Chapter 4

1276 Words
Chapter 4 "10million?!" napasigaw si Sam ng marinig sa kabiyak ang maaaring gastusin sa pagpapa-opera sa kapatid nito. Patuloy parin sa pag-iyak si Alex kahit na nahimasmasan na ito sa mga nangyari. Hindi niya alam kung saan siya sila kukuha nang gano'ng kalaking pera. Hindi naman kasi malaki ang sinusweldo ni Sam at tama lang ito para sa kanila, lalong-lalo na, na hindi sapat ang pensyon na nakukuha ng mga magulang ni Alex na siyang ginagamit ng dalawang matanda sa pang araw-araw nilang pamumuhay. "Saan tayo kukuha ng gano'ng kalaking pera?" tanong ni Sam sa sarili. "Si Klyde, baka matulungan tayo ni Klyde," kaagad na pumasok sa isip ni Alex. Oo nga't mayaman si Klyde, pero hindi nakakasiguro si Sam na pahihiramin siya nito ng gano'ng kalaking pera, at iniisip rin ni Sam kung paano niya babayaran ang kaibigan, baka kahit habang buhay siyang magtrabaho ay hindi siya makakapag-ipon ng gano'ng kalaking halaga ng pera para ipang-bayad rito. "Alex, oo nga't maaari tayong matulungan ni Klyde pero paano naman natin siya mababayaran?" biglang tumayo si Alex at naglakad ng bahagya, tumahimik saglit at nag-isip, at no'ng mayroon nang ideya na pumasok sa kaniyang isip ay do'n na niya ito sinabi. "Kahit ano, kahit ano gagawin ko para sa kapatid ko. Para sa pamilya ko," umiiyak na sabi ni Alex. Tumayo si Sam at niyapos ng mahigpit ang asawa saka niya ito hinalikan sa labi at kinausap. "Sige, kakausapin ko si Klyde. Gagawin ko ang lahat, okay? 'Wag ka nang mag-alala," muli niya itong hinalikan sa noo at niyakap muli. --- "Ten Million?" nanlalaking mga mata ni Klyde. "Oo, pare. Kailangan na kailangan talaga naming ng gano'ng kalaking halaga ng pera. Kailangan na raw kasing ma-operahan sa lalong madaling panahon si Lily dahil masyadong delikado ang paglaki ng tumor sa utak nito," "I know, pero..." biglang lumapit si Jervis. "May problema?" napatingin si Klyde kay Jervis. "Ito kasing si Sam, iyong kapatid ng asawa niya may sakit na cancer kinakailangan raw nila ng sampung milyon para sa pag-papa-opera nito," "I'll take it," sabay silang napalingong dal'wa sa sinabi ng isa nilang kaibigan. "A-ano?" hindi makapaniwalang sabi ni Sam. Mayroong kinuha si Jervis sa loob ng bag nito, isang tseke, sinulatan ito ni Jervis at pinirmahan, pinunit at tsaka inabot kay Sam. "Tapos ang problema!" nakangiting sabi ni Jervis, napayakap naman ng mahigpit si Sam at natuwa sa inasal ng kaibigan, hindi kasi nito inaasahan na gagawa ng gano'n bagay si Jervis para sa kaniya. "Maraming salamat pare, hindi mo lang alam kung paano mo ako napasaya rito at gano'n rin si Alex," "Alex?" pagtataka ni Jervis. "Alex, pangalan ng asawa niya," kaagad na sagot ni Klyde at bigla itong nagpaalam na mayroon pa pala siyang meeting na kailangang puntahan. Natawag pa tuloy siyang KJ ni Jervis dahil iniwan na lang sila nito bigla. "Kailangan kong makita si Alex," sabi ni Jervis na may ngiti sa kaniyang mga labi. --- "Oh? Ang b-bilis..." sa sobrang gulat ni Alex ay nabitawan nito ang bitawan nito ang bitbit niyang bowl na may lamang kanin. Nagtext kasi si Sam na pauwi na siya at mayroon siyang isang kasamang kaibigan, pero ang hindi inaasahan ni Alex ay ang kaibigang tinutukoy nito ay walang iba kundi si Jervis Fortalejo, ang kaniyang first love. Nanlaki rin ang mga mata ni Jervis ngunit hindi ito nagpahalata, kinalma niya ang kaniyang sarili. "Sorry, magugulatin kasi talaga itong asawa ko," ngumingising paliwanag pa ni Sam sa kaibigan. "I'm sorry, may-aayusin lang ako sa taas," paalam pa ni Alex saka niya iniwan ang dal'wa sa may kusina. "At may pagka-anti-social pa," dagdag pa ni Sam. "Pare, kain ka," napatingin si Jervis sa inihandang ulam ni Alex para sa kanilang dal'wa. Adobong puti, hindi maintindihan ni Sam kung bakit itong pagkain na ito ang inihanda sa kaniya ng asawa. Ayaw niya ang lasa nito pero ito parin ang ginawa niya, pero... kabaliktaran naman ito ni Jervis, paborito ito ng binata, ay hindi paborito nila itong dal'wa ni Alexandra no'n. "Alex!!!" sigaw sa pangalan ni Sam sa asawa. Maya-maya ay bumaba na ito mula sa hagdanan, nagpalit ng damit at nag-ayos ng sarili. Iniiwasan ni Jervis na tumingin sa mga mata ng kabiyak ng kaibigan dahil ito ang kahinaan niya. Umupo si Alex sa tabi ni Sam at hinalikan siya ng asawa sa labi. "Siya si Jervis, college friend ko. Siya iyong sinasabi kong tumulong sa akin sa pag-aaral ko no'ng college days ko, well actually hindi niya ako tinulungan sa mga academic activities ko, naging financial sponsor ko siya, in return ginawa naman niya akong alila, hahaha." Malakas ang tawa ni Sam pero tahimik lang si Alex at ngumisi lang si Jervis. "Totoo iyon, alam ko naman kasi na wala akong utak at siya mayroon, kaya..." "Lahat naman tayo may utak, nasa sa atin lang iyon kung paano natin ito gagamitin," biglang sabat ni Alex. Malalim at tila may laman ang mga salitang ibinato nito sa kaibigan ng asawa. "Sorry nga pala sa nangyari sa kapatid mo," dagdag pa ni Jervis, hindi kumibo si Alex nang kinausap siya nito. "Hon, kaya narito si Jervis ay dahil mayroon kaming magandang balita sa'yo." Napalingon si Alex sa mukha ng kabiyak, tila parang kinakabahan siya sa sasabihin ng asawa. Hanggang sa ilabas ni Sam ang isang tseke na naglalaman ng Sampung Milyong Piso na siyang ipang-babayad sa pagpapa-opera at gamutan ni Lily. Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Alex at sa isang iglap ay bigla itong napatayo at tumakbo paakyat ng kwarto ng mag-asawa. Umiiyak si Alex sa loob ng kanilang kwarto. Bigla kasing bumalik sa kaniyang ala-ala ang lahat ng mga nangyari sa kaniya no'ng magkarelasyon pa silang dal'wa ni Jervis. Masasabi nito na iyon na raw ang pinaka-masayang nangyari sa kaniyang buhay. Ang makilala ang isang Jervis Fortalejo. Gwapo, mayaman, matipuno. Lahat ng mga katangian sa isang lalaki ay nakita ni Alex kay Jervis maliban nga lang sa pagiging pasaway nito at makulit na siyang naging pagkakaiba niya sa lahat ng mga lalaking nanligaw sa kaniya. Pero gaya ng ibang relasyon ay humantong rin sila ro'n, ipinalabas ng Lolo ni Jervis na nakabuntis ang kaniyang Apo dahil sa hindi nito gusto si Alex at inirereto nga niya ang kaniyang Apo sa ibang babae na anak ng kaniyang mga business partners, nagalit si Alex ro'n at simula no'ng ay hindi na siya nagpakita pa sa binata. "Hon, bakit ka biglang nag-walk out?" "Sorry, sumama lang ang pakiramdam ko, umalis na ba ang kaibigan mo?" "Oo, may meeting pa raw siyang pupuntahan, pero sa tingin ko nagdadahilan lang iyon, meeting? E wala namang posisyon iyon sa opisina ng Lolo niya. O? Okay na ba ang pakiramdam mo?" "Medyo," "Baka naman buntis ka?" tanong ni Sam. Buntis? Pero nag-PT siya no'ng isang araw negative ito. "Parati ka nalang nahihilo at walang gana nitong mga nakaraang araw, baka naman..." "Hindi ako buntis," sabay iwas sa asawa. "Okay ka lang ba talaga?" "Oo, pasensya ka na. Nga pala, dumating na iyong plane ticket mo," sabay abot ni Alex rito. "Next na nga pala iyong alis mo," dagdag pa nito. "Hon," "Okay lang ako, babalik naman hindi ba?" "Oo naman," lumawak ang ngiti sa labi ng asawa at lumapit ito rito saka niya niyakap ng mahigpit. "Hon, you're the biggest achievement I've ever had," tila parang bumalik siya sa nakaraan ng marinig niya ang katagang iyon. "Baby, kahit na hindi ako matalino, atleast na-achieve ko naman ang isang tulad mo. You're the biggest achievement I've ever had in my life."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD