Chapter 2
"Hon?" tawag ni Sam sa kaniyang asawang si Alex. Hindi kasi niya mahanap ang kaniyang asawa. Kababalik lang kasi nito galing sa kaniyang trabaho. Alas diyes na nang gabi at nag-over time siya dahil sa marami pa siyang ginawa at tinapos na trabaho sa office nila, at inaalala nga niya ang kaniyang asawang si Alex dahil alam nitong hindi pa kumakain ang kaniyang kabiyak dahil palagi kasi silang sabay kumain ng dinner.
Hanggang sa marinig nito ang patak ng mga tubig na galing sa banyo. Naglakad siya papunta ro'n at nakita niya ang kaniyang asawa na naliligo sa loob nito, binuksan niya ang glass door ng banyo at nagulat si Alex sa pagkabukas bigla at pagpasok ng mahal nitong asawa.
"Kanina ka pa dumating?" nag-aalalang tanong ni Alex sa asawa.
"Hindi, kadarating ko lang," sagot ni Sam habang tila kinakapitan na nang init sa katawan ng makita ang hubad na katawan ng kaniyang mahal na asawa.
"Sige, antayin mo na lang ako do'n sa sala, malapit na rin naman akong matapos," nakangiting sabi ni Alex sa kabiyak. Ngumiting pabalik si Sam at tumalikod sabay sabing...
"Sige," tipid na tugon nito.
"U-uhm, ano bang gusto mong kainin?" tanong pa ni Alex kay Sam. Kainin? Busog na siya, nagdala kasi ng pagkain ang isa sa mga katrabaho nila sa opisina dahil sa kaarawan nito, pero ayaw naman niyang pag-isipin pa ng kung ano ang kaniyang asawa kaya sumagot na lamang ito nang...
"Kahit ano, ikaw na ang bahala," saka na siya tuluyang lumabas sa banyo at dumiretso sa may sala. Habang nakaupo sa may couch at nanonood ng palabas sa telebisyon ay biglang tumunog ang phone nito, tumatawag ang kaibigan niyang si Klyde sa kaniya. Si Klyde ay isa sa mga ka-klase nito no'ng nasa college ito, malaki ang naitulong ni Klyde at nang isa pa nilang kaibigan na si Jervis sa pag-aaral nito no'ng nasa kolehiyo pa lamang sila. Dahil sa may pera at mayaman ang dal'wa hindi na nito naging problema ang kaniyang pag-aaral at lahat ng mga bayarin nito sa paaralan, hanggang sa kapwa sila makapagtapos at magkaroon na nang sari-sarili nilang buhay.
Sa pagkakaalam ni Sam ay mayroong business itong si Klyde, may-ari siya ng isang kilalang club sa may Ermita at wala naman siyang balita na ngayon sa isa pa nilang kaibigang si Jervis.
"Oh? Pare, bakit ka na patawag?" nagkita kasi sila no'ng nakaraang taon sa isang tailoring shop na kung saan nagpatahi si Alex ng gown na siyang ginamit nila no'ng kasal, tamang-tama na naroon si Klyde dahil sa business partner niya ang may-ari ng shop na iyon, nag-usap sila ng saglit at dahil na nga rin sa kilala nila si Klyde ay nakakuha sila ng discount sa gown na ipinagawa nito, na 'ngako si Klyde na pupunta siya sa kasal ng dal'wa ngunit hindi ito nakasipot dahil na rin sa dami ng mga appointment nito at siyempre naging busy na rin siya sa mga business niya.
"Kailangan tayo ni Jervis ngayon," sabi pa nito. Ano raw? Kailangan sila ni Jervis ngayon, mukhang mayroon malaking problema ang isa nilang kaibigan. Napatingin si Sam sa gilid nito no'ng mapansin ang asawa na nakatapis nang tuwalya at tumutulo pa ang basang buhok nito sa kaniyang katawan at sa maging sa sahig.
"Sinong kausap mo?" tanong ni Alex kay Sam.
"Ah, si Klyde," sagot nito sa kabiyak.
"A-ah, okay magbibihis lang ako tapos magluluto na ako ng dinner mo,"
"Hon, 'wag na. Bumili na ako ng pagkain sa labas, pagsaluhan na lang natin ito," tugon ni Sam sa katipan.
"Gano'n ba? Sige, magbibihis lang ako," mahina at walang ganang sagot ni Alex. Batid ni Sam na mayroong problema ang kaniyang asawa na hindi nito masabi, kinakailangan nilang dal'wa mag-usap.
"Pasensya ka na pare, ano nga ulit iyong sinasabi mo?"
"Ang sabi ko kailangan tayo ni Jervis ngayon," pag-uulit pa sa sinabi ni Klyde.
"Bakit anong problema ni Jervis?"
"Malaki, malaki ang problema ng kaibigan natin," dagdag pa nito.
---
"Hon," mahigpit na niyakap ni Sam ang asawa habang dahan-dahan niyang hinahalikan ang leeg nito.
"S-sam," nakikiliting sambit ni Alex sa pangalan ng asawa. Naiilang siya sa ginagawa nito at naiinis kasi hindi pa siya tapos sa pag-aayos sa sarili.
Hinawakan ni Sam ang dal'wang braso ng asawa at pilit siyang hinarap nito sa kaniyang harapan.
"Hon, magsabi ka nga sa akin ng totoo mayroon ka bang iniinda?" kumunot ang noo ni Alex sa sinabi ng kaniyang asawa.
"Iniinda?"
"Pakiramdam ko kasi e, may pinoproblema ka," malungkot na sabi ni Sam rito.
"Wala, okay lang ako. Siguro na boboring lang ako dito sa bahay kasi wala akong gaanong ginagawa, pero okay lang ako, 'wag ka nang mag-alala sa akin," niyakap ng mahigpit at hinalikan ni Sam sa labi ang asawa sabay sabing...
"Hon, I love you," hindi kaagad tumugon si Alex sa sinabi nito.
"Hon?"
"Uhm, I love you too, honey." Saka siya tumayo at inayos ang buhok nito.
"Ano nga pala ang sinabi ni Klyde bakit siya napatawag?"tanong nito habang sinusuklay parin nito ang kaniyang basang buhok.
"A-ah ayun ba? May problema raw iyong isa naming kaibigan, at malaki raw ang problema nito, tinanong ko nga sa kaniya kung ano iyon, hindi naman rin raw niya alam,"
"So, magkikita kayo?"
"Oo sana, kaso gabi na e, at..."
"Okay lang, babalik ka naman kaagad hindi ba?" nagtaka si Sam sa inasta ng kabiyak, bakit parang okay lang sa kaniya na hindi ito kasama sa gabi?
"Okay lang sa iyo?"
"Oo naman, minsan lang humingi ng pabor si Klyde at alam kong importante iyon," nakahinga ng mabuti si Sam nang marinig ang bagay na iyon sa kabiyak. Naging masaya siya dahil naiintindihan siya nito, at mas lalo siyang masaya dahil alam nito na mahal na mahal siya ng kaniyang asawa, kahit na... may mga bagay na minsan ay hindi natin inaasahan na mangyayari.
---
"Dumating ka!" nakipag-apiran si Klyde at may gulat sa mukha ng binata ang hindi inaasahang pagdating ng kaibigan. Hindi inaasahan kasi alam nitong dis-oras na nang gabi at hindi na binata itong si Sam, may asawa na itong nag-aantay sa kanya tuwing gabi at hindi na gano'n ang lifestyle nito hindi katulad ng dal'wa niyang kaibigan.
"Oo, naman para sa tropa, nasaan nga pala si Jervis?"
"Samson?" napalingon sa likuran nito si Sam no'ng marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Malalim, malamig at tila maangas na boses ng dati niyang kaibigang si Jervis. Lumawak ang ngiti sa labi ni Jervis no'ng mapagtanto siyang tama ang kaniyang nakikita, ang dati niyang kaibigang si Sam ay nasa kanyang harapan na ngayon. Kailan nga ba sila huling nagkita at nagkasama? Hindi na niya matandaan, pero matagal na panahon na iyon, college days pa iyon.
Baby ng tropa si Sam. Baby, as in para siyang bata na walang kamuwang-muwang sa mga kalokohan sa mundo. Tanging pag-aaral lang kasi ang inatupad nitong si Sam at wala siyang night life bago pa niya makilala ang dal'wang ito. Bale, parang silang dal'wa ang nagbukas ng natatagong init nang pag-nanasa at kalokohan sa katawan ng dating binatang si Samson.
Mahigpit na niyakap at tinapik-tapik ng kaibigan ang likuran ni Sam at kulang na nga lang e halikan nito sa pisngi ang dating kaibigan dahil sa sobrang pagkasabik nito.
"Kamusta ka na?" excited na tanong ni Jervis kay Sam.
"Eto, may asawa na," sagot kaagad ni Sam sa kaibigan, nagkatingin sina Jervis at Klyde at maya-maya ay biglang tumawa na mag-isa itong si Jervis.
"Hahahaha, seriously?" hindi makapaniwalang sabi ni Jervis habang tila mawawalan na siya nang hininga sa lakas ng tawa nito.
"Bakit hindi ka natawa?" napansin nito na hindi natawa si Klyde kaya huminto na rin siya sa pagtawa.
"Last year ko pa alam," sagot ni Klyde rito.
"Sino ang malas na babae?" pang-asar na tanong ni Jervis kay Sam, nang biglang hinila ni Klyde si Jervis at pinaupo ito sa couch, saka niya tinawag ang waiter na siyang may dala nang alak nila at pagkain na rin na inorder nito.
"Hindi si Sam ang topic dapat dito, ikaw. Ano bang problema iyang sinasabi mo ah?" biglang naging seryoso ang mukha ni Jervis. Ang kaninang masayang aura nito kanina ay napalitan ng tila madilim na aura, marahil dahil sa problemang dinadala nito.
"Three months," sinimulan nang i-kwento ni Jervis ang lahat sa kaniyang mga kaibigan.
"Babae lang pala ang problema mo e, marami akong pwedeng ipakilala sa iyo, at isa pa 'diba may mga number ka naman no'ng mga babaeng nakasiping mo? I'm sure gusto ka nilang maging asawa," sabi pa ni Klyde.
"I don't think so," walang ganang sagot ni Jervis sabay lagok ng alak sa harapan nito.
"Bakit?" biglang tanong ni Sam.
"Kasi, lahat ng mga nakakasiping ko katawan ko at pera lang ang kailangan nila, I don't think na handa silang pakasalan ang isang babaerong katulad ko," tila nawalan na nang pag-asa si Jervis hanggang sa magbigay ng suwestyon si Sam sa kaibigan.
"Bakit hindi ka magbayad,"
"Bayad?" reak naman kaagad ni Klyde.
"Magbayad ng isang babaeng magpapanggap na asawa mo, then after 3months mag-file ka ng annulment, tapos ang problema mo," mukhang maganda talaga ang naisip ni Klyde na papuntahin si Sam rito ngayon dahil kung silang dal'wa lang wala silang maiisip na gano'ng ideya.
"What a brilliant idea," manghang sabi ni Klyde sa kaibigan.
"The question is, sino naman kaya o saan naman kaya tayo makakahanap ng gano'ng klaseng babae?" kaagad na sabi ni Jervis. Alam kasi nito na magba-back track at gagawa ang Lolo niya ng paraan para malaman kung talaga bang iyong babaeng maipapakilala niya sa kaniya ay legit at hindi nga gaya ng sa iniisip ni Sam. Matalino ang kaniyang Lolo, at hindi siya makakalusot rito.
"Mahirap nga iyan," bigla muling nawalang nang pag-asa si Jervis.
"Hindi iyan, makakahanap din tayo ng paraan diyan sa problema mo, 'wag ka ng malungkot, uminom tayo!" sabi pa ni Sam na hindi nawawalan ng pag-asa na makakahanap din sila ng solusyon sa problema ng kaibigan.