"Sir, nalaman na po namin kung nasaan ang exact location ng mag-ina niyo," sabi ng isa sa inatasang tauhan ni Johan para hanapin sila. "Ipadala mo sa 'kin lahat ng nakalap mong impormasyon ngayon na mismo," utos ni Johan mula sa kabilang linya sabay binababaan niya na ito ng tawag. Kasalukuyan siyang mag-isang umiinom ng beer sa living room ng kanyang condo unit. Simula nang magkahiwalay sila ni Chestine at nalaman niyang umalis pala ng bansa ang mga ito doon niya na napabayaan ang kanyang sarili. Kahit ultimo pag-aahit ng balbas hindi niya na magawa dahil sa labis na depresyon at stress dulot nang pag-iwan sa kanya ng kanyang mag-ina. Sa loob ng nakalipas na limang taon tanging kina Chestine at Jonas niya lang ginugol ang oras niya para mahanap ang mga ito ngunit kay galing din tala