AMBER VIA Hindi na muna kami dumeritso ng penthouse, ang sabi nito'y nagugutom na siya at sa labas na lang kami maghapunan. Medyo mabigat na rin ang daloy ng trapiko kaya mas pinili namin na dumaan muna sa isang mall para doon maghapunan at magpalipas na rin ng mga oras. Sa isang japanese restaurant namin napiling kumain. Napansin ko na naman ang kakaibang gana nito sa pagkain. Well, masasabi kong masarap naman talaga ang mga pagkain sa naturang restaurant. Hindi lang ako makapaniwala sa dami ng in-order nitong pagkain para aming dalawa. Hindi ko maiwasang titigan ito habang magana ito sa pagsubo at ang buong atensyon nya talaga ay nasa pagkain lang. "Hmm... Bakit mo ako tinititigan ng ganyan? Sige ka, baka matunaw ako n'yan." ang nakanguso nitong sabi habang hinahalo ang pagkain