Tahimik lang ang naging buong biyahe nila patungong Isabella sakay ng private car nang biglang magsalita si Celeste upang basagin ang nakakabinging katahimikan. "Are you okay anak?" tanong ni Celeste kay Chestine habang nasa kandungan niya ang natutulog niyang apong si Jonas. "I don't know Mom, I don't know," malungkot na sagot ni Chestine habang malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa malayo mula sa bintana ng sasakyan. Hinawakan ni Celeste ang kamay ni Chestine at marahan itong pinisil para ibig iparating na siya nandito lang siya palagi sa para sa kanilang mag-ina. "Alam kong napakahirap nito para sa 'yo, pero alam kong magiging maayos rin ang lahat sa tamang panahon," sabi ni Celeste para aluin ito. "Paano pa ba magiging maayos ang lahat kung para akong unti-unting dinudurog?"