“Brandon, huwag kang mawawala sa victory party natin mamaya,” paalala ni Coach Bryan kay Brandon. Nasa gymnasium ngayon ang lahat ng members ng basketball team ng school nila at kasalukuyang ninanamnam ang pagkapanalo nila kontra sa kabilang team ng ibang school. Lahat ay nagsasaya at gustong magdiwang dahil naitaas nila ang bandera ng kanilang eskwelahan.
“Coach, ‘yun nga sana ang ipapaalam ko sa inyo na hindi ako makakapunta. Kailangan ko kasing sunduin si Rain mula sa trabaho niya,” wika ni Brandon na napapakamot pa ng ulo. Nakapangako kasi siya kay Rain na susunduin niya ito mamaya at ayaw naman niyang baliin iyon.
Bumakas ang pagkadismaya sa mukha ni Coach Bryan. “Brandon naman, hindi ka pwedeng mawala roon. Ikaw ang team captain kaya dapat present ka sa naturang okasyon,” aniya.
“Oo nga naman Brand, Huwag kang KJ diyan,” sulsol na pagsabat naman ni Andrei, ka-teammate niya na nakarinig sa usapan ng mag-coach na magkaharap na nakatayo.
“Pero-”
“Wala ng pero-pero Brandon. Kailangan nandun ka. Saka isa pa, kailangan mo ring magsaya at ipagdiwang ang pagkapanalo natin,” mabilis na salita ni Coach Bryan saka ngumiti siya.
Pinilit ni Brandon ngumiti. Nagbaba rin siya ng tingin pagkatapos saka huminga ng malalim. Napilitan na lang siyang tumango.
“‘Yan! Sasama na sa atin si Brandon,” natutuwang bulalas ni Coach Bryan na ikinatuwa rin ng ibang teammates niya. The more, the merrier, ika nga.
Kinuha na lamang ni Brandon ang phone niya mula sa bulsa ng suot niyang jersey short. Tatawagan niya si Rain para ipaalam na mahuhuli siya nang pagsundo sa kanya ngunit tina-type pa lang niya ang kanyang mensahe ay napatigil naman siya dahil biglang na- empty battery ang phone niya. Bumakas tuloy ang pagkainis sa mukha niya.
“Nalintikan na,” naiinis na bulong ni Brandon.
Tumingin si Brandon sa mga ka-team niya. Nilapitan niya ang isa sa mga ka-teammate niya, si George.
“George, may dala ka bang charger o powerbank diyan? Na-lowbat kasi ako,” panghihiram ni Brandon ng nasabing gadget.
Napailing si George bilang sagot.
“Wala Pare. Baka si Hino meron,” aniya. Napatango na lamang si Brandon.
Nanghiram rin si Brandon kay Hino at sa iba pa niyang mga ka-teammate ngunit wala ring dalang charger o powerbank ang mga ito. ‘Yung iba naman ay may dala ngunit kung hindi compatible sa phone niya ay empty battery naman ang powerbank.
“Paano na ito? Tsk!” inis na sabi ni Brandon sa sarili. Nag-isip siya hanggang sa may maisip siya.
“Pahiram na lang ako ng phone mo,” panghihiram ni Brandon ng phone sa binalikang si Hino.
Napangiti naman si Hino. Kinuha niya ang kanyang phone saka ibinigay kay Brandon.
“Naka-unlock na ‘yan,” wika ni Hino.
Ngumiti naman si Brandon saka tumango. “Salamat,” aniya.
---
Patingin-tingin si Rain sa phone niya at nagbabakasakaling nag-text na si Brandon kaso wala pa rin. Kanina pa tapos ang trabaho niya sa fast food at kasalukuyang nakatayo siya sa labas at kanina pa naghihintay sa pagdating ni Brandon na walang paramdam sa kanya hanggang ngayon.
“Ano na kayang nangyari doon? Bakit wala pa siya?” pagtatanong ni Rain sa hangin. Tumingin siya sa suot niyang wrist watch. Mag-aalas-nuwebe na. Gabi na ito para sa kanya dahil kanina pang alas-syete natapos ang trabaho niya at nag-overtime lang din siya ng isang oras.
Maya-maya ay tinawagan ni Rain ang phone ni Brandon kaso nadismaya siya dahil out of coverage ito. Kanina pa out of coverage ang phone ng nobyo kaya naman hindi niya mapigilang mag-alala. Ayaw rin naman niya na umalis at umuwi na kaagad kasi baka bigla namang dumating si Brandon.
Napahinga ng malalim si Rain. Tumingala siya ng tingin sa langit. Bumakas ang pag-aalala sa mukha niya.
“Mukhang uulan pa yata,” mahinang sambit ni Rain. Naririnig niya ang panaka-nakang pagkulog at pagkidlat. Medyo namumula rin ang langit ngayong gabi. “Wala pa naman akong dalang payong,” saad niya pa.
Muli na lamang huminga ng malalim si Rain.
---
“Bilisan mo mag-charge,” pakiusap ni Brandon sa kanyang phone na ngayon ay nakapatong sa mesa at naka-charge. Nandito siya ngayon sa loob ng VIP room ng isang bar kasama ang mga ka-teammate niya at kasalukuyang nagkakainuman at nagkakasayahan na. Mabuti na nga lamang at nakahiram siya ng charger rito sa bar kaso nga lang, drain na drain naman ang phone niya kaya ayaw nitong magbukas kahit na nakacharge na. Hindi siya nakapag-text kay Rain gamit ang number ni Hino dahil wala pala itong load. Manghihiram pa sana siya sa iba ng phone pero naging abala at nagmamadali naman ang mga ito sa paghahanda sa pagpunta dito sa bar kaya hindi na siya nakahiram pa.
“Oy Brandon! Inom ka muna!” sigaw ni Andrei sabay abot kay Brandon ng isang baso ng alak. “I-bottoms-up mo, ah!” aniya pa saka tumawa.
Napailing-iling si Brandon. “Hindi na-”
“Ang KJ naman ni Team Captain!” wika kaagad ni Andrei para hindi na tuluyang makatanggi si Brandon. “Sige na, inom ka na!” malakas na alok pa niya. Halata na ang kalasingan sa kanya dahil sa namumula na ito kahit na kaninang alas-syete pa lang naman sila nagsimula. Mahina ang alcohol tolerance ng binata.
Maliit na napangiti na lamang si Brandon saka kinuha ang inaabot ni Andrei at kaagad na ininom iyon. Pagkabalik niya ng baso kay Andrei ay kaagad niya muling tiningnan ang phone niya.
“Naks! Ubos na ubos!” tuwang-tuwa na sambit ni Andrei na tinitingnan pa ang hawak na baso na ininuman ni Brandon.
“Galing talaga ni Team Captain!” sigaw naman ng isa pa.
Hindi naman sila pinansin ni Brandon na nakatitig lang muli sa phone niya.
---
Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako naghihintay rito.
Susunduin mo pa ba ako?
Mag-text ka naman sa akin. Sobrang nag-aalala na ako sayo.
Sunod-sunod na text ni Rain kay Brandon. Napabuga siya ng hininga. Naghihintay rin siya ng reply mula rito pero wala pa rin.
“Brandon naman. Ang sakit na ng mga binti at paa ko kakatayo rito,” reklamong litanya ni Rain. Pinapadyak-padyak pa nito ang mga paa para mawala kahit papaano ang ngalay. “Saka mukhang malapit ng bumuhos ang ulan,” aniya pa.
Napatingin muli si Rain sa suot niyang wrist watch. Mag-aalas-diyes na ng gabi.
Ilang sandali pa ay muling tinawagan ni Rain si Brandon.
“Sagutin mo na please,” umaasang sambit niya.
Pero kagaya ng mga naunang tawag ni Rain, out of coverage ang naging sagot sa kanya sa kabilang linya.
Muling napabuga ng hininga si Rain. Wala na siyang magagawa kundi ang umuwi mag-isa dahil gabing-gabi na at isa pa, baka abutin na siya ng malakas na ulan sa daan kung hindi pa siya uuwi ng bahay.
---
“Gabi na. Bakit kaya wala pa si Ate?” pagtatanong ni Thunder. Patingin-tingin ito sa orasan na nakasabit sa pader ng bahay nila. Nakita niyang mag-aalas-diyes na. “Dapat umuwi na siya. Mukhang uulan pa naman.” Naririnig ni Thunder ang panaka-nakang pagkulog at kidlat sa labas.
Naupo si Thunder sa sofa. Gusto sana niya na sunduin na ang ate niya kaso naisip niya na susunduin nga pala ito ni Brandon.
Huminga na lamang ng malalim si Thunder. Maghihintay na lamang siya sa pagdating ng ate niya.
---
“Yes!” biglang sigaw ng malakas ni Brandon nang makita niyang nagbukas na ang phone niya. Hinintay niya na tuluyan itong magbukas. Naka-charge pa rin ang phone niya. Tuwang-tuwa siya dahil makakapag-text na siya kay Rain.
Nang tuluyan nang bumukas ang phone ni Brandon ay sunod-sunod na pagtunog ng ringing tone niya. Nakatingin lamang ang dahan-dahan na nanlalaki niyang mga mata sa screen nito dahil wala pa ring tigil ang pagtunog. Nakita niya mula sa screen ang fifty missed calls at halos sixty text message at galing lamang iyong lahat kay Rain.
Nang matapos na ang pagtunog nito ay mabilis nang kinuha ni Brandon ang phone niya at nagpipindot na roon. Tiningnan niya ang missed calls at binasa ang mga text message.
Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako naghihintay rito.
Susunduin mo pa ba ako?
Mag-text ka naman sa akin. Sobra na akong nag-aalala sayo.
Umalis na ako. Ang tagal mo kasing dumating.
Magkita na lamang tayo bukas.
Nasaan ka na ba?
B-babe… parang may sumusunod sa akin.
Tatlong lalaki sila.
M-mukha silang mga goons.
B-babe… natatakot na ako.
Binibilisan ko na ang paglakad ko kaso mukhang bumibilis rin ang lakad nila. Sinusundan nga yata talaga nila ako.
B-babe… please puntahan mo na ako.
Kinakabahan na talaga ako sa kanila.
Tumakbo na ako. My god! Tumakbo rin sila.
At marami pang text ang nabasa niya.
Mabilis na napatayo si Brandon sa kinauupuan niya. Nanlalaki ang mga mata niya. Hinugot niya ang kanyang phone mula sa pagkaka-charge saka kaagad na nilapitan ang coach niya.
“Coach, kailangan ko na talagang umalis,” nababalisa at kinakabahang pagpapaalam ni Brandon.
“Pero Brandon-”
Hindi na pinakinggan ni Brandon ang iba pang sinasabi ng kanyang coach dahil mabilis na itong tumalikod at kaagad na itong umalis saka lumabas ng VIP roon. Nagmamadaling lumabas sa bar na iyon.
Tinatawagan ni Brandon si Rain habang naglalakad papunta sa parking lot dahil nakaparada roon ang kotse niya kaso out of coverage na ang phone nito.
“R-Rain… ano ba? Sagutin mo ang tawag ko,” puno ng kaba na wika ni Brandon. Muli niyang tinawagan si Rain ngunit hindi pa rin ito sumagot sa kanya.
Pagkarating sa kotse niya ay kaagad na siyang sumakay roon at pagkaandar ng makina ay pinaharurot na niya iyon palabas.
Patingin-tingin si Brandon sa paligid at nagbabakasakaling makita niya si Rain na naglalakad sa daan. Kinakabahan siya at may kung anong takot siyang nararamdaman dahil sa mga naging text nito sa kanya.
“Sana naman ligtas lang siya,” nanginginig na hiling ni Brandon. Patungo siya ngayon sa workplace ni Rain para magtanong-tanong na rin doon.
Muling tinawagan ni Brandon si Rain ngunit pa rin nito sinagot ang tawag niya kaya mas lalo siyang kinakabahan.
Maya-maya ay naisipan ni Brandon na tumawag na ng pulis para ipahanap si Rain dahil kung siya lang, baka mahuli siya ng dating dahil hindi niya rin alam kung nasaan na ito ngayon.
---
“Huwag ka nang mahiya sa amin Miss! Titikman ka lang naman namin,” nangingiting sambit ng isa sa tatlong lalaki na ngayon ay humahawak na kay Rain. Nasa isang makipot na iskinita sila ngayon kung saan dito nila dinala si Rain na balot na ngayon ng kaba at takot.
Lumakas ang kulog at kidlat sa langit. Mas lalo ring namula ang kalangitan at nagbabadya na ang pagbuhos ng malakas na ulan.
“P-Please, pakawalan niyo na ako. Huwag niyo po akong sasaktan,” mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Rain. Pawang mga kasing-edad niya ang mga lalaking nakapaligid sa kanya ngayon pero mukhang mga goons dahil itim na itim ang mga suot nito dagdagan pa na sobrang angas ng mga mukha nito na tila hindi gagawa ng mabuti sa kapwa.
Natawa naman ang lalaki. “Miss naman, hindi ka namin pwedeng pakawalan hangga’t hindi ka namin natitikman,” natatakam na sabi ng isa pa sa mga lalaki sabay haplos sa makinis na braso ni Rain na kaagad namang umiwas. Nandidiri siya sa mga ito.
Nainis bigla ang lalaki sa ginawa ni Rain kaya naman bigla niyang mahigpit na sinabunutan ang buhok nito dahilan para mamilipit sa sakit si Rain dahil halos matuklap ang anit niya sa tindi nang paghila nito sa buhok niya. Tuluyang napaiyak siya sa sakit.
“Pakipot ka pang tarantada ka!” malakas na sigaw nito.
Mahigpit na hinawakan pa si Rain ng isang lalaki kaya ngayon, dalawa na ang nakahawak sa magkabilang braso niya.
“P-please po! Maawa na kayo! Pakawalan… aaahhh!” napadaing lalo sa sakit si Rain nang bigla siyang malakas na suntukin ng lalaki sa tiyan niya. Halos mapayuko siya sa sakit at hindi na niya napigilang mapahagulgol.
“Ang arte mo!” pasigaw na singhal ng lalaki kay Rain. “Hubaran niyo na ‘yan!” sigaw na utos pa ng lalaki.
Kaagad na sumunod ang dalawa sa sinabi ng isa. Mabilis na hinubaran ng damit si Rain. Halos punitin nga ng mga ito ang damit na suot-suot niya.
“H-huwag please… huwaggg!!!” Pagpupumiglas ni Rain pero isang suntok muli ang natanggap niya, this time sa mukha na halos ikatabingi niya.
“Pumayag ka na lang kung ayaw mong mamatay!” malakas na sigaw ng lalaki.
Tuluyan nang nahubaran si Rain at tanging mga underwear na lang ang suot nito.
Sabay-sabay na napadila sa labi ang tatlo sa nakitang kasexy-han at kaputian ng balat ni Rain.
“Sexy!”
“Ang sarap!”
“Lintik! Ang laki ng boobs!”
“Halatang virgin pa!”
Mas lalong napahagulgol si Rain. Kitang-kita na ngayon ng mga lalaki ang kanyang buong katawan. Kahit anong takip ng mga kamay niya sa katawan niya ay wala iyong nagawa dahil nakikita pa rin ng mga ito iyon at pinagnanasahan.
Muling hinawakan nang mahigpit ng dalawang lalaki ang magkabilang braso ni Rain. Nagpupumiglas lalo si Rain kaso walang binatbat ang lakas niya sa lakas ng mga ito.
Lumapit ang mistulang leader ng tatlong lalaki kay Rain. Hinaplos ng likurang palad nito ang pisngi ng mukha niya. Pilit na iniwas ni Rain ang mukha niya rito.
“Ganda mo talaga,” nag-iinit na bulong nito.
Nagulat na lamang si Rain na dahilan para manlaki ang mga mata nito nang biglang hablutin ng lalaki ang suot pa niyang bra.
“Huuwaaaggg!!!” Malakas na sigaw ni Rain. Sisigaw pa sana siya ng muli siyang suntukin nang malakas sa tiyan dahilan para mamilipit muli siya sa sakit.
Sinalo ng mga kamay ng lalaki ang malulusog na s*so ni Rain at nilapirot ang mga iyon. Wala naman ng nagawa si Rain kundi ang pumalahaw na lamang sa pag-iyak habang binababoy na ang katawan niya ng mga lalaking ito. Wala naman na siyang magagawa. Babae siya, mahina at hindi rin niya kaya ang tatlo dahil sa malalakas ang mga ito.
At sa gabing iyon, hindi lamang bugbog ang inabot ni Rain sa mga lalaki dahil sa pilit pa rin siyang tumatanggi at pumipiglas sa mga ito kundi pati na rin ang pagkawala nang lahat sa kanya. Tuluyan siyang binaboy ng mga walang kaluluwang lalaki. Salit-salitan siyang ginamit at walang awang pinagsamantalahan. Tanging paghagulgol at pagdaing na lamang ang kanyang nagawa.
---
“Nandyan na ba sa bahay ang ate mo?” pagtatanong ni Brandon sa katawagan niya ngayon na si Thunder. Nasa contact rin naman kasi niya ang number nito dahil inilagay ni Rain sa phone niya. Nakaparada ang kotse niya sa harapan ng workplace ni Rain. Nagtanong-tanong na siya ngunit walang naibigay na konkretong sagot sa kanya ang mga katrabaho ni Rain.
“Wala pa. Magkasama kayo, ‘di ba?” balik-tanong naman ni Thunder.
Hindi nakasagot si Brandon. Mas lalo siyang kinabahan. Wala pa sa bahay si Rain.
“Hindi mo ba siya kasama? Hindi mo ba siya nasundo?” seryosong tanong ni Thunder mula sa kabilang linya.
Hindi muli nakasagot si Brandon.
“Magsalita ka,” madiin nang sabi ni Thunder.
“Sorry-”
“Put*ng ina mo Brandon! Kapag may nangyaring masama sa ate ko sasamaain ka sa akin!” malakas nang sigaw ni Thunder sa kabilang linya. “Ipanalangin mo lang na walang mangyari sa kanya dahil kung hindi, papatayin kita!” mariing pagbabanta niya pa saka kaagad na in-end ang call.
Dahan-dahang naibaba ni Brandon ang braso niya na may hawak na phone. Naluluha na ang mga mata niya.
“Babe, nasaan ka na ba?” mahinang tanong ni Brandon.
---
“P*tang ina! P*tang ina! P*tang ina!” paulit-ulit na pagmumura ng malakas ni Thunder habang mabilis na naglalakad sa gilid ng daan. Patingin-tingin siya sa paligid at nagbabakasakaling makita ang ate niya.
“P*tang ina ka Brandon! Kapag talagang may nangyari sa ate ko malilintikan ka sa akin!” galit na galit na sigaw pa ni Thunder. Ipinagkatiwala niya ang ate niya kay Brandon kaya talagang malilintikan ito sa kanya kapag may nangyaring hindi maganda sa ate niya.
Lakad-takbo na si Thunder at tumingin-tingin sa paligid. Kung saan-saang eskinita at daan na rin siya lumusot.
---
Lupaypay na ang hubad na katawan ni Rain na nakahiga sa sementadong daan. Tulala ito at tila nawala na sa sarili dahil sa naranasang pangbababoy sa kanya ng tatlong lalaki. Nakakaawa ang itsura niya dahil parang ginahasa ito ng isang daang beses.
Puno ng pasa at sugat ang buong katawan niya, lalo na ang kanyang magandang mukha. Namamaga at dumudugo ang labi dahil paulit-ulit na pwersahang hinalikan ng tatlo ang labi niyang nagkandasugat-sugat. Malayong-malayo sa itsura nito kanina bago pumasok sa school at sa trabaho.
Humahalakhak naman na parang demonyo na nakatingin sa kanya ang tatlong lalaking tila nawalan na ng kaluluwa.
“Ang sarap talagang magparaos kapag magandang babae ang nagagamit,” natutuwang sambit ng lalaki. Kasalukuyang isinasara nito ang zipper ng suot na pantalon.
Sumang-ayon naman sa kanya ang dalawang kasama sabay halakhak pa ulit ng malakas.
Pamaya-maya ay inabot ng leader nila ang isang baril sa kasama niya.
“Sige na at tapusin mo na ‘yan dahil baka makapagsalita pa at maituro pa tayo,” seryosong utos na nito.
Napatango naman ang lalaking inaabutan ng baril. Kinuha nito ang baril at tinututok iyon kay Rain na mabilis na napatingin ang mga namumugtong mga mata sa kanila. Mugto na sa iyak ang mga mata niyang hindi na niya maidilat ng mabuti at kakikitaan ng pagmamakaawa.
“P-please… h-huwag niyo akong patayin,” nanghihinang pagmamakaawa ni Rain. Bigla niyang naalala si Thunder. Ang kanyang kapatid. Paano na ito kung mawawala siya? Paano na ang buhay nito kung mag-iisa na lamang ito?
Napangisi lang sa kanya ang lalaki. Kinasa nito ang baril at mas lalong tinutok kay Rain.
“P-please parang awa-”
Baaannnggg!!!
Iyon ang huling naging mga salita ni Rain bago siya barilin… sa ulo. Huling nakita ng mga mata niya ang namumulang langit at ang nagliliwanag na buwan bago ito dahan-dahang pumikit.
---
Napatigil sa paglalakad si Thunder kasabay nang pagtigil ng kanyang mundo nang marinig niya ang malakas na putok ng baril na iyon. Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang nakaramdam ng sobrang kaba dahil sa narinig niya. Ayaw man niyang mag-isip ng masama ngunit hindi niya mapigilan.
Mabilis na muling naglakad si Thunder at sinundan ang daan kung saan niya narinig ang putok na iyon ng baril. Kung saan-saan siya napunta at lumusot na daan.
Hanggang sa…
“Ateee!!!” malakas na sigaw ni Thunder. Nangilid sa luha ang mga mata niya.
Nakatayo na siya ngayon sa unahan ng makipot at may kadiliman na eskinita. Sa tulong ng liwanag ng buwan ay nakita niya ang kanyang ate na nakahandusay sa may daan.
Kumaripas siya ng takbo para lumapit at mas nanlumo siya sa nakita. Nagsimulang tumulo lalo ang kanyang mga luha.
“P*tang inaaa!!! Ateee!!!” malakas na hiyaw ni Thunder na kaagad na napaluhod sa lupa at niyakap ang wala ng buhay na duguang hubad na katawan ng kanyang ate.
“Ateee!!!” malakas na sigaw pa nito. Humagulgol siya. “Ate! Gumising ka! Hindi mo ako pwedeng iwan! Huwag namang pati ikaw ay iiwan ako! Please Ate!!! Ate!!!” nagsisisigaw pa siya habang niyuyugyug niya pa ito. Tiningnan niya kung may pulso pa ang ate niya at nilapit niya ang tenga niya sa namamaga nitong bibig ngunit wala na siyang naramdaman at narinig.
Napatingala si Thunder. Tumingin siya sa itaas.
“P*tang ina mooo!!! Bakit mo ito hinayaang mangyari sa ate kooo?!!! Bakit?!!! Bakit?!!! T*ng ina mooo!!! Wala kang awa!!! Walanghiya kaaa!!!”
Hindi napigilang mamura ni Thunder ang nasa Itaas. Sino ba naman kasing hindi magagalit kung makikita niya ang kalunos-lunos na sinapit ng taong pinakamamahal niya? Ang babaeng bukod sa kanyang ina ay ubod niyang minamahal. Hindi na niya naisip na Diyos ang minumura niya dahil sa sobrang galit.
Sunod-sunod na ang pagkulog at pagkidlat ng malakas. Ilang sandali pa ay bumuhos ang malakas na ulan na bumasa sa lahat ng kalsada at sa mga taong walang dalang payong.
Napahagulgol lalo si Thunder na walang pakiealam kung nababasa na ng ulan. Ngayon lamang siya muling umiyak. Last na iyak niya ay ng namatay ang mga magulang niya at ngayon, umiiyak na naman siya at mas matindi ang pag-iyak niya ngayon.
“Ate.” Sobrang bigat sa dibdib na tanggapin para kay Thunder ang sinapit ng ate niya. Umiling-iling siya ng mariin. Hinaplos niya ang mukha nito na nababasa na rin ng ulan. Hinalikan niya ang mga mata nito.
‘Kung sana sinundo ko na lamang siya kaagad. Kung sana hindi ko ipinagkatiwala sa p*tang inang Brandon na ‘yan ang ate ko… edi sana walang mangyayaring hindi maganda kanya.’ Hindi mapigilan ni Thunder na sisihin rin ang kanyang sarili dahil sa nagpabaya siya at nagtiwala sa ibang tao para sa kaligtasan ng ate niya.
Lumipas pa ang hindi nabilang na minuto ay naisipan ni Thunder na kunin ang kanyang phone na nasa bulsa. Nanginginig ang mga kamay niya dahil sa galit habang hawak ang phone na nababasa na rin ng ulan. Tumawag siya ng mga pulis at tumawag rin siya sa ospital.
---
“Ano? Natapos niyo na ba ang pinapagawa ko?”
“Opo Ma’am. Tapos na. Wala na siya sa landas niyo,” napapangiting sabi ng leader na nakatayo sa harapan niya.
“Good. Mabuti naman at nawala na rin ang ahas at tinik na ‘yan sa buhay ko at sa buhay na rin ni Brandon,” nangingiting wika niya. “At dahil diyan, malaki ang makukuha niyong pera at may kasama pang bonus mula sa akin.”
“Salamat Ma’am,” pasasalamat ng lalaki na tuwang-tuwa lalo na nang abutan na sila ng maleta na kung saan, naglalaman ng maraming pera. Kaagad na tiningnan iyon ng tatlong lalaking inutusan niya.
Napapangiti naman si Charmaine na masayang-masaya ngayon. Mission accomplished kasi ang pinagawa niya.
“Sabi ko naman kasi sayo Rain, hindi mo pa ako kilala at hindi mo alam ang mga kaya kong gawin. Kaya ngayon, naranasan mo ang impyerno bago ka tuluyang mawala at mapunta sa totoong impyerno. Wala ka ng ahas ka at malaya na kami ngayon ni Brandon na magmahalan. Bwahahaha!!!” tuwang-tuwa na litanya ni Charmaine sabay halakhak nang malakas.
Pamaya-maya ay tumigil sa pagtawa si Charmaine. Tiningnan niya isa-isa ang mga lalaking inutusan niyang gawin ang plano niya kay Rain.
“Magpakalayo-layo na kayo at huwag nang magpapakita sa akin. Kung kailangang pumunta kayo ng Mars, gawin niyo. Walang pwedeng makakita sa inyo at makaalam sa ginawa niyo at lalo na ang may makaalam na inutusan ko kayo. Maliwanag ba?” madiin na litanya ni Charmaine. “Gusto ko, walang baho na aalingasaw, okay?” tanong niya.
“Areglado, Ma’am!” sagot ng leader.
Hinalukikip naman ni Charmaine ang mga braso niya. Ngumiti nang matamis. Ang tatlong lalaki naman ay muling binuksan ang maleta na punong-puno ng pera. Tuwang-tuwa ang mga ito.
Nakatingin naman si Charmaine sa tatlo. ‘Mga walang kwentang patay-gutom!’ sa isip-isip niya. Napaismid na lang siya saka umirap.