"Walang hiyang lalaki 'yan!" galit na sabi ni Sebas matapos ipaliwanag ni Chestine ang kabuuang nangyari sa pagitan nila ni Johan. "Sebas! Huminahon ka nga! Kahit na magalit ka pa ng husto hindi na mababago niyan ang nangyari sa anak mo," saway ni Celeste sa asawa. "Tama si Mama, Pa. Walang magandang maidudulot kung magpapakagalit pa kayo tutal wala naman na kami ni Johan," sabi ni Chestine bilang pagsangayon sa kanyang ina. "Hindi ko lang lubos maisip na magagawa sa 'yo 'yon ni Johan, hinahangaan ko pa man din siya noon dahil napaka-responsable niyang asawa at ama sa inyo ng apo ko tapos ganito lang ang gagawin niya!" sabi ni Sebas na may gigil sa boses. "Magpahinga na kaya kayo Papa, h'wag na kayong mag-aalala sa 'min, kayang-kaya ko 'to," lakas-lakasang sabi ni Chestine ngunit ang t