Kinabukasan ay kasalukuyang naghahanda si Chestine ng breakfast nang biglang tumunog ang door bell. Wala si Yaya Fei dahil inutusan niya itong mamalengke at si Johan pumasok na sa office kaya naman dalawa lang silang naiwan ni Jonas sa bahay.
Tinanggal na muna ni Chestine ang suot niyang apron at saka siya naglakad patungo sa labas ng gate para tingnan kung sinong nag-do-door bell.
Pagbukas na pagbukas niya ng gate ay biglang umaliwas ang mukha niya nang bumungad sa kanya ang brother in law niyang si Kayden.
"Kayden! Ang akala namin next week ka pa darating?" gulat na tanong ni Chestine sabay kaswal niya itong niyakap. Gumanti rin ito ng yakap sa kanya at agad din naman humiwalay.
"Hindi na kasi ako makapaghintay na makita ang gwapong-gwapo kong pamangkin. Ang tagal na kasi nung huli ko siyang nakita baby pa siya that time," magiliw na sagot ni Kayden na bahagyang ikinahagikgik ni Chestine.
"Sandali lang, lalawakan ko ang bukas ng gate para makapag-park ka sa garahe ng kuya mo," sabi ni Chestine at tumungo sa trangkahan para buksan pa ang mas malaki pang gate.
"Let me help you ate Ches," alok ni Kayden at siya na ang nagbukas ng malaking gate para hindi ito mahirapan.
Nang tuluyan nang nakabukas ay tumungo si Kayden sa kanyang sasakyan at pumasok sa driver's seat para ipasok ang kotse niya sa loob ng garahe at bumaba rin kaagad.
"Sakto ang dating mo katatapos ko lang maghanda ng breakfast kaya halika na sa loob nang makakain na tayo," sabi ni Chestine nang makababa si Kayden mula sa sasakyan.
"Gutom na nga rin ako at pagod sa biyahe at the same time," reklamo ni Kayden sabay himas sa tiyan.
Lihim na natatawa si Chestine dahil kita niyang may pinagmanahan talaga si Jonas bukod sa Daddy niya. Kuhang-kuha riin ng anak nila ang kakulitan ng Tito Kayden niya pati ang panaka-nakang mga galaw nito.
Sabay na silang naglakad papasok ng bahay patungo sa dining room at iginaya ni Chestine si Kayden sa bakanteng upuan ng lamesa.
"Maiwan na muna kita d'yan, puntahan ko lang si Jonas sa kwarto niya siguradong kanina pa 'yon gising," paalam ni Chestine at naiwan si Kayden mag-isa sa hapag kainan.
Nilibot niya ng tingin ang kabuuan ng bahay nila at dumako ang tingin niya sa malaking picture frame nina Johan, Chestine at Jonas na nakasabit sa dingding.
Sumilay ang banayad na ngiti sa mga labi ni Kayden dahil masaya siya para sa kapatid niyang may sarili nang pamilya.
Samantalang noon ay kasa-kasama niya lang ito sa mga kalokohan at pambababae pero iba na ngayon, maayos at tahimik na ang buhay niya kasama ang binuo niyang masayang pamilya.
Napukaw ang pagbabalik tanaw niya nang biglang may mag-door bell ulit sa labas ng gate nila naalala niyang nasa taas pa pala si Chestine kaya siya na ang tumayo para tingnan kung sinong nasa labas.
Naglakad siya palabas ng bahay patungo sa gate sabay binuksan ito at ganu'n na lang ang pagkabigla niya nang mapagsino ito.
"E-Eunice?!" gulat na bungad ni Kayden.
"K-Kayden?!" gulat ding bungad ni Eunice.
Kapwa parehas silang nagkagulatan dahil dati silang nagkaroon ng relasyon na nauwi lang sa malabong hiwalayan. Kaya naman hindi sila masayang makita ang isa't isa.
"Anong sadya mo rito sa bahay ng kapatid ko?" walang emosyong tanong ni Kayden kay Eunice habang mataman siyang nakatingin sa mukha nito.
"Nandito ako dahil ngayong araw ang umpisa ko sa trabaho bilang nanny ng anak ni Mr. and Mrs. Selvestre," sagot ni Eunice sa kalmado niyang boses na ikinasalubong ng kilay ni Kayden.
"Nanny? Ikaw?" natatawang sabi ni Kayden at halatang hindi siya makapaniwala sa sinagot nito.
"Bakit? May masama ba sa pagiging taga pag-alaga ng bata? Marangal ang trabaho ko kaya h'wag mo akong tawanan," naiiritang sabi ni Eunice.
"Walang masama sa pagiging nanny, ang nakakatawa lang ay dati kang hotel manager pero mas pinili mo maging taga pag-alaga ng bata... sa anong dahilan?" nakangising sabi ni Kayden habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Eunice.
"H'wag mo 'kong paandaran Kayden Selvestre, labas ka na sa kung anong gusto kong gawin sa buhay ko," pabalang na sabi ni Eunice kay Kayden na ikinatawa lang nito.
"Ohoh! Matagal na kong walang pakialam sa 'yo masiyado kang assuming nagtanong lang naman ako," naiiling na sabi ni Kayden na siya namang biglang ikinapula ni Eunice dahil sa pagka-pahiya.
Sunud-sunod ang naging pagtikhim ni Eunice para iwaksi ang nararamdamang pagkailang.
"Kung wala ka nang itatanong baka p'wede mo na ko papasukin sa loob?" sarkastikong sabi ni Eunice.
"Oh! Sure! I'm sorry na-carried away lang ako kaya nakalimutan na kitang papasukin. Pasok ka," nakangiting sabi ni Kayden at nilawakan niya ang siwang ng gate.
"Salamat," tipid na sabi ni Eunice nang tuluyan na siyang nakapasok. Iginaya siya ni Kayden papasok ng bahay.
"Ako na magdadala niyang bitbit mo ako ang nahihirapan sa 'yo," alok ni Kayden at akmang kukunin niya na ang hawak nitong dalawang malaking bag nang iiwas niya ito.
"Kaya ko na, feeling gentle man hindi naman bagay sa 'yo!" Iritableng sabi ni Eunice kay Kayden na ikinatawa lang nito.
"Okay, ikaw ang bahala," sabi ni Kayden at nauna nang maglakad papasok sa loob at tahimik na lang itong sumunod.
Sakto namang pababa na si Chestine ng hagdanan habang kalong-kalong si Jonas. Halatang nagulat pa ito nang makita niya si Kayden kasama si Eunice papunta sa living room.
"Kayden!" tawag ni Chestine sa brother in law.
Sabay naman silang napalingon sa papalapit na si Chestine habang kalong pa rin si Jonas.
"Uncle Kayden!!" masayang bungad ni Jonas nang makita niya ang kanyang Uncle habang nagtatalon mula sa bisig ng kanyang ina.
"Buddy!!" magiliw ding bungad ni Kayden sa kanyang pamangkin at kinuha niya si Jonas mula sa braso ni Chestine.
"I miss you Uncle!" masayang hirit ni Jonas.
"I miss you too little young one! magiliw na sabi ni Kayden sabay yakap ng mahigpit dito.
Nakangiti si Chestine habang pinapanuod niya ang anak habang kausap nito ang Uncle Kayden niya. Bigla niyang naalala si Eunice na kanina pa nga pala nandito kaya kaagad niya itong binalingan.
"Nandito ka nga pala sorry! Masiyado kasi ako natuwa sa naging reaksyon ng anak ko nang magkita sila ulit ng Uncle niya," hinging paunmanhin ni Chestine kay Eunice.
"Good morning po Ma'am! Ayos lang po!" bati ni Eunice kay Chestine nang tuluyan na siyang mapansin nito.
"Dala mo na ba lahat ng gamit mo?" tanong ni Chestine habang nakatingin sa dalawang bag na bitbit nito.
"Opo, dala ko na lahat," sagot ni Eunice.
"Ate Ches! Ako na ang nagbukas ng gate at nagpapasok sa nanny ni Jonas, nasa taas ka pa kasi kanina," paliwanag ni Kayden.
"It's okay, tamang tao naman ang pinapasok mo kaya ayos lang," sabi ni Chestine at muli niyang binalingan si Eunice.
"Doon na muna kami ni Jonas sa garden maiwan na muna namin kayo," paalam ni Kayden at tinanguan lang siya ni Chestine hanggang mawala na sila sa pangingin nito.
"Siya na po ba si Jonas?" tanong ni Eunice at halata ang tuwa sa kanyang boses habang pinagmamasdan ang batang si Jonas na kaaalis lang.
"Oo, siya ang anak namin ng Sir. Johan mo, ang makulit na bata na 'yon ang palagi mong babantayan pag lang naman may ginagawa ako," nakangiting sagot ni Chestine.
"Ah, ibig po pala sabihin ay magiging taga-halili lang ako sa pagaalaga sa kanya," paglilinaw ni Eunice habang tumango-tango.
"Oo, ganu'n na nga. Ikaw ang magbabantay sa kanya kapag may lakad ako o may importante akong gagawin. Kailangan kasi mayroong tao na timingin-tingin sa kanya bukod pa sa 'kin," paliwanag ni Chestine.
Napansin niyang mas disente na ang suot ni Eunice kumpara kahapon na kulang na lang makitaan na. Natutuwa siya dahil marunong naman pala itong mahiya at makinig. Ngayon niya naisip na tama nga siguro na hindi siya manghusga base lang sa pananamit.
"Kamukhang-kamukha po pala siya ni Sir. Johan, ang gwapong bata," namamanghang sabi ni Eunice.
"Walang nakuha sa 'kin si Jonas lahat sa Daddy niya," natatawang sabi ni Chestine.
"Naku Ma'am, akala niyo lang 'yon pero halo ang mukha niyo ni Sir. Johan sa anak niyong si Jonas," puri ni Eunice.
"Kumain ka na ba?" pag-iiba ni Chestine ng usapan dahil ayaw niyang lumapat ang loob niya sa mga kagaya ni Eunice pero mukang malabong makaiwas siya dahil hindi naman siya ganu'n kasama.
"Tapos na po," maiksing sagot ni Eunice.
"Mamaya pa ang uwi ng asawa ko kaya kami na muna nila Jonas ang nandito so feel yourself at home h'wag kang mahiya magsabi kapag may kailangan at gusto ka," imporma ni Chestine na ikinatango lang ni Eunice.
"Salamat po ma'am, itanong ko lang po kung saan ko p'wedeng ilagay itong mga gamit ko? Medyo may kabigatan din po kasi," nahihiyang sabi ni Eunice.
"Sumunod ka sa 'kin," utos ni Chestine at nauna na ito maglakad patungo sa magiging kwarto ni Eunice at tahimik siyang sumunod dito.
"Ang ganda po ng bahay niyo," wala sa loob na sabi ni Eunice habang nililibot niya ng tingin ang paligid.
"Maganda ba? Sa totoo lang nalalakihan nga ako sa bahay na 'to mas prefer ko pa rin 'yung maliit lang hindi 'yung ganito kalaki na ilang bahagi lang ng bahay ang nakikilusan namin," sabi ni Chestine habang patuloy lang sa paglalakad.
"Ngayon ko lang po napagtanto na simple at humble lang po pala kayo base sa pananalita niyo at ang akala ko po nung una ayaw niyo sa 'kin," sabi ni Eunice na ikinahinto ni Chestine sa paglalakad.
Natigilan si Chestine sabay humarap siya dito at mataman itong pinakatitigan na para bang may mali sa sinabi niya.
"Magiging honest ako sa 'yo, hindi ako ganu'n kasama at hindi rin ako ganu'n kabait gaya ng iniisip mo. Sinusubukan ko lang na magbago para sa asawa at anak ko pero kung ako lang ang masusunod hindi kita para tanggapin sa pamamahay ko. Kaya lang naman kita pinigilan kahapon dahil ayokong mag-back out ka dahil naaawa ako sa 'yo," tahasang paghahayag ni Chestine.
Hindi alam ni Eunice kung anong mararamdaman niya dahil sa pagiging prangka ni Chestine. Pero isa lang ang alam niya base sa kilos at pananalita nito siya 'yung klase ng tao na takot na maagawan.