Chapter 3

1202 Words
Chapter 3 Hindi alam ni Sam kung paano siya nakarating sa kwarto nilang mag-asawa. Ang huling pagkakaalala niya ay lango na silang tatlong magkakaibigan sa alak. Tumayo siya at ramdam parin niya ang alak na dumadaloy parin sa kaniyang katawan. Napatingin siya sa salamin at napansin niya na iba na ang kaniyang damit. Nasapo niya ang kaniyang ulo nang maalala na dapat maaga siyang umuwi hindi umaga. Lagot siya kay Alex! "Goodmorning!" walang ganang bati ni Alex no'ng makita ang asawang pagewang-gewang parin ang lakad papunta sa may kusina. "Handa na ang umagahan mo," "H-hon..." "Tumawag na nga pala ako sa opisina niyo, at nakausap ko si Melody sabi ko sa kaniya hindi ka makakapasok ngayon kasi sobrang sakit ng ulo mo," "Hon," "Kumain ka na," kakatapos lang lutuin ni Alex ang pinirito nitong tocino at kaagad niyang hinain sa hapag, saka na umupo si Sam. Lumapit si Alex upang serban ng mainit na kape ang kabiyak nang ma-serve na nito ang kape ay uupo n asana ito sa kaniyang pwesto ng pigilan siya ni Sam at hawakan ang kamay nito, napalingon si Alex sa kaniya hanggang sa magsalita si Sam. "Hon, I'm sorry." Sabay halik sa kamay nito. "Sorry kasi hindi ako tumupad sa usapan, pasensya na naparami lang ang inom ng tropa e," patuloy sa pagpapaliwanag si Sam sa kaniyang asawa hanggang sa si Alex na mismo ang kumalas sa paghawak ng kabiyak nito sa kaniyang kamay at bumalik na sa pwesto nito sabay sabing... "Wag mo nang isipin iyon. Nga pala iyong driver ni Klyde ang naghatid sa iyo rito tapos tumawag si Klyde sa akin, at humingi ng pasensya dahil sa inumaga na nga kayo," "Hon, I'm really sorry," pagmamaakawa ni Sam sa kaniyang katipan. "Kumain ka na, lumalamig na ang pagkain," hindi na muling nagsalita si Sam at nagpatuloy na lamang ito sa pagkain. --- Isang malamig na tubig ang gumising sa may amats na si Jervis. Tila para siyang nalunod at halos hindi makahinga dahil sa sobrang lamig ng tubig na ibinuhos sa kaniya sa mukha niya mismo ng kaniyang Popsie. "Lolo, papatayin niyo ho ba ako?" halos kapusin na nang hininga si Jervis habang nagsasalita ito. "Kung gugustuhin ko matagal ko nang ginawa, saan ka na naman galing ah?!" bulyaw ng matanda sa kaniya. "Nag-bonding lang kami nila Sam at Klyde," sagot ng binata sa kaniyang Lolo. "Bonding? Inabot na kayo ng umaga sa pagba-bonding niyo?" "Lolo," "Sei pazzo!" (You're Nuts!) "Lolo," "Disgraziato!" (You're a disgrace!) Galit na talaga ang kaniyang Lolo kasi nag-iitalian na ito. "Via, non t'arrabbiare," (Come on, don't get Mad.) sagot ni Jervis. "Sentimi!" (Listen to me,) "Kailangan ko na makilala next week ang babaeng pakakasalan mo," nanlaki ang mga mata ni Jervis sa sinabi ng kaniyang Lolo. Next week na kaagad? Hindi naman nagmamadali ang kaniyang Lolo? Jusko, saan siya makakahanap ng babaeng papayag na pakasalan siya kaagad? Urgh! Nae-stress na siya. Hindi na niya alam ang gagawin, kailangan na ba niyang patusin ang ideya ng isa niyang kaibigan? Pero, paano kung mahuli siya ng kaniyang Lolo? Lagot siya kung mangyayari iyon, bye-bye buhay mayaman, hello buhay mahirap! Tsk! --- Nagbabasa ng diyaryo si Sam ng hapon na iyon nang biglang lumapit si Alex at umupo ito sa kaniyang tabi. "Oh? May problema ba?" bakit ba palaging iniisip ni Sam na mayroong dinadalang problema si Alex? Naka-move on na ito no'ng nakunan ito no'ng nakaraang limang buwan. First baby nila iyon at halos mabaliw siya ng mamatay nga sa loob ang kaniyang anak dahil sa stress. Hindi naman malaman ni Sam kung saan banda o bagay na-stess ang kaniyang asawa, dahilan kung bakit ito nakunan. "Hindi mo sinabi sa akin na mayroon pala kayong out of the country trip ng boss mo?" nanigas si Sam ng marinig iyon kay Alex, ang lamig ng boses ng kaniyang asawa sa pagkakabanggit ng mga salitang iyon, may laman at tila galit at inis ang nasa loob nito. "A-ah..." nauutal na sabi ni Sam. "I was about to tell you kaso..." "Mabuti na lang sinabi sa akin ni Melody no'ng tumawag ako sa kaniya," malalo siyang pinagpawisan ng malamig dahil sa narinig na pangalan. Kinakabahan siya dahil mukhang mayroon nang alam ang kaniyang asawa sa kaniyang ginagawang kababalaghan. "A-ah... si Melody," umiwas ng tingin si Sam at nag-isip ng maidadahilan sa asawa. "Sorry, nagdadalawang isip kasi ako na sumama do'n kasi nga inaalala kita," mahinang sabi ni Sam na halos pabulong na niya ito no'ng banggitin. "Alam kong mag-aalala ka sa akin, tatlong buwan akong mawawala at hindi ko kayang mawala ng gano'n katagal na hindi kita kasama," sabay lunok ng laway nito. "Okay lang iyon, hon. Alam kong ginagawa mo naman ito para sa atin hindi ba?" hinawakan ni Alex ang malamig at pinapawisan nang kamay ng asawa, saka ito ngumiti sa harapan nito. "O-okay l-lang sa iyo?" nauutal na sambit nito. "Okay lang, siguro uuwi na lang muna ako do'n sa amin, para hindi ako maboring," "Hon, salamat!" napayakap ng mahigpit si Sam sa asawa. Sabay sabing... masaya ito dahil naiintindihan siya nito at higit sa lahat ay naiintindihan niya ang klase ng kaniyang trabaho, at mahal na mahal siya nito at pinagkakatiwalaan. Tumayo si Alex dahil may aasikasuhin pa ito sa loob ng kanilang kwarto, ngunit pagpasok nito sa kanilang kwarto ay kaagad niyang nilock ito at do'n na lumabas ang natatago niyang galit at inis sa asawa, bumagsak ang mga luha sa kaniyang mga mata. Napasandal siya sa likuran ng pintuan at dahan-dahan na ibinagsak nito ang katawan sa sahig, napayakap na lamang siya sa kaniyang tuhod ng minutong iyon, pakiramdam niya e wala siyang kwentang asawa, dahil alam nito kung ano ang dahilan kung bakit nagkakagano'n ang kaniyang asawa, dahil hindi niya ito mabigyan ng anak. Hindi pa siya nagpapa-check up kung sino nga ba talaga sa kanilang dal'wa ang may problema, kung siya ba o ang kaniyang asawa, pero hindi naman ata tama na maging dahilan iyon para mangaliwa ang isa sa kanila o gumawa ng kasalanan. Alam niyang may pangangailangan ang kaniyang asawa at may mga pagkakataon na hindi niya ito mapagbigyan, marahil ay dahil sa pagod na siya sa gawaing bahay at sa dami na rin ng iniisip nito. Maya-maya ay tumunog ang kaniyang phone, tumayo siya at pinunasan ang kaniyang luha. Tumatawag ang kaniyang Inay, kaagad naman niya itong sinagot at humihikbi ito habang kausap siya. "Bakit Nay?" nag-aalalang tanong ni Alex sa kaniyang mahal na asawa. "Nasa ospital kami ngayon anak," umiiyak na sabi ng Inay ni Alex. "Ano hong nangyari? Sino ang na ospital?" kinakabahan na si Alex sa mga nangyayari. "Si Lily, dinala naming siya sa ospital dahil bigla na lang siyang nahimatay," nanlaki ang mga mata ni Alex ng marinig ang pangalan ng bunsong kapatid. "Ano raw hong dahilan bakit siya nahimatay?" "Mayroon raw siyang brain cancer," "Jusko!" napahawak sa dibdib si Alex at halos hindi siya makahinga, dahil din do'n ay nabitawan niya ang kaniyang phone. Nagulat naman si Sam no'ng makita ang asawa na nakasalampak sa sahig at lumuluha ang mga mata, kaagad niya itong nilapitan at niyakap ng mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD