Thunder at sa mga sinabi nito. Pamaya-maya ay napailing-iling na lamang si Charmaine. Tiningnan niya ulit si Eva. “Hoy! Napakalandi mo talagang babae ka!” naiinis na singhal niya kay Eva. Hindi naman pinansin ni Eva ang kaibigan na ngiting-ngiti pa rin. Tila nananaginip pa rin siya ng gising dahil sa kagwapuhan ni Thunder. Sinamaan na lang ulit ito ng tingin ni Charmaine saka mariing napailing-iling. “Kainis! Kainis! Kainis! Kainis!!!” nanggagalaiting singhal ni Charmaine sa hangin. Pinukpok pa niya ng malakas ang mesa gamit ang nakakuyom niyang kanang kamay. “Bwisit na kuting iyon… ay hindi… isa lang siyang bubwit na madaling tirisin para mawala sa mundo,” galit na galit na wika niya pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD