Chapter 1
Chapter 1
Nasa kalagitnaan ng kasiyahan si Jervis ng lumapit ang kaibigan nitong si Klyde at inabot sa kaniya ang kaniyang phone na kanina pa tunog ng tunog no'ng iniwan niya ito sa table nila. Nanlaki ang mga mata ni Jervis ng mapag-alamanan nito na ang tumatawag pala ay ang kaniyang Lolo, agad niyang itinulak ang babaeng nakayapos sa kaniya, kesehodang dumausdos ang mukha nito sa sahig, wala siyang pakialam at kinuha ang phone sa kaibigan at lumabas sa loob ng bar na iyon, saka sinagot ang tawag ng kaniyang mahal na Lolo.
"Popsie?" kaagad niyang bungad sa Lolo niya.
"Nasaan ka na naman bang damuho ka?" alam mong inis ang lumalabas sa bibig nito at kung naroon lang sa kaniyang harapan ang binate ay malaman ay nasaktan na siya nito't nabatukan gaya ng dati.
"U-uhm..." nag-iisip na naman ng magandang dahilan si Jervis, ngunit sawang sawa na ang Lolo niya sa mga kalokohan ng kaniyang nag-iisang apo, kaya kahit anong sabihin nito ay alam niyang nagsasabi ito ng kasinungalingan.
"Tama na, Jervis! 'Wag ka mo na akong lokohin pa!" natameme si Jervis at tila parang nalunok nito ang mga salitang gusto pa sana niyang sabihin sa kaniyang Lolo.
"We need to talk!" sa pagkakasabi nito ng mga salitang iyon ay tila nakaramdamn ng kaba sa puso ang binata at pinagpawisan ng bahagya. Kailangan raw nilang mag-usap? Ano kaya ang kanilang pag-uusapan? May mga pumapasok na ideya sa kaniyang isipan ngunit wala paring kunkreto sa mga ito, hindi kasi niya matantya ang kaniyang Popsie, minsan kasi may ay okay ito at mas madalas may saltik ito, kung anong mapagtripan ay siyang ipapagawa rito.
"Sure, kailan po?" nakuha pa talagang magtanong ni Jervis, napanganga siya ng sabihin ng kaniyang Lolo na ngayon umaga na sila magkikita kaagad, ngunit papaano niya gagawin iyon kung nasa cebu siya ng mga oras na ito?
"Sige po," tumulo ang pawis sa kaniyang sintido at mas lalong bumilis ang t***k ng kaniyang puso. Mukhang seryoso talaga ang kanilang pag-uusapan. The last time na nagpatawag siya ng ganitong meeting ay hindi niya nagustuhan ang kanilang pag-uusap, dahil pinipilit siya nitong pakasalan ang anak ng kanilang business partner, maganda naman itong si Ellie kaso nga lang masyadong maarte na siyang isa sa kinaayawan ni Jervis, kaya kahit na gustong-gusto at kinakailangan nila para mas mag-expand ang kanilang business ay walang nagawa ang Lolo nito at dahil do'n ay muntik-muntikan na siyang mawalan ng mga luho niya, dahil pina-hold lahat ng kaniyang Lolo ang mga accounts nito, at hindi kinaya ni Jervis iyon, kaya siya nagmakaawa sa kaniyang Lolo at naging mabait sa loob ng halos tatlong buwan, mga buwan na isinusumpa niya sa tanang buhay niya. Tang-ina!
---
Mabuti na lang ay may mga mabait na kaibigan si Jervis katulad ni Klyde, pinahiram siya nito ng helicopter para makauwi kaagad sa Maynila at makita ang kaniyang Lolo. Kahit na pasaway itong si Jervis ay masasabing maswerte siya dahil sa mga kaibigan niya na siyang palaging nagtatakip at tumutulong sa kaniya sa tuwing kinakailangan niya ng tulong.
Tanging ang kaniyang Popsie Alejandro Fortalejo Sr. na lang ang kaniyang pamilya dito sa mundo, dahil sabay na namatay ang kaniyang mga magulang sa isang plane crash no'ng siya ay limang taon gulang pa lamang, kaya simula no'ng ito na ang naging pamilya niya.
Eksaktong alas sais ng umaga ay naro'n na siya sa Mansion, pagbaba ng helicopter ay sinalubong siya ng mga kasambahay nila at kinuha ang mga gamit nito, kaagad na tinanong ni Jervis kung gising na ba ang Popsie nito, kahit na alam niyang maagang nagigising ito.
"Kanina pa ho siya gising, Sir.," sagot ng isa. Tama ang kaniyang hinala, naunahan na naman siya nito. Pero masaya siya na hindi siya late sa usapan ng Lolo niya, maaga siyang nakarating.
"Nasaan si Popsie?"
"Nasa garden po, do'n raw po kayo mag-uumagahan," sagot pa ng isa. Napaikot at napabuntong hininga si Jervis alam nitong marami na naman silang pag-uusapan ng kaniyang Lolo, at karamihan sa mga sasabihin nito ay ang mga kalokohang nakuha nito sa kaniyang mga security na nagbabantay ng palihim sa binata.
Pagdating niya sa garden ay nakita nga niya ang kaniyang Popsie na nakaupo at nagbabasa ng diyaryo. Naglakad siya ng maayos hanggang sa makarating siya sa harapan ng kaniyang Lolo. Babatiin pa lang sana niya ang kaniyang Lolo nang bigla itong magsalita nang...
"Ang baho mo, maligo ka nga muna bago ka kumain, amoy club ka!" inis na sabi ng matanda sa kaniya.
Inamoy naman niya ang kaniyang sarili. Hindi naman siya mabaho, naaamoy parin naman niya ang kaniyang pabango na ginamit kagabi, paano kaya nasabi ng kaniyang Lolo na amoy club siya?
"Sige po," sagot ni Jervis saka ito tumalikod.
"10mins," napahinto ng lakad ng saglit si Jervis ng marinig nito ang sinabi ng kaniyang Popsie. Ano raw? 10mins? Ano iyong sampung minutong sinasabi nito.
"Ano ho?" pero hindi na siya nito pinansin pa, at ipinagpatuloy nito ang pagbabasa ng diyaryong hawak. Tinanong niya ang kasambahay na nasa tabi niya kung anong ibig sabihin ng kaniyang Lolo.
"10mins lang raw po ang ibinibigay niyang palugit para maligo raw po kayo," halos malaglag ang panga ni Jervis sa sinabi ng kaniyang kasambahay. Tang-ina! Sampung minuto? Ano ang magagawa niya sa sampung minuto? E, pag-iisip pa nga lang ng susuotin ay inaabot na siya ng halos isang oras, pag-iisip pa lang iyon ng susuotin ah? Hindi pa kasama ro'n ang pagligo at mga orasyon niya bago at pagkatapos maligo! Tapos, ang laki-laki pa ang Mansion nila, hindi talaga siya aabot sa sampung minuto.
"Tang-ina! Daig pa niya si Big Brother!" bulyaw sa hangin ni Jervis. Natawa naman ang kasambahay niyang kasama na si Jeselle sa inasal ng binata, kitang-kita kasi sa mukha nito ang pagkainis.
"Sir., imbis na nagrereklamo po kayo e, simulan niyo na pong takbuhin ang daan papunta sa kwarto niyo para makaabot po kayo sa sampung minuto," biglang naisip ni Jervis si Jeselle. Asawa kasi nito ang kanilang hardinero at stay-in sila at may sariling kwarto na malapit sa garden nakatirik ang bahay nila.
"Pwede bang makiligo ako ro'n sa inyo?" nagulat si Jeselle sa sinabi ng kaniyang amo.
"Po?" biglang hinila ni Jervis si Jeselle at tumakbo silang kapwa papunta sa kanilang tinitirahan, at pagpasok na pagpasok nito sa kwarto ng mag-asawa ay dumiretso na siya sa banyo ng mag-asawa at natanggal na ito ng kaniyang mga damit sa sahig at dali-daling pumasok sa banyo ng mag-asawa. Nagulat at nagtaka si Tonio no'ng makitang nasa labas ng bahay ang kaniyang asawa, do'n na sinabi ni Jeselle ang mga nangyari.
"Jeselle!" natatarantang pumasok sa loob ng bahay ang ginang para tanungin kung anong kailangan ng kaniyang amo.
"Nasaan ang towel niyo, at pwede ba akong makahiram ng t-shirt at short at boxer na rin ni Tonio," napanganga si Jeselle sa sinabi ng kaniyang amo. Hindi niya inaasahan ang mga bagay na sinabi nito.
"Jeselle!" bigla muli siyang tinawag nito na tila naiirita na dahil wala siyang nakuhang sagot o tugon mula sa ginang.
"Sir.! Andiyan na po!" tinawag niya ang kaniyang asawang si Tonio at dali-dali nilang binuklat ang damit sa drawer at naghanap ng maayos na damit para ipahiram sa amo at nang nakahanap na ay ibinigay na ni Tonio sa amo ang mga damit, at pagkalipas lang ng ilang minuto ay lumabas na ito. Basa pa rin ang buhok kahit na kinukuskos na nang tuyong towel na hiniram nito.
"Salamat," ngiting sabi ni Jervis saka dali-dali itong tumakbo palabas ng bahay ng mag-asawa na hindi parin makapaniwala sa mga nangyayari.
Pagdating muli ni Jervis sa garden ay nando'n pa rin ang kaniyang Lolo. Dali-dali siyang umupo sa upuan at pagkaupo na pagka-upo nito ay do'n ibinaba ng matanda ang hawak nitong diyaryo.
"Hi, Popsie!" ang haba ng ngiti ni Jervis, pero iniisip niya na baka hindi siya umabot sa minutong ibinigay sa kaniya ng kaniyang Lolo. Tinignan lang siya ng kaniyang Lolo, titig na tila akala mo ay gusto na siya nitong lamunin. Kung isa lang siya sa mga bisita sa bahay at tapos gano'n siya titigan ng matandang ito ay iisipin niya na may balak na masama ito sa kaniya, pero dahil apo siya nito alam niyang may kalokohan na namang balak ang matandang ito para sa kaniya.
"Lead the prayer," sabi nito sa kaniya.
"Ho?"
"I said..." hindi na niya inantay pa na ulitin nito ang kaniyang sasabihin. Paano nga ba ang mag-dasal? Hindi na alam ni Jervis kung kailan siya huling nagdasal o naki-usap sa may-kapal. Ay, naalala na niya. No'ng siya ay limang taong gulang, halos araw-araw at gabi-gabi siyang nagdarasal na sana gumaling na ang kaniyang mga magulang sa aksidenteng nangyari sa kanila, pero hindi. Hindi siya pinakinggan ng Diyos, at dahil ro'n ay kinalimutan na niya na may Diyos na nakikinig sa kaniyang mga dasal at hinaing.
"The name of the father and the son and the holy spirit, Amen. Our father..."
"Hindi ganyan!" napahinto siya sa pagdarasal at napatingin siya sa galit niyang Lolo.
"Bakit na naman?"
"Ganyan ka ba talaga mag-dasal?" sa totoo lang, Our Father lang talaga ang alam niya at kabisado niyang dasal.
"Ano bang gusto niyong dasal?"
"Iyong galing sa puso," tsk. Ang boring! Sabi niya sa kaniyang isip. Dasal na galing sa puso? Paano iyon?
"Lolo, hindi po kasi talaga ako marunong mag-dasal!" lumipad ang diyaryong hawak ng matanda sa mukha ni Jervis, at saktong-sakton talaga sa mukha niya ang makapal na papel na iyon. Uminiti ang dugo ng binata nang minutong iyon. Pagod na nga siya sa lahat ng mga nangyayari tapos gaganituhin pa siya ng matandang ito sa harapan pa ng mga kasambahay nila?
"Bastos ka talaga kahit kailan," bulyaw ng matanda sa kaniya. Napayuko na lamang si Jervis habang nagsisimula na siyang bigyang na namang mga makabagbag damdaming mga salita mula sa kaniyang Lolo.
"Kailan ka ba magtitino ah? Ilang taon ka na nga ba? 30? Anong tingin mo sa sarili mo, bata parin? Umasta ka nga sa edad mo," pinalabas lang nito sa kabilang tainga ang mga salitang ibinabato sa kaniyang ng kaniyang Lolo. Hindi na siya sumagot pa kasi the more na sumagot siya ay hahaba lang ang usapan, ano pa't mapapagod rin ito at siya na rin ang maghihinto sa usapan at mag-wo-walk out.
"Ano sa tingin mo? Hindi ko alam ang mga kalokohang ginagawa mo? Makapaglustay ka ng mga pera ko akala mo may trabaho ka! Ang kapal ng mukha mo! Anong gusto mo, kunin kong muli ang mga credit cards mo ah?" do'n na nagkaroon ng reaksyon si Jervis at dali-dali siyang napalingon sa matanda.
"Lolo, naman!"
"Ayan, diyan ka magaling! Lolo, naman! Jervis, hindi na ako bumabata hanggang kailan mo ba aayusin ang buhay mo ah?"
"Maayos naman po ang buhay ko ah?" nasapo nito ang kaniyang ulo sa sinabi ng kaniyang apo, na tila hahaybladin na talaga siya sa inaasal nito, daig pa niya ang thirteen year old kung sumagot.
"Maayos? Araw-araw kang nagka-club, araw-araw kang may iba't ibang babae na ginagamit, paano kung magkasakit ka sa ginagawa mo? Iyan ba ang maayos na buhay para sa iyo?" sa totoo lang, maayos na iyon para sa kaniya. Gigising siya sa umaga na may katabing babae na hindi niya kilala at matutulog siya sa gabi na may katabi muling babae na hindi niya muli kilala. Magkasakit? Pumasok na iyon sa isip niya, pero iniisip niya na minsan lang siya mabubuhay kaya live while we're young ang peg niya sa buhay. Live life to the fullest ika nga.
Hindi na siya muli pang nagsalita.
"Hanggang kailan ka magkakaganyan?" hindi siya kumibo.
"Three months,"
"Po?"
"In three months kailangan mong may maipakilala sa akin na isang babae, isang babae na makakasama mo habang buhay," medyo na guluhan siya do'n sa sinabi ng kaniyang Lolo.
"Po?"
"Jervis, you know that I hate to repeat the words that I already said right?" natameme siya. At nag-isip ng bahagya hanggang sa pumasok na sa utak niya ang gustong ipahiwatig sa kaniyang ng kaniyang Lolo. In Three months kailangan niyang may mahanap na babae na magiging asawa niya? Three months? Bakit three months? Anong Mayroon sa tatlong buwan?
"Bakit po three months?"
"Kapag nagawa mo ang bagay na iyan sa loob ng tatlong buwan, makukuha mo na ang lahat mana mo at mapapasaiyo rin ang mansion na ito at lahat ng mga properties ko dito sa bansa at sa ibang bansa na rin," nanlula si Jervis sa mga narinig niya sa kaniyang Lolo, at the same time na excite sa mga pasabog nito sa kaniya.
"What's the catch?" tanong ulit ni Jervis, alam niyang hindi lang ito basta dare sa kaniya ng kaniyang Lolo, alam niyang may dahilan kung bakit tatlong buwan ang ibinigay niyang palugit. Hindi kaya?...
"You don't have to know the reason behind three month period, I need result in three months, at kung hindi mo naman magagawa ito sa loob ng tatlong buwan, I handa mo na ang sarili mo na kumain ng asin at toyo at manamit ng mga second hand na brand na mga damit dahil mamumuhay ka ng mahirap pa sa daga, and you know what I mean and I mean it." pinagpawisan si Jervis sa banta ng kaniyang Lolo, alam niyang seryoso ito at hindi ito nagbibiro. Paano na ngayon iyan? Saan siya makakahanap ng babaeng magiging asawa niya?