_Five Years Later_ "Ma'am Chestine, hindi pa po ba kayo uuwi?" tanong ng isang staff ni Chestine na si Della. "Mauna ka na, may tatapusin lang ako," sagot ni Chestine na ikinatango lang nito at lumabas na ng kanyang office. Naisipan ni Chestine na magtayo ng sarili niyang restaurant na pinangalanan niyang CJ's Cuisine gamit ang initials nila ni Jonas. Noong una ay gusto niya na lang sanang bumalik sa pagiging flight attendant ngunit naisip niya na mapapalayo siya kay Jonas at mawawalan siya ng oras dito dahil dadalawa na nga lang sila at saktong malayo pa sila sa kanilang pamilya. Kaya naisipan niya na lang magtayo ng bussiness at least hindi niya mapababayaan ang kanyang anak. Napa-angat siya nang tingin sa may pintuan nang may biglang kumatok dito kaya sandali niyang itinigil ang ka