CHAPTER 9

1583 Words
"I'm home!" bungad na sabi ni Johan. Kauuwi niya lang galing sa nakakapagod na trabaho at kaagad na hinanap ng mga mata niya ang kanyang mag-ina sa paligid ngunit hindi niya nakita ang mga ito at sa halip ang bumungad sa kanya ay ang kapatid niyang si Kayden na pababa ng hagdanan. Nagtaka siya dahil ang alam niya ay next week pa ito uuwi. "Kayden! Akala ko next week ka pa uuwi?" gulat na tanong ni Johan nang salubungin niya ito. Saka lang napansin ni Kayden ang kuya niya nang lapitan siya nito kaya naman kapwa pa silang nagkagulatan pareho. "Oh! Kuya nandiyan ka na pala! Oo, kaninang umaga pa ako dumating at si ate Chestine ang naabutan ko," sagot ni Kayden kay Jonas. "I see, so bakit nga napaaga ka ng uwi rito sa bahay namin ng ate Chestine mo? May naging problema ba?" nagtatakang tanong ni Johan. "Mamaya ko na lang iki-kwento magbihis ka na muna tapos inom tayo," sabi ni Kayden at sabay siniko sa braso si Johan. "Muka ka talagang alak! Pero sige na nga at pagbibigyan kita tutal ngayon na lang naman tayo ulit nagkita sa after a year so we should call it a welcome shot!" biro ni Jonas sa kapatid. "By the way, na-miss kita kuya," malambing na sabi ni Kayden na ikinahagikgik bigla ni Johan dahil hindi siya sanay na ganito ang kapatid niya. "Ang cheesy!" bulalas ni Johan na ikinatawa rin ni Kayden sabay nag-bro hug ang dalawa. "Sige na kuya, umakyat ka na sa kwarto niyo hinihintay ka na ng asawa mo dahil kanina pa tinotoyo si Jonas," pagtataboy ni Kayden kay Johan. Tinanguan na lang ni Johan si Kayden at diretso na siyang naglakad paakyat ng hagdanan patungo sa kanilang silid. Pagbukas niya ng pinto ay naabutan niyang nakahiga si Chestine katabi ang natutulog na si Jonas sa ibabaw ng kanilang kama. Nang makita ni Chestine ang pigura ni Johan ay agad siyang bumangon para salubungin ito sabay binigyan ni Johan ng isang pasalubong na halik si Chestine. "Hello love, how's your day?" mamaos na sabi ni Chestine kay Johan nang tuluyan na siyang makalapit dito at tinulungan niya ito tanggalin ang suot nitong coat at neck tie. "My whole day was good, how about yours?" sagot ni Johan sa asawa na may kasamang tanong. Nag-iba bigla ang mood ni Chestine nang tanungin siya ng asawang bagong dating. Napansin naman 'yon kaagad ni Johan. "We all here in the house had such a bad day," inda ni Chestine na halatang masakit ang ulo. "What happened?" curious na tanong ni Johan sa asawa nang mapansin niya ang pagiging problemado nito. Iginaya ni Johan si Chestine sa bakanteng sofa para maupo at saka siya humarap dito para pagusapan kung ano bang nangyari sa kanilang buong maghapon. "Your son didn't like his new nanny, he don't wanna see her," walang paligoy-ligoy na sabi ni Chestine kay Johan. Nagtaka si Johan sa sinabi ni Chestine dahil pati anak nila ay ayaw rin sa bagong nanny na kinuha niya. Mariin siyang napapikit kasabay ng pag-hagod sa magkabilang sintido. "How is he? Did you talk to him? Did you convince him to change his mind?" ilang sunod na tanong ni Johan kay Chestine at umiling lang ito. "I talked to him more than once but he still refused and he keeps on saying that he didn't like his nanny because he thinks that she's a witch," naiiling na sagot ni Chestine. "He said that??" gulat na tanong ni Johan. "Yes, he said that in front of Eunice. He said to her that she was a witch," nagaalangang sabi ni Chestine kay Johan. Sandaling nag-isip si Johan kung anong tamang gawin sa anak. Ayaw niya naman itong pilitin sa taong hindi niya gusto. "Chestine, ano sa tingin mo ang magandang gawin? Should we find another nanny for him? We can replace Eunice because Jonas is our priority no one else," tanong ni Johan na may halong suhestyon. Hindi agad makasagot si Chestine. Naisip niyang ngayon pa ba nila aalisin si Eunice kung kailan unti-unti na itong nagiging okay para sa kanya? Nakakaawa din naman ito kung basta na lang nila aalisin ng ganu'n na lang. "I think that's not a good idea, Johan. Because we already hired her and now you are going to replace her just because Jonas doesn't like her? That's unreasonable," hindi sangayong sabi ni Chestine sa kanyang asawa. Nangunot naman bigla ang noo ni Johan matapos niya marinig ang sinabi ni Chestine. "Bakit parang nag-iba bigla ang ihip ng hangin? Hindi ba dapat sangayon ka dahil ikaw rin naman itong nangungunang may ayaw sa kanya? Nung una ay binalak mo pa nga siyang tawagan para h'wag na siyang patuluyin," nagtatakang sabi ni Johan. "Oo nga, pero iba na ngayon. I like her already," salungat na sabi ni Chestine kay Johan sabay nanlaki bigla ang mga mata niyang napatitig sa asawa. Sinapo niya ng isang kamay ang noo at leeg ni Chestine para tignan kung may sakit ba ito o dinideliryo lang. Sa kauna-unahang beses ay ngayon lang may nagustuhan si Chestine na kapwa niya babae. Kilala ni Johan ang asawa na ayaw niya ng ibang babae sa paligid dahil nga selosa ito. "Wala ka naman sakit, love. Pero bakit parang bigla ka atang bumait? Anong nakain mo? Are you okay? May masakit ba sa 'yo? Gusto mo dalin kita sa hospital?" eksaheradong sabi ni Johan na ikinatawa bigla ni Chestine sabay hampas niya sa braso ni Johan. "Ang O.A mo!" natatawang sabi ni Chestine. Pero hindi niya pa rin maintindihan ang tila pagbabago sa ugali nito. Sa loob ng isang araw na nakasama at nakausap ng asawa niya ang nanny ni Jonas, ganito na ba agad ang epekto? "I don't understand you, love. You're so nice this time. What happened? Anong ginawa ng nanny ni Jonas para magustuhan mo siyang bigla?" nagtataka pa rin na tanong ni Johan kay Chestine. Ilang saglit na tumahimik si Chestine at unti-unti sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang magandang mukha. "Naisip ko lang na, she's not the person that I thought, and I personally say that I misjudged her. To be honest, for me, she's nice and kind. Hindi ko lang agad nakita dahil hinusgahan ko siya agad," pag-amin ni Chestine kay Johan. Labis ang tuwang nararamdaman ni Johan nang marinig niya ang sinabi ni Chestine dahil nakikita niya kung paano nitong sinusubukan baguhin ang hindi magandang kaugalian na mayroon siya. Masaya siya para sa asawa dahil natututo na itong tumanggap at kumikilala ng ibang tao. "I'm happy to see that you are trying your best to change your perspectives. Nakikita kong sinusubukan mong magbago para sa 'min ni Jonas at higit na para sa sarili mo," sabi ni Johan sabay halik niya sa kamay nito. "I don't know, siguro dahil nalaman kong dati silang nagkaroon ng relasyon ni Kayden kaya naging panatag ang loob ko na hindi ka niya kakalantariin," nakangiting sabi ni Chestine na siyang ikakunot naman ng noo ni Johan. "Huh? Kayden and Eunice had a relationship before??" gulat na tanong ni Johan sa asawa. "Yes, at first I noticed the way they look at each other and I smell something fishy so I asked her what's going on between her and Kayden," imporma ni Chestine kay Johan. Naalala ni Johan na dati na nga palang nagtrabaho si Eunice sa Balana hotel kaya hindi nga talaga imposibleng nagkaroon ng relasyon ang mga ito. "And she confessed the truth?" tanong ni Johan at sunod-sunod ang pagtango ni Chestine. "Yeah, and I think she's honest. Natakot pa nga raw siya na baka makaapekto 'yon sa trabaho niya but I said no, because I don't really care and it's none of my business," sagot ni Chestine. Tumatango-tango na lang din si Johan habang nakikinig sa ikinukwento ni Chestine sa kanya. "Mamaya Magkakaroon kami ng lalaki sa lalaking usapan ni Kayden. Paguusapan namin kung anong dahilan niya bakit bigla niyang naisipang umuwi rito," sabi ni Johan kay Chestine sabay sumandal siya sa couch at hinila niya si Chestine sa bisig niya para yakapin ito ng mahigpit. "With beers?" panunudyong sabi ni Chestine na ikinatawa ni Johan sabay hinalikan niya ito sa ulo. "Of course! Hindi mawawala ang inuman sa aming dalawang magkapatid lalo na ngayon na lang kami ulit nagkita kaya pumayag ka man sa hindi mag-iinom ako," pasaway na sabi ni Johan sabay kurot sa kanya ni Chestine sa tagiliran. "Kapatid mo naman ng kasama mo kaya papayagan kita kahit hindi ka magpaalam basta dito lang sa bahay. Tapos i-kwento mo sa 'kin lahat napag-usapan niyo kahit ultimo malilit na detalye dapat alam ko," nangaasar na sabi ni Chestine. "Chismosa!" natatawang sabi ni Johan. "Oh! Ano namang masama? Kapatid mo naman 'yon hindi ibang tao kaya hindi 'yon pagiging chismosa! Concern lang ako kaya gusto kong malaman," sabi ni Chestine sabay irap dito. "Kahit na anong sabihin mo ganu'n din 'yon. Pero alam mo, ikaw lang 'yung kakilala kong chismosang sosyal," biro ni Johan sa asawa. "At least wala akong sinisirang buhay para magawan lang ng kwento, simula nga ng ikasal tayo nakalimutan ko na kung paano maki-salamuha, dahil din sa pagiging seloso mo," sabi ni Chestine. Biglang nag-seryoso si Johan at matamang pinakatitigan ang mukha ng kanyang asawa. "Paano naman ako hindi magiging seloso? Eh bago kita makuha ang laki ng naging hirap ko dahil para kang isang bituin noon na kay hirap abutin," mala-makatang sabi ni Johan at hindi mapalis ang mga titig niya kay Chestine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD