Vince Hindi ako umalis ng penthouse, maya't-maya ang sulyap ko sa cellphone ko kung anong oras ba ito magpapasundo sa akin sa terminal. Pigil na pigil ang sarili kong sundan ito sa Dagupan. Nakakaramdam na ako ng kainipan. Gusto ko na itong makita, ewan ko pero hinahanap- hanap na siya lagi ng mga mata ko simula nang una ko pa lamang itong makita. Hindi tulad noon nang hindi pa ito dumarating sa penthouse ko, umaga pa lang ng Linggo ay hindi mo na ako mahahagilap pa. Baka kung saang hotel o resthouse na ako nakatulog, mula sa kalapit na probensya at kasama ang kung sinong modelo para maglunoy sa napakasarap na kamunduhan. At kung nasa penthouse man ako, ay malamang na may darating rin na babae na siyang magbibigay sa akin ng aliw. Pero kahit na kailan ay wala pang babaeng pina