"Dahil first day mo naman, magpahinga ka na muna kami na bahala sa anak ko hanggang sa masanay na siya sa presensya mo," pabibigay konsiderasyon ni Chestine sa bagong nanny.
"Sige po ma'am, muka nga talagang kailangan niya munang mag-adjust base sa ikinilos niya kanina," sabi ni Eunice at ipinagpatuloy na ang pagkain.
"Mabuti na lang nandito si Kayden at least my son will feel relaxed and comfortable with his presence habang nag-a-adjust naman siya sa 'yo," sabi ni Chestine habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Eunice.
"May gusto lang po akong itanong sa inyo ma'am," nagaalangang sabi ni Eunice at sandali siyang huminto.
"Ano 'yon?" tanong ni Chestine.
"Hindi po ba makakaapekto sa trabaho ko ang nalaman niyo tungkol sa 'min ni Kayden? Baka kasi isipin niyo—" hindi na naituloy ni Eunice ang gusto niyang sabihin nang magsalita si Chestine.
"Wala naman akong pakialam sa namagitan sa inyo ng brother in law ko, as long as ikaw na nanny ng anak ko ay magagampanan mo ng maayos ang trabaho mo. Walang kaso sa 'kin kahit na magbalikan pa kayo," diretsuhang sabi ni Chestine at muli nang nagpatuloy sa pagkain at hindi alintana ang kanyang sinabi.
Bahagya namang napanganga si Eunice sa paraan ng pananalita ni Chestine. Napansin niyang hindi lang pala ito basta prangka wala rin siyang pakialam sa hindi sakop ng buhay niya. Isang magandang balita para kay Eunice dahil magagawa niya ang anumang gustuhin niya dahil ito na ang may sabi na wala siyang pakialam basta ginagawa niya ng tama ang kanyang trabaho.
"Mabuti naman po kasi talagang kabado ako na baka malaman niyo ang tungkol sa 'min ni Kayden noon," sabi ni Eunice.
Huminto muli sa pagkain si Chestine at ibinaba ang hawak niyang kubyertos sabay pinunasan ang bibig gamit ang table napkin.
Pinakatitigan niyang mabuti si Eunice gamit ang mapang-obserba niyang mga mata.
"Gaya nga ng sinabi ko wala akong pakialam... dahil ang importante lang naman sa 'kin dito sa pamamahay na 'to ay ang asawa at anak ko sa kanila lang ako may pakialam wala ng iba," sabi ni Chestine sabay uminom at nginitian si Eunice.
"Nakikita ko ngang mahal na mahal niyo talaga ng asawa at anak niyo wala nga pong duda pagdating sa bagay na 'yan," segunda ni Eunice.
Tumayo na si Chestine mula sa pagkakaupo habang si Eunice ay nakasunod lang ng tingin sa bawat kilos niya. Hindi maiwasan na hindi mainggit ni Eunice gandang taglay ni Chestine kahit ultimo sa pananamit nito napaka-ganda rin ng taste niya. Palagi siyang nakasuot ng dress na kung titignan ay simple lang ngunit kapag siya na ang nagsuot nagmumuka nang magara idagdag pa ang napakaputi at makinis nitong balat na nakadagdag sa kagandahan niya.
"Kapag tapos ka nang kumain hayaan mo na si Yaya Fei ang mag-ligpit nitong lamesa mamaya ay nandiyan na rin 'yon. Pupuntahan ko lang si Jonas sa taas at ikaw p'wede ka na rin munang magpahinga siguradong pagod ka sa biyahe," sabi ni Chestine kay Eunice sabay talikod niya at naglakad na patungo sa itaas.
Naiwan si Eunice mag-isa sa dining table malaya siyang sumandal sa kinauupuan niyang dining chair habang nakatingin sa itaas ng magarang kisame.
Biglang sumagi sa isip niya na ganito rin kaya magiging buhay niya kung makapangasawa siya ng isang kagaya ni Johan Selvestre?
Lihim na napangiti si Eunice sa isiping 'yon. Ayaw niyang mag-isip ng ganu'ng bagay pero hindi niya mapigilan dahil lahat ng nakikita niya sa pamamahay na 'to ay minsan niya nang pinangarap.
Hindi namalayan ni Eunice ang papalapit na pigura ni Kayden at napahinto siya bigla sa kanyang pagmumunimuni nang marinig niya ang mapang-asar nitong boses.
"Are you having a wet day dreaming?" nanunuksong tanong ni Kayden mula sa likuran ni Eunice at gulat itong napatayo mula sa kanyang pagkakaupo.
"Anong wet day dreaming pinagsasasabi mo?" Iritable ding tanong ni Eunice kay Kayden.
"You used to it, right?" pangaasar pa ni Kayden sabay napairap na lang dito si Eunice. Mabuti na lang marunong na siyang magtimpi ngayon.
"Bakit ba kahit saan ako magpunta nakikita ko 'yang nakakainis mong mukha?" naiinis na sabi ni Eunice na ikinahagikgik ni Kayden.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, nag-we-wet dreams ka umagang-umaga?" pilyong giit ni Kayden na ikinapula ni Eunice.
"Tigilan mo 'ko Kayden! Ang bastos mo talaga kahit kailan!" pasigaw na sabi ni Eunice ngunit hindi ganu'n kalakas dahil baka marinig siya ni Chestine at Jonas.
"Nakalimutan mo na ba? Kaya nga kita nakuha dahil gusto mo 'yung binabastos ka—" hindi na nagawang ituloy ni Kayden ang gustong sabihin nang bigla siyang padapuan ni Eunice ng isang malakas na sampal.
"Wala akong natatandaang binigyan kita ng permission na bastus-bastusin ako! Kaya ka siguro gan'yan dahil hindi mo pa rin matanggap hanggang ngayon na iniwan kita," galit na sabi ni Eunice gamit ng mababang boses ngunit nanlilisik ang mga mata.
Tila hindi naman nagustuhan ni Kayden ang sinabi ni Eunice sa kanya kaya wala sa loob niyang hiniklat ang kanang braso nito.
"Bakit naman kita panghihinayangan? Ang babaeng kagaya mo ay pang-kama lang. Mas pabor pa ngang ikaw ang nakipag-hiwalay dahil kung nalaman ko nang mas maaga na may iba kang lalaki baka ako pa mismo ang nakapatay sa 'yo," galit na sabi ni Kayden sabay marahas niyang binitawan ang braso ni Eunice.
"Ang kapal naman ng mukha mo! Nagsalita ang walang bahid dungis? Baka nakakalimot ka rin kung bakit ako naghanap ng iba? Isa ka rin namang hindi makuntento!" sumbat pa ni Eunice na ikinapanting ng tainga ni Kayden.
"Oh! Nasaan na ngayon 'yung ipinalit mo sa 'kin? Napaligaya ka ba niya kagaya ng kung paano kita paligayahin? O iniwan ka rin niya kagaya ng ginawa mo sa 'kin?" namumuhing sabi ni Kayden.
Hindi na maatim ni Eunice ang pinagsasasabi sa kanya ng dating kasintahan kaya siya na lang ang titigil dahil hindi matatapos ang iringan nila kung walang magpapatalo.
"Alam mo Kayden, just moved on. Parte na lang 'yon ng isang pangit na nakaraan kaya kung ako sa 'yo kakalimutan ko na dahil wala nang halaga 'yun ngayon. Tahimik na ang buhay ko h'wag mo na kong guluhin gusto ko lang magtrabaho ng maayos," pangaawat ni Eunice kay Kayden ngunit pagak lang itong natawa sa sinabi niya.
"Maniniwala na sana ako na kapayapaan ang gusto mo ang kaso... kilala kasi kita eh. Hindi ka ganu'n Eunice," malamang sabi ni Kayden kaya naikuyom ni Eunice ang dalawa niyang palad.
Pilit niyang binababaan ang loob niya pero patuloy siyang pino-provoke ni Kayden ngunit ayaw niya magpatalo sa presensya nito kaya iwinaksi niya lang ang nararamdaman niyang galit dito.
"Bahala ka na kung anong gusto mong isipin sa 'kin. Kung ayaw mong maniwala edi h'wag hindi naman kita pinipilit. Basta ito lang ang pakiusap ko sa 'yo hayaan mo lang ako gawin ng maayos ang trabaho ko rito," sabi ni Eunice at akmang tatalikod na sana siya nang pigilan siya ni Kayden.
"Sure, wala naman problema as long as wala kang gagawing kalokohan dito sa bahay na 'to," sabi ni Kayden na may pagbabanta sa boses.
"Bakit? Ano namang iniisip mo?" nagtatakang tanong ni Eunice nang mahimigan niya ang pagbabanta sa boses nito.
"Wala naman, I'm just saying para hindi ka magkaroon ng problema, ikaw rin," babalang sabi ni Kayden sabay bitaw sa braso ni Eunice at tumalikod na.
Naglakad si Kayden patungo sa garden para doon siya manigarilyo dahil fustrated siya sa naging mainit nilang usapan ni Eunice at kailangan na muna niya magpalamig.
Naiwan na naman si Eunice mag-isa sa dining room sabay napatalon siya sa gulat at nasapo ang sariling dibdib nang may bigla magsalita sa likuran niya.
"Hija?" tawag ni Yaya Fei kay Eunice at gulat siyang napalingon sa kinatatayuan nito bitbit ang mga pinamili niyang gulay.
"Yaya Fei! Ginulat niyo naman po ako!" sabi ni Eunice habang sapo pa rin niya ang sariling dibdib.
"Napaka-bata mo pa magugulatin ka na agad, maaari mo ba kong tulungan dito sa mga dala ko?" sabi ni Yaya Fei at agad na dinaluhan ni Eunice ang matanda.
Kinuha niya ang ibang bitbit ni Yaya Fei at dinala na nila sa kusina at ipinatanong sa lamesa. Humarap si Eunice sa matanda habang abala ito sa pagaayos ng pinamili.
"Yaya Fei," tawag ni Eunice sa matanda.
"Bakit hija? May kailangan ka ba?" tanong ni Yaya Fei kay Eunice nang mapansin niyang parang may gusto itong sabihin.
"Itatatanong ko lang po kung ilang taon na kayong naninilbihan dito bilang kasambahay?" curious na tanong ni Eunice at sandali tumigil ang matanda sa kanyang ginagawa.
"Simula ng bata pa lamang si ma'am Chestine pinagsisilbihan ko na siya hanggang sa lumaki na ito at magka-asawa. Ako na rin ang kinuha niya bilang katiwala sa bahay nila ni Johan dahil ayaw niya kong umalis sa tabi niya," sagot ni Yaya Fei habang nakangiti.
"Ganu'n po pala... Hindi po mabilis magtiwala si ma'am Chestine ano po? Mukang ang hirap po kunin ang loob niya," sabi ni Eunice kay Yaya Fei at tiningnan lamang siya nito.
"Tama ka, mahirap arukin ang ugali ng batang 'yon. Nagmana lang si Jonas sa kanya parehas na parehas sila ng ugaling mainitin ang ulo. Lalo na kapag ayaw nila doon sa tao," sagot ni Yaya Fei at muli nang bumalik sa ginagawa.