"Naiintindihan kong hindi kayo ang tipo ng taong mabilis magtiwala pero patutunayan ko na mapagkakatiwalaan niyo ako sa lahat ng bagay," determinadong sabi ni Eunice.
Hindi na muling nagsalita pa si Chestine sabay tumalikod na lang at tahimik nang nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa narating na nila ang magiging silid nito.
"Ito ang magiging kwarto mo," turan ni Chestine kay Eunice sabay binuksan ang pinto.
Nauna nang pumasok si Eunice sa loob at nilibot niya ang kabuuan ng silid. Maliit lang ang espasyo pero maayos naman at malinis.
"Nasa kabila lang ang kwarto ni Jonas, bandang kanan para malapit ka lang sa kanya," imporma ni Chestine at tahimik na inoobserbahan kung paano ito gumalaw at kumilos.
"Sige po ma'am," sagot ni Eunice at sabay ipinatanong sa ibabaw ng kama ang dala niyang dalawang malaking bag.
"Kung may kailangan ka h'wag kang mahiyang magsabi sa 'kin at kung gusto mong kumain bumaba ka lang open sa lahat ang kitchen," sabi ni Chestine.
Wala sa loob na napatitig si Eunice sa magandang mukha ni Chestine naisip niya bigla na mabait naman pala ito ang kaso lang may pagka-metikolosa at pagka-mataray lang talaga na sadyang likas na siguro sa kanya.
"May dumi ba ko sa mukha?" nagtatakang tanong ni Chestine nang mapansin niyang titig na titig si Eunice sa kanya.
Natauhan agad si Eunice at sunud-sunod ang naging pagtikhim nang mapagtanto niya ang kanyang kagagahan.
"Pasensya na ma'am, ang ganda niyo po kasing pagmasdan hindi nakakapagtakang kayo ang naging asawa ni Sir. Johan," puri ni Eunice na ikinangiti naman ni Chestine.
"Alam mo bolera ka baka kaya mo lang sinasabi 'yan dahil gusto mo makipag-close sa 'kin?" Nakangiting panghuhuli ni Chestine habang naka-ekis ang dalawang braso.
"Ay! hindi po sa ganu'n!" depensa ni Eunice sa sarili sabay sunod-sunod ang naging pag-iling na may kasama pang pag-wasiwas ng kamay na ikinatawa bigla ni Chestine dahil sa nakita niyang reaksyon nito.
Nahihiyang napangiti si Eunice sa paraan ng pakikipagusap sa kanya si Chestine ngayon. Walang bakas ng pagka-sarkastiko sa boses niya na parang isang normal na biro lang ito.
"I'm just kidding. So, don't take it seriously,"
nakangiti pa ring sabi ni Chestine habang naaaliw sa reaksyon ni Eunice.
"Alam ko pong nagbibiro lang kayo," kiming sagot ki Eunice sabay napahawak na lang sa sariling batok.
"Baka nagugutom ka na tara na sa baba sabay ka na sa 'min sa breakfast para maipakilala na kita kay Jonas. Nakalimutan kita ipakilala sa kanya kanina," pag-iiba ni Chestine ng usapan.
"Sige lang po ma'am, susunod na lang po ako aayusin ko lang itong mga gamit ko," sagot ni Eunice.
"Mamaya mo na 'yan ayusin halika na bumaba na tayo siguradong nasa dining room na sila ngayon," utos ni Chestine.
Wala nang nagawa si Eunice kundi ang sumunod dito dahil siya naman ang mapilit. Ayaw niya sanang sumabay dahil naiilang siya sa presensya ni Kayden at baka malaman pa nilang dati silang nagkaroon ng relasyon baka makaapekto pa ito sa kanyang trabaho.
Lumabas na sila ng silid at muling naglakad pababa ng hagdanan papunta sa dining room. Hindi niya inaasahang gusto siyang isabay ni Chestine sa pagkain nila. Ang akala niya nung una ay napaka-matabre nito ngunit nagkamali pala siya.
Naabutan nila sina Jonas at Kayden na nakaupo na sa harapan ng lamesa habang sinasandukan ni Kayden ng pagkain ang kanyang pamangkin.
"Mommy!" tawag ni Jonas kay Chestine nang tuluyan na silang makalapit sa kinaroroonan nila.
"Baby, I want you to meet your new nanny. She is Eunice but you can call her nanny Eunice or whatever you want to call her," pakilala ni Chestine kay Eunice sa kanyang anak.
Dumako ang tingin ni Jonas sa bago niyang nanny ngunit imbis na matuwa ay hindi niya ito pinansin at sa halip ay kumain na lang.
"Jonas... " tawag ni Chestine para kunin muli ang atensyon ng anak pero kahit siya hindi na rin pinansin ni Jonas.
Kahit si Kayden ay nagtaka sa ikinilos ng kanyang pamangkin kaya kapwa silang nagkatinginan ni Chestine.
"Young man, what's wrong?" pabulong na tanong ni Kayden kay Jonas na tahimik na kumakain.
Bigla itong huminto sa pagkain sabay ikinawit ang maliit at maiksi niyang braso sa leeg ni Kayden para maabot niya ang bandang tainga nito saka may ibinulong.
"I don't like her, she looks like a witch," bulalas ni Jonas na ikinahagalpak ng tawa ni Kayden at mukang nagkasundo pa sila pareho dahil nagawa pa nilang mag-fist bump.
Nagtaka naman si Chestine kung anong ibinulong ni Jonas sa Uncle nitong panay kalokohan ang alam. Samantala, lihim na naikuyom ni Eunice ang dalawang palad.
"Eunice, maupo ka na let's eat," utos ni Chestine na siyang sinunod ni Eunice.
Uupo sana si Eunice katabi ni Jonas ngunit naalala niyang hindi pa pala komportable ang bata sa presensya niya kaya naupo na siya sa katabi na lang ni Chestine. Pilit niyang winaksi ang pagkainis dahil inaalala niyang kailangan niyang mag-timpi dahil isa na siyang baby sitter ngayon.
Tahimik lang silang kumakain nang muling magsalita si Chestine dahil hindi talaga niya gusto ang inasta ng anak sa harapan ng bago niyang nanny. Alam ni Chestine sa sarili na sa kanya nagmana si Jonas pagdating sa ugali pero hindi siya natutuwa dahil ayaw niyang lumaki itong kagaya niya na bastos at walang modo sa tuwing hindi niya gusto ang taong kaharap.
"Jonas, talk to mommy," may pagbabantang utos ni Chestine sa anak at unti-unti rin itong tumingala sa kanya.
Nang makasigurado siyang nakatingin na ito ng diretso sa mga mata niya saka lang siya nagtanong tungkol sa ikinilos nito kanina.
"What was that, Jonas? Is it the proper behavior of how to treat people nicely?" malaman na tanong ni Chestine sa anak.
Pakiramdam tuloy ni Eunice ay parang gusto niyang matawa dahil mismong kay Chestine pa talaga nanggaling kung paano ang tamang pagtrato sa tao. Naalala niya kung paano siya nito hiniya sa harap ni Johan dahil lang ayaw nito sa pananamit niya. Naisip niyang mana lang si Jonas sa ina nito.
"I'm sorry Mom," paghingi ng tawad ni Jonas.
"Sa akin ka ba dapat humingi ng sorry?" panguusig ni Chestine sabay dumako ang tingin ni Jonas kay Eunice at binigyan niya lang ito ng isang pilit na ngiti.
"I'm sorry, nanny the witch." Nanlaki bigla ang mga mata nila sa sinabi ni Jonas at gulat na tinakpan ni Kayden ang bibig nito.
"Jonas!" tawag ni Chestine sa pasaway niyang anak gamit ang malakas niyang boses. Hindi niya inaasahang sasabihin 'yon ni Jonas.
"Buddy, that's bad!" nangingiwing sabi ni Kayden sa pamangkin at sabay pa sila ni Chestine na napatingin sa gawi ni Eunice.
Walang mababakas na kahit anong reaksyon dito mayamaya ay unti-unti na itong ngumiti na parang isa lang 'yong biro para sa kanya.
"Hayaan niyo na po, bata lang siya hindi niya alam ang sinasabi niya kaya ayos lang kahit anong itawag niya sa 'kin. Basta kung saan siya komportable," nakangiting sabi ni Eunice pero iba ang sinasabi ng kanyang mga mata.
"Pasensya ka na Eunice sadyang pasaway lang talaga 'tong pamangkin ko lahat ata ng magandang babaeng nakikita niya witch ang tawag niya," paglilihis ni Kayden dahil kilala niya si Eunice na hindi naman pasensyosa.
"Ayos lang po talaga sa 'kin Sir. Kayden walang kaso 'yon," sabi ni Eunice sabay umiinom ng tubig habang mataman na nakatingin sa mga mata ni Kayden.
"Hayaan mo at kakausapin namin ni Johan ng masinsinan si Jonas about his behavior. Hindi kasi siya sanay na may ibang magaalaga sa kanya kaya siya gan'yan nang ipakilala kita," paliwanag ni Chestine kay Eunice pero ang atensyon niya ay na kay Jonas na tahimik habang nakatungo.
"Hayaan lang po natin siya na makapag-adjust baka ang akala niya po siguro aalis kayo kaya siya may bagong nanny," sabi Eunice habang nakatingin din sa gawi ni Jonas.
"Sana nga ganu'n lang. Ngayon lang kasi siya nagkaganiyan kaya nakakagulat talaga. Dapat pala ipinaunawa muna namin sa kanya bago ka namin ipatawag," dismayadong sabi ni Chestine.
"Ate, tapos naman nang kumain si Jonas dadalin ko na muna siya sa room niya para ituloy ang naudlot naming playtime," paalam ni Kayden kay Chestine sabay kumindat ito sa kanya na ibig niya iparating na siya na muna ang bahalang magpaliwag sa pamangkin.
Kinalong ni Kayden si Jonas at inaakyat na sa itaas. Naiwan na lang sina Chestine at Eunice sa hapag kainan.
"Maiba tayo Ms. Eunice Casson," pag-iiba ni Chestine habang ang atensyon niya ay na kay Eunice na.
"Ano po 'yon?" tanong ni Eunice at matiyagang naghihintay ng susunod nitong sasabihin.
"Nabanggit sa 'kin ni Johan na dati ka raw naging isang hotel manager sa Balana na pagmamay-ari ng asawa ko at ni Kayden," panguusisa ni Chestine na bahagyang ikinalunok ni Eunice.
"Yes ma'am, employee po nila ako dati," pag-amin ni Eunice at hindi niya maiwasang hindi kabahan dahil sa paraan kung paano ito magtanong.
"So, magkakilala na pala kayo ni Kayden in the first place. Napansin ko lang na ang lagkit ng tinginan niyo kanina sa isa't isa, may relasyon ba kayo?" pangbubuko ni Chestine kay Eunice.
Huminga muna ng malalim si Eunice bago niya sagutin ang akusasyon ni Chestine sa kanya. Kung kanina ay nababahala siya na malaman nilang nagkaroon sila ng relasyon dalawa ni Kayden, ngayon hindi na. Dahil alam niyang malalaman at malalaman din naman nila.
"Yes ma'am, Kayden is my ex-boyfriend," pag-amin ni Eunice na ikinagulat naman ni Chestine dahil hindi man lang niya nakitang nagkuli ito sa pagsagot.
"How brave... " namamanghang sabi ni Chestine gamit ang mababa niyang boses habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Eunice na hindi man lang kumukurap.