Amber Via Mabilis pang lumipas ang mga araw. Katapusan ng buwan nang maisipan kong dumalaw muli sa aking pamilya. Tulad nang nakagawian ay lagi akong hinahatid ni Vince sa istasyon ng bus, ngunit ng Sabadong iyon ay ang driver nito ang s'yang naghatid sa akin. Kasalukuyang nasa Cebu ngayon si Vince. Dalawang araw na mula nang magpunta ito ng Cebu. Ang sabi nga n'ya, kung wala lamang akong pasok ay gusto nga rin ako nitong isama. Pero dahil nga sa may pasok ako, ay mas pinili kong manatili na lamang rin sa penthouse. Pero bago ito umalis ay nagpaalam rin ako rito na luluwas papuntang Dagupan upang dalawin ang aking pamilya. "I want also to come with you baby. Kailan mo ba ako isasama sa inyo?" ang naalala ko pang tanong n'ya na s'yang nagpawala sa puso ko. Ang pagkagamit n'y