Chapter 1
Ãmber Via
"Mano po, nay. Tulog na po ba 'yong dalawa?" ang mababang boses na tanong ko kay Nanay.
Mag-alas dose na ng hating gabi ngunit minsan kase ay sadyang hinihintay akong makauwi ng aking panganay na si Vincent, galing sa maghapong pagtratrabaho.
Nagtatrabaho ako sa isang pagawaan ng tsinilas malapit lang naman sa aming baranggay dito sa Dagupan.
Isang sakay lamang ng traysikel.
Ngunit dahil sa nasasayangan ako sa pamasahe ay nagagawa ko na lamang lakarin ang ilang kilometro rin distansya pagpasok at pauwi ng aming tahanan.
"Oo, nakatulugan na ng panganay mo ang paghihintay sa 'yo. Kaya binuhat na siya Edward at inilipat ng higaan."
Anang aking ina na ang tinutukoy nito ay ang mas nakababata ko pang kapatid.
Tatlo kaming magkakapatid. Though, anak ako ng aking ina sa pagkadalaga.
Isang bakasyonista raw ang aking ama sa aming probensya, at nagtatrabaho naman daw ang aking ina sa isang resort, nang magkakilala sila.
Nagkaroon daw sila ng relasyon at nabuntis ang aking ina.
Ngunit bigla na lamang raw nawala ang aking ama at hindi na binalikan ang aking ina.
Nakapag asawa naman si Nanay at tinanggap naman ako ng naging asawa n'ya bilang isang tunay na anak.
Ngunit bata pa lamang ang bunso naming kapatid nang naaksidente ito at binauwian ng buhay.
Mag-isang itinaguyod kami ni Nanay.
Mabuti na nga lang ay tinutulangan ito ng kanyang kapatid na nagtatrabaho sa Manila,
si tita Salve.
Ngunit ngayon ay pamilyado na rin ito kaya hindi na kami pwede pang umasa na matutulungan nya kami lagi sa problemang, finacia.
Siya rin naman ang tumulong para makapag-aral ako sa koliheyo noon.
At napakalaking bagay na iyon na nagawa ni tita sa amin--sa akin.
Nakapasa at nakatanggap ako ng scholarship sa isang kilalang unibersidad sa maynila.
Ngunit nasa huling taon na ako noon nang mabuntis naman ako.
"Anak, masyado ka ng nangangayayat pwede naman na pahintuin ko muna si Edward sa pag-aaral para makatulong sa 'yo kahit papaano." Ang nag-aalalang ani nanay sa akin.
May pagtutol akong biglang napatingin kay Nanay.
Nasa second year college pa lamang si Edward at dalawang taon na lang ang bubunuin nya ay matatapos na rin siya ng koliheyo.
Nagawa ko nang itawid ang mahigit isang taon.
Ilang buwan na nga lang ay matatapos na ito sa pangalawang taon, ngayon pa ba ako susuko?
Makatapos sa pag-aaral ang isa sa mga pangarap ko.
Isang pangarap na sana ay natupad ko kung hindi lamang ako naging pabaya.
At least man lang kung hindi ko man ito matupad para sa sarili ko ay magawa ko itong tuparin sa pamamagitan ng pagtulong at pagsuporta sa mga kapatid ko.
Imbes na tutukan ko ang pag-aaral ko noon at isipin ang paghihirap ng aking tiyahin na siyang nagpapa-aral sa akin noon ay naging pabaya ako.
Ang masaklap pa, ay nabuntis ako ng maaga.
Naging isa akong dalagang Ina.
Noong una, ay hindi ko matanggap ang kinahantungan ko.
Marami pa akong pangarap para sa pamilya ko at para sa sarili ko, na gustong kong matupad.
Ngunit sa pagdaan ng mga araw habang pinagbubuntis ko sila, hanggang sa dumating ang araw na naipanganak ko sila, ay nagbago ang pananaw ko.
Biyayang maituturing ko ang pagdating nila sa buhay ko.
Sila ang naging lakas at kaligayahan ko.
Desidido pa rin naman akong tuparin lahat ng mga pangarap ko.
Pero this time, ay hindi na lamang para sa akin at sa pamilya ko.
Higit kailanman ay para sa mga anak ko.
"Nay, okay lang po ako.Dalawang taon na lang naman at makakapag tapos na rin si Edward, ngayon ko pa ba siya papahintuin?" ang may tipid na ngiti sa labi kong sabi.
"Pasensya ka na anak kung ikaw na ang pumapasan lahat ng problema ng pamilya natin." Ang naiiyak na naman nitong sabi.
"Nay naman, tama na ho 'yan, hindi ho dapat kayo humihingi ng pasensya dahil ginawa n'yo po lahat ng makakaya n'yo para maitaguyod kaming magkakapatid. Ako po sana ang dapat humingi ng pasensya, kung hindi dahil sa kapabayaan ko e, 'di sana tapos na ako ng pag-aaral at may maganda ng trabaho ngayon."
Ang medyo nahihiya kong sabi kay Nanay.
Pero sa isip ko'y wala rin naman dapat akong pagsisihan.
Dumating sa buhay ko ang dalawang napakalusog at bibong anak.
Biyaya pa ngang maituturing 'yon sa akin.
Pinapangako kong gagawin ko ang lahat para lamang masiguro kong mabibigyan ko sila ng maalwan na buhay, ng magandang kinabukasan.
"Ate, tumawag kanina si tita Salve."
Napalingon kami pareho ni Nanay sa bunso kong kapatid na si Amilyn. Palabas ito ng kwarto nito.
"Naghahanap daw ang amo nito ng isa pang kasambahay. Malaki raw ang sahod at maari ka pang makapag-aral sa gabi."
Awtomatikong nagliwanag ang aking mukha at isang malawak na ngiti ang hindi ko mapigilan sumilay sa aking mga labi pagkarinig ko pa lamang sa napakagandang balita.
Sa isang napakayamang pamilya naninilbihan si tita Salve.
Matagal-tagal na rin siya roon at balita ko'y mababait ang mga amo nito at talagang may pakikisama sa mga tauhan.
Ngunit bigla rin natunaw ang ngiting ko nang maalala ko ang aking mga anak.
Parang hindi ko kaya yata na mapalayo sa kanila.
Kaya nga imbes na lumuwas ng Manila para maghanap ng mas magandang trabaho ay mas pinili kong mamasukan at magtiis sa isang pabrika ng mga tsinilas kahit pa napakahirap ng trabaho at maliit lang din ng sweldo.
Ang pagtanggap sa oportunidad na ito ay nangangahulugang mapapalayo nga ako sa aking mga anak.
"Ate, hindi mo naman kailangan mag-alala sa mga anak mo, nandito naman kami nila Nanay. Hindi namin sila pababayaan.Isa pa, makakadalaw ka rin naman dito sa amin tuwing day off mo 'di ba? Opportunity is knocking at the door Ate, para matupad mo ang matagal mo ng pangarap na makapagtapos. Isang taon na lang din naman 'di ba?" ang mahabang litanya ni Amilyn.
Oo, nga. Isang taon na lang din naman at tapos na ako.
Nag-aalala ang mga matang napatingin ako sa aking ina.
Ngunit isang ngiting pagsang-ayon sa sinabing 'yon ni Amilyn ang iginawad nito sa akin.
"Pagkakataon muna iyon anak, at tama ang kapatid mo. Hindi namin pababayaan ang mga anak mo kaya wala kang dapat ipag-alala." Ang may paniniguro pang sabi ni Nanay.
VINCE
Pagod kong sinalampak ang katawan sa mahaba naming sofa sa may sala.
Tinawagan ako ni Mommy kanina.
Dumating na raw galing America ang amega nito at ang anak nito na kababata kong, si Celine.
Isa rin itong kilalang international model at siya rin ang isa sa mga indorser ng clothing brand namin sa ibang bansa.
Nakita kong pababa na ng hagdan si mommy kasunod nito ang mga kapatid kong sina Vance at Vencious.
"Mom, marumi nga ang condo ko ngayon. Kailangan ko ng maglilinis bukas. Baka naman pwede si Amber Via." Ang dinig kong ungot ng kapatid kong si Vance habang pababa sila ng hagdan..
"Naku, mahiya ka nga Kuya. Mommy ha, mga tingin nito kay Ate Amber nakakakilabot!" ang nakairap na palatak naman ng bunso kong kapatid.
Habang pangisi-ngisi lamang si Vance.
Amber Via...
Sino 'yon?
"Tumigil ka nga Vance, papapuntahin ko roon si aling Berta para maglinis ng condo mo. Huwag mo nang pangarapin na si Amber ang ipapadala ko roon. Hindi bagay ang beauty nun sa condo mong napaka dumi at napakagulo! Mahiya ka naman! Isa pa, tigil-tigilan mo na 'yang kakaporma sa kanya. Nakakahiya ka talaga! Si Salve na ang nagpalit ng lampin at diaper mo mula ng baby ka pa. Tigilan mo kalandian mo sa pamangkin nya!" ang matigas na babala ng aming ina habang nakatingin ng masama kay Vance at pinukpok pa ng pamaypay sa braso nito.
Napahaplos naman si Vance sa brasong nasaktan, nakita ko naman nang binilatan ito ng bunso naming kapatid at nginisian.
"Buti nga sa'yo," ang dinig ko pang ani Vencious.
"Andito na pala ang kuya n'yo e. Parating na rin ang mga bisita, umayos kayo. Umayos ka," ang may pagbabantang muli ni mommy kay Vance.
Napahinga ako ng malalim bago tumayo at humalik sa pisngi ni Mommy. Maya-maya pa'y nakita kong pababa na rin si Daddy.
Hindi rin nagtagal, ay dumating na rin ang hinihintay naming mga bisita.
Masaya munang nagkwewentuhan ang lahat sa may sala.
Pansin ko naman na panay dikit sa akin ni Celine.
Alam kong matagal na akong pinagnanasahan ng babaeng 'to e.
Hindi lang ako makapaniwala minsan na kahit mismo sa harapan ng mga magulang namin ay walang pakundangan na nagpapakita ito ng matinding interes sa akin.
"Excuse me po, Ma'am, Sir. Nakahanda na po ang hapag." Napabaling ako sa nagmamay-ari ng malamyos na tinig na iyon.
Para akong nabato balani nang mabunggaran ng aking mga mata ang napakaamong mukha ng isang babae na 'yon ko pa lamang nakita sa mansyon.
"Hi, Amber." ang dinig kong bati ni Vance.
Kita ko pa ang ngisi nitong makahulugan.
Parang naiilang na nag-iwas ng tingin naman ang babae.
Nakita ko nang tapunan ng nagbababalang tingin ni Mom ang kapatid kong si Vance.
Biglang naman nanahimik ito ngunit mababanaag pa rin ang pinipigilang pilyong ngiti sa mga labi.
So, ito pala ang Amber Via na tinutukoy niya?
Nice...
Narinig kong tumikhim ang aming ina at nakangiting hinarap nito ang babae.
"Sige, hija. Susunod na kami." Ang may tipid na ngiting ana ng aming Ina..
Niyaya na kaming lahat sa hapag. Hindi ko naman maiwasang sundan ng tingin ang babae.
Simple lamang ang suot nito. Isang paldang itim na hanggang bukong-bukong na tinirnuhan ng simpling blouse.
She has a glossy skin white complexion.
Her face was so angelic. Her slender eyebrows, velvety eyelashes.
Her dainty nose na bumagay sa mapula at medyo pouty nitong mga labi.
Ewan ko ba, pero tila laging hinihila ang mga mata ko para pagmasdan ang napakaganda at napakaamong mukha nito.
Nang umikot ito dala ang pitsil ng tubig para magsalin sa bawat baso ay napasunod ang mga mata ko at napatitig sa kan'yang mukha.
Nakasunod pa rin ako ng tingin kahit pa nang nasa gilid ko na ito para salinan naman ang baso ko ng tubig.
Nakita ko pa ang paglunok nito at napansin ko rin ang medyo panginginig ng kamay nito.
Mukha yatang pansin nito ang init ng titig ko sa kan'ya dahil tila apektado nga ito.
Nakita kong nakangisi sa akin si Vance na tinapunan ko ng nagbabantang tingin.
Nilakihan ko siya ng mata, nang mas lalong ngumisi ito sa akin and He mouted at me,
"WOW di ba?"
Wow nga. Tama naman siya.
Pero umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya.
Napailing na lang ako ng lihim.
"Parang hindi ka naman nakikinig sa'kin Vince e," napabaling ako kay Celine, hindi ko napansin na kanina pa pala nagsasalita nang hindi ko namamalayan.
Nakanguso ito na animo'y nagtatampo.
"I'm sorry Celine, did you say something?"
"Hindi ka nga nakikinig! Kanina pa ako dito nagsasalita." Ang parang batang maktol nito.
Nahihiyang napakamot na lang ako sa aking batok.
Masyadong natatangay ang utak ko sa kakatitig sa mukha ng bagong maid nila mommy.
"Hindi ka pa ba uuwi kuya?" ang nakakalokong tanong ni Vance sa 'kin.
He's grinning from ear to ear.
"Ang ganda no? Walang mga panama 'yong mga modelo't mga aritista mo." I lazily looked at him.
Hindi ko pinahalatang sang-ayon ako sa sinasabi nito.
Pinilit kong ipakitang hindi ako interesado kahit pa alam ko naman na amo'y din ako ng kapatid ko.
"Kuya, akin siya." ang may diin nitong bulong sa akin.
Napakunot ang noo kong tumingin sa kanya.
"Bakit markado na ba?" ang sarkastiko kong tanong.
Nahihiya itong napakamot ng batok.
"Balak pa lang... Pero may warning na ako mula kay Mommy e," gusto kong matawa sa rito.
Hindi lingid sa kaalaman ni Mommy ang mga affairs namin.
At may rules na kailangan masunod sa bahay na ito.
Hindi namin pweding pakialaman ang mga katulong.
May nangyari na rin kase noon, na bata ang naging isang katulong namin at nagawang galawin ni Vance iyon.
At ako? May pamantayan ako pagdating sa mga babae.
Mataas ang standards ko.
Gusto ko 'yong mga kilalang mga personalidad sa industroya.
Gusto ko 'yong maipagmamalaki ko sa mga tao.
Isang sikat na artista or sikat na modelo.
Ganon ang mga tipo ko...