"Oo, siya si Eunice Casson. Siya ang in-assigned nila na maging nanny ng anak natin," pagpapakila ni Johan kay Eunice sa kanyang asawa.
Pinakatitigan mabuti ni Chestine si Eunice sabay naningkit bigla ang kanyang mga mata nang mapagtanto niya na halos magkasing edad lang pala sila ng magiging nanny ng kanyang anak kaya nagtataka niyang binalingan si Johan.
"Johan, ang akala ko kasing edad lang ni Mama ang kukunin mo. Hindi mo naman nabanggit sa 'kin na around age lang pala natin," sarkastikong puna ni Chestine.
Napansin din ni Chestine magandang mukha ni Eunice at ang makurba nitong katawan suot ang hapit na dress. Hindi maiwasan mainis ni Chestine dahil sa uri ng pananamit nito. Dahil hindi akma ang suot niya sa lugar na kanyang pinuntahan at higit sa lahat, hindi akma para sa mga mata ng asawa niya dahil kahit siya mismong babae ay alam niyang nakakaakit talaga ang suot nito.
"Love, hindi ko nga rin alam. Ang sabi niya ay nagkamali lang daw ang agency niya about her age," paliwanag ni Johan dahil alam niya kung anong natakbo sa isip ni Chestine sa mga oras na 'to.
Kilala niya ang asawa na mabilis ma-insecure sa mga babaeng nakikita niya kahit na alam niya naman na mas maganda siya kumpara sa kanila kaya sunud-sunod na lang ang naging pagtikhim ni Johan.
"Aware ka naman na pagiging nanny ng anak namin ang magiging trabaho mo rito sa bahay, pero bakit gan'yan ang suot mo? Wala ka bang disenteng damit?" pamumuna ni Chestine kay Eunice nang muli niya itong balingan na bigla nitong ikinapula dahil sa labis na hiya.
"Ches! You're too harsh!" sita ni Johan ngunit hindi pa rin nagpatinag si Chestine.
"Johan look, we offered a decent job bilang tagapag-alaga ng bata tapos pupunta siya rito na nakasuot ng gan'yan klase ng damit? Kahit naman siguro sino ganito rin ang iisipin. Baby sitter ang kailangan ng anak ko, hindi dancer ng club," diretsuhang paghahayag ni Chestine.
Napahawak na lang ng magkabilang sentido si Johan sumakit bigla ang ulo niya matapos nilang marinig ang sinabi ng kanyang asawa. Hindi naman maipinta ang mukha ni Eunice sabay napatungo na lang. Alam niyang may punto si Chestine sa sinabi nito tungkol sa kanyang pananamit.
"Sige po Ma'am, hindi na po ako tutuloy hanap na lang po kayo ng iba na magiging nanny ng anak niyo. Pasensya na po kayo sa paraan ng pananamit ko kung hindi man kaaya-aya sa paningin ninyo, sadyang ganito lang po ako manamit," sabi ni Eunice sabay kuha niya na ng kanyang bag at folder.
Bigla naman nakaramdaman ng awa Johan para kay Eunice at akmang pipigilan niya ito nang maunahan siya ni Chestine.
"Wait," pigil ni Chestine kay Eunice nang tatalikod na sana ito para tumungo sa pinto.
"Bakit po Ma'am? May gusto pa po ba kayong sabihin?" tanong ni Eunice nang muli siyang bumaling kay Chestine at Johan.
Huminga muna ng malalim si Chestine bago muling magsalita. Alam niya sa sarili niya na mali siya dahil nauunahan siya palagi ng ugali niyang mapanghusga at susubukan niya nang baguhin ang negatibo niyang pag-iisip simula ngayong oras na 'to.
"Don't go, you can stay here and be the nanny of our son. I'm sorry sa mga nasabi ko sa 'yo kanina, I didn't mean it," hindi inaasahang paghinging paunmanhin ni Chestine kay Eunice na ikinagulat ni Johan.
Hindi makapaniwalang napatitig si Johan sa mukha ng kanyang asawa at unti-unti sumilay ang ngiti sa mukha niya nang mag-sync in na sa isip niya ang sinabi ni Chestine. Ngayon lang ito tumanggap ng kanyang pagkakamali sa harap ng ibang tao.
"This is new... " wala sa loob na sabi ni Johan pero hindi na lang pinansin ni Chestine ang sinabi ng kanyang asawa.
Ayaw na sanang tanggapin ni Eunice ang trabaho dahil inaamin niyang nasaktan talaga siya sa mga sinabi ni Chestine sa kanya. Pero nang magtama ang mga nila ni Johan ay bigla siyang nabuhayan ng loob sa hindi malamang dahilan kaya kaagad na umaliwas ang mukha niya sabay nakangiti niya nang binalingan si Chestine na matiyagang naghihintay ng kanyang sagot.
"Wala na po sa akin 'yon Ma'am, kalimutan na lang po natin ang nangyari," sagot ni Eunice habang nakangiti pa rin na parang walang nangyari.
"Good, it's up to you kung kailan mo gusto magumpisa," sabi ni Chestine gamit ang malumanay niya nang boses.
"Ayos lang po sa 'kin kahit bukas na bukas din ay magumpisa na po ako, " masayang sabi ni Eunice habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Chestine.
Tahimik lang na nakikinig si Johan sa kanilang naging usapan. Masaya siya hindi dahil pinigilan niya si Eunice kundi dahil alam niyang sinisikap ng asawa niyang baguhin ang kinaugalian niya.
"Bring all your things tomorrow dahil stay in nanny ka," paglilinaw ni Chestine kay Eunice.
"Opo, nakalagay naman po sa pinirmahan kong kontrata na stay in po talaga ako," segunda ni Eunice.
"So, everything is now settled. Ms. Cassano you can go home and come back tomorrow," sabi ni Johan kay Eunice at banayad niya itong nginitian.
"Sige po, alis na po ako. Marami pong salamat sa tiwalang ibinigay niyo sa 'kin," pasalamat ni Eunice bago siya naglakad palabas at tuluyan na ngang nawala sa paningin nila.
Naiwan silang mag-asawa sa living room habang si Chestine ay nanatili pa ring tahimik na parang kay lalim ng iniisip.
"What's wrong, love?" kunot ang noong tanong ni Johan kay Chestine dahil agaw pansin ang pagiging tahimik nito.
"Tama ba ang ginawa ko? Bakit pakiramdam ko bandang huli ay pagsisisihan kong siya pa rin ang kinuha nating nanny?" nagaalangang pag-amin ni Chestine sa asawa habang kagat-kagat niya ang hinlalaking daliri.
"Ayan ka na naman sa pag-o-over think. Ang akala ko ba ay ayos na kanina?" dismayadong sagot ni Johan habang nakatingin sa asawa niyang hindi mapakali.
"Kung 'yan naman pala ang natakbo sa isipan mo, bakit mo pa siya pinigilan umalis kanina? Sana hinayaan mo na lang siyang mag-back out," angil ni Johan sabay napailing.
"Can I call her? And tell her not to come back to—" hindi na naituloy ni Chestine ang sanang sasabihin niya nang magsalita ulit si Johan.
"That's very unprofessional! Hindi gan'yan ang pagkakakilala ko sa 'yo na magpapaasa ka ng tao dahil lang d'yan sa pagiging delusional mo!" pagalit ni Johan kay Chestine.
"Bakit mo ba ako sinisigawan?? You can talk to me in a low tone but here you are, akala mo naman related ka doon sa tao!" bulyaw rin ni Chestine sa asawa.
Biglang natahimik si Johan sa sinabi ni Chestine at napagtanto niya ang sinabi nito. Bakit nga ba siya nagiging over reacted? Tila lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at kinuha niya ang isang kamay ng asawa sabay pinisil ito.
"I'm sorry love, alam mong pagdating talaga sa mga empleyado ay malambot ang puso ko. Hindi ako kagaya ng ibang employer d'yan na walang pakialam sa nasasakupan nila. Kilala mo 'kong ganito," pagaalo ni Johan sa asawa.
"Kilala nga kitang gan'yan, pero nakakapagtaka lang na ganu'n kabilis mag-switch ng emotions mo dahil lang sa babaeng 'yon," naniningkit ang mga matang sabi ni Chestine.
"Ito na naman ba tayo Ches? Pati pa ba 'yon pag-se-selosan mo? Oh come on! Ikaw ang nagbibigay ibig sabihin sa lahat ng bagay kahit wala naman kahulugan," asik ni Johan.
Napakagat labi na lang si Chestine dahil sa frustrations na nararamdaman. Lumalabas pa rin talaga ang likas n'yang ugali kahit anong pagpipigil niya.
"You know what love, sana nagpakatotoo ka na lang kanina kung ayaw mo talaga. Kita sa 'yo na nakonsensya ka lang kaya pinigilan mo siyang mag-back out. Tapos ngayon gusto mo siyang tawagan para sabihin na nagbago ang isip mo? Hindi magandang paguugali 'yan," panguusig pa ni Johan at napahawak sa batok.
"Fine, hindi na," pagsuko ni Chestine pero walang emosyong mababakas sa kanyang mukha.
Ayaw na lang ni Chestine na humaba pa ang pagtatalo nila dahil lang sa nanny ni Jonas. Tutal ay kasalanan niya naman talaga.
"Sa susunod pagisipan mo muna mabuti bago ka magdesisyon ng isang bagay," pangaral ni Johan sa asawa.
Dumako ang tingin ni Chestine sa kanyang cellphone nang mag-ring ito mula sa bulsa niya. Kinuha niya ito at tinignan muna kung sino ang nasa caller ID ngunit nagtaka siya nang mabasa ang pangalan ni Kayden, ang nakababatang kapatid ni Johan kaya agad niya ring sinagot.
"Yes, Kayden? Napatawag ka?" bungad ni Chestine kay Kayden sa kabilang linya at nagtatanong na tiningnan ni Johan si Chestine.
Kahit siya nagtataka rin bakit tumawag ang kapatid niya kay Chestine, alam nilang hindi ito tatawag kung walang kailangan.
"What? Gusto mo magbakasyon dito sa bahay ng isang buwan? Sigurado ka ba d'yan? Baka naman dito ka pa hanapin ng mga girlfriends mo," tanong ni Chestine kay Kayden na may kasamang biro.
"Ano?! Magbabakasyon si Kayden dito??" gulat na tanong ni Johan kay Chestine ngunit sinenyasan lamang siya nito na tumahimik na muna.
"Osige, sige. Kayo na lang ng kuya mo ang magusap mamaya ng personal about your reason for staying here," sabi ni Chestine sabay ibinababa niya na ang tawag at humarap kay Johan.
"Bakit ikaw ang unang tinawagan ni Kayden instead of me?" tanong ni Johan na may himig ng pagtatampo.
"I don't know, ang sabi niya hindi ka raw sumasagot sa tawag niya kanina pa," sagot ni Chestine sa asawa. Naalala ni Johan na nasa kwarto nga pala nila ang cellphone niya.
"Anong pang sabi niya?" tanong ulit ni Johan.
"He wants to stay here for a vacation dahil gusto niya raw kayong makasama ni Jonas. Pero hula ko talaga gusto niya lang takasan ang mga babae niya." Naiiling na sabi ni Chestine.
Kilala niya ang kapatid ng kanyang asawa na nuknukan ng babaero kaya nagpapasalamat talaga si Chestine dahil hindi gano'n si Johan.