CHAPTER 4

2153 Words
Inihiga niya ako sa kama at tuluyang hinubad ang aking damit. Sya naman ay nagtangal na rin ng kanyang pang itaas at nakita ko ang kanyang dibdib at abs. He’s so sexy and masculine. Dali-dali nya ring tinanggal ang kanyang pantalon at ang panloob pa nito. Nakalantad na ngayon ang mala adonis nyang katawan sa aking harapan at ang galit niyang alaga. Hinila niya ang aking panty at sumampa na siya sa aming kama. Agad ko naman siyang sinalubong at napabuka na ako sa harapan niya. Nakapikit siya sa kanyang paggalaw na labas-pasok sa aking hiyas. Mabagal noong una na bumibilis nang lumaon. Lumapit sya sa akin at tinuon ang siko sa kama. Hinalikan niya ako sa aking labi at papunta sa aking leeg. Napahalinghing naman ako at napasabunot sa kanyang buhok dahil sa kakaibang kiliti na aking nararamdaman. Bumaba pa ang labi niya at tinunton ang aking dibdib. Muli akong napaungol habang nilalasap niya ang tuktok nito at pansin ko ang gigil niya dito. Patuloy pa rin siya sa paglabas-pasok sa aking hiyas. Kinagat niya ako at nakalmot ko ang kanyang likod. Hanggang sa bumagal na siya at nanatili na lang ang kanyang alaga sa aking kweba. Pareho kaming nahiga sa kama na pagod na pagod. Nang makabawi na ako ng lakas ay nagtungo na ako sa banyo para maglinis at magbihis. Lumabas agad ako ngkwarto at nagtungo sa kusina para maghanda ng makakain namin. Pagkalabas niya ng kwarto ay nakahanda na ako ng almusal. “Upo na. Kain tayo,” sabi ko sa kanya “Kailangan ko ng umalis. Hindi ako pwedeng magtagal.” “Akala ko ba bibigyan mo ako ng isang buwan para magsama pa tayo?” “Hindi pwede. Ayokong magtaksil sa kanya.” “Ano? Ako ang asawa mo. Dapat ako ang kasama mo at ngayon iniisip mong sa kanya ka nagtataksil. Ako na bang kabet ngayon?” “Sinabi ko naman sayo na di na kita mahal at sya na ang mahal ko. Kaya mali ito. Patawad.” Nagmamadali siyang umalis at lumabas ng aming bahay. Di ako makapaniwla sa mga sinabi niya at di ko matanggap na hindi na niya ako mahal. Ano bang ginawa ng babaeng iyon sa aking asawa? Anong meron sya na wala ako? Umiyak lang ako at sinisi ang aking sarili sa lahat ng nangyari. Kasalanan ko na hindi nya na ako mahal. Hindi ko ginawa ang lahat para magkaanak kami. Sana ay lalo pa akong nagpaganda sa paningin niya at inalagaan ko ang aking sarili. Nakaupo lang ako sa sahig. Nanghihina ako at gusto ko na lang na matulog ulit. Tumayo ako at nakita ang pagkaing niluto ko. Kumain ako ng kaunti ngunit di ko ito malasahan kaya iniwan ko na lang ang mga ito sa mesa. Matutulog na lang ako at magpapahinga. Kailangn kong mag-isip kung ano nang gagawin ko sa aking buhay ngayon na iniwan na ako ni Liam. Maya-maya ay nagising ako dahil sa tunog ng aking telepono. “Hey girl, si Dana ‘to.” “Kamusta?” walang ganang sagot ko. “Ok naman. Ok na kami,” nagkabalikan na siguro sila ng asawa niya kaya lalo akong nalungkot. “Ikaw kamusta? Nakita ka nya ba na suot ang damit ko kagabi?” may excitement ang tono ng kanyang pananalita. “Oo nakita nya at naakit sya.” “That’s good pero bakit ganyan ang boses mo parang malungkot?” “Nagmadali rin syang umalis matapos na may mangyari sa amin. Hindi daw sya dapat nandito at ayaw nya daw pagtaksilan ang babae niya,” paliwanag ko. “Sira ulo pala sya. Bulag na sa pagibig sa kalaguyo niya. So, ano ng gagawin mo? Kailangan mo ng tulong?” “Ok lang ako. Kaya ko ang sarili ko kaso lang kailangan ko ng trabaho. Walang-wala ako at two months na lang ako dito sa apartment ko.” “Pwede kitang tulungan na mag-part time job sa akin. Magkita tayo bukas.” “Ha? Totoo ba? Salamat Dana, sa tulong mo. Ang bait mo sa akin.” “Padadalan kita ng pera ngayon. Ibigay mong bank account mo.” “Salamat ulit ha. Di ako makapaniwala. Hulog ka ng langit talaga.” Hindi ako makapaniwalang iniwan ako ng aking asawa na walang-wala at mag-isa. Wala na talaga syang pakielam sa akin. Awang-awa ako sa aking sarili pero dapat akong lumaban. Kinabukasan, pinag-empake ako ni Dana ng mga damit na pang isang linggo. Samahan ko daw syang makipagmeeting sa mga clients niya. Ako daw ang magiging assistant niya hanggang matapos ang mga inaasikso niya sa negosyo at pagkatapos ay aalis muna silang mag-asawa. Habang kasama ko sya ay parang di naman ako nagtatrabaho. Panay kain lang kami at kwentuhan sa hotel na tinutuluyan namin. Habang kausap niya ang mga clients niya ay nakaupo lang ako sa tabi niya at inaabot ang mga papeles na kailangan niya. May iba pa pala syang pinagawa. Mag send ng emails, text at makipag-usap na rin sa ibang kliyente sa telepono. Pagkatapos ng isang linggo ay ibinigay na niya sa akin ang sweldo ko. Malaki kesa sa inaasahan ko at pwede na akong magkarinderya. “Sobra-sobra to sa trabahong ginawa ko.” “Tanggapin mo na. Kailangan mo ng pangumpisa di ba?” “Mababayaran din kita balang araw. Pangako.” “Ano ka ba? Bigay ko nga yan. Tinulungan mo ako noong wala akong makausap kaya regalo ko na yan sayo. Mag-thank you ka na lang.” “Maraming salamat talaga. Thank you.” Nagyakap kami ng sobrang higpit dahil sa laki ng aking pasasalamat. Binaba na niya ako sa tapat ng aking apartment saka siya umalis. Napabuntong hininga na lang ako ng maisip na mag-isa nanaman ako. Naging masaya kasama si Dana at ngayon malungkot nanaman sa bahay na ito. Hila ko ang aking maleta sa harap ng aking bahay at sinusian ang aking pinto. Sa pagbukas ko ng aking pinto ay di ko akalaing makakakita ng isang di ko inaasahang estranghero. Kinabahan ako at natakot ng makita ito sa loob ng aking bahay. Laking gulat ko ng makita ang isang lalaki na di ko kilala sa loob ng aking apartment. Nakaupo sa sofa, walang shirt, naka electric fan at nanonood ng tv. Ang nararamdaman ko ay napalitan ng pagtataka at pagkainis. “Sino ka?” saad ko na may inis. “Sino ka rin?” pabalang na sagot nito na akala mo ay sya ang may-ari ng bahay. “Apartment ko ‘to. Anong ginagawa mo dito at paano ka nakapasok? Magnanakaw ka no?” “Excuse me miss. Apartment ko ‘to at nagbayad ako ng upa sa may-ari ng one month deposit at two months advance.” Akala yata ng kasera ay umalis na ako. Ganid talaga ang matandang babae na yun. Di pa ubos ang bayad ko, nagpatira na ng iba. Agad kong tinawagan ang kasera. “Aling Tonya, bakit nagpatira ka dito sa unit ko. May bayad na ako sayo ng dalawang buwan pa ha.” “Ha? Ah e, akala ko umalis ka na kasi kaya naibigay ko rin ang unit sa lalaki.” paliwanag ng matanda. “Ibalik mong pera niya. Sa akin pa rin itong bahay.” “Pasensya kana Lily kasi nagastos ko na ang pera. Noong isang araw pa. Pwede naman kayong magshare. Dalawang kwarto dyan at pwede ka pang magextend ng isang buwan pa. Pasensya kana ha.” Binabaan ko na ng phone ang kasera dahil sa inis ko. Ang lalaki naman ay nakita kong palabas ng aking kwarto na nakasuot na ng shirt. “Hindi ka pwede dito. Humanap ka ng ibang matutuluyan.” “Seryoso? Gabi na at saan mo ako paghahanapin ng matutuluyan? Isa pa, nagbayad din ako dito kaya may karapatan akong tumira dito. Dito na lang ako sa sofa matutulog kahit na maiksi at matigas.” Nangunsensya pa at naisip kong, gabi na nga at kawawa naman sya. “Lilinisin ko na lang yung kabilang room bukas. Doon ka na lang. May kutson din doon na pwede mong gamitin. Kapag may umalis na naupa saka ka na lang lumipat.” “Salamat. Di naman ako masamang tao kaya hwag kang matakot.” Kinabukasan ay maaga kong inumpisahang linisin ang kabilang room na ginawang tambakan namin noon ni Liam. Tumulong din naman sya sa paglilinis at inimis ang mga tambak na gamit doon. Ang iba ay nilagay ko sa ibabaw ng kabinet at ang iba naman ay sa ilalim ng aking kama. Medyo mainit ang panahon ng araw na yun at pareho na kaming pawisan. Wala syang alinlangan na naghubad ng kanyang shirt at pinunas sa pawisan niyang katawan. Di ko namalayan na napatitig pala ako sa katawan niya. “Baka tumulo na ang laway mo miss,” saad nito na ngumisi pa sa akin. Umismid ako saka lumabas na ng kwarto. Nagdiretso ako sa kusina at uminom ng malamig na tubig para maibsan ang init na aking naramdaman dahil sa init ng panahon. “Pagod na ako kaya ikaw nang maglinis ng kwarto mo,” umupo ako sa upuan sa kusina at sya naman ay nakasandal sa hamba ng pintuan ng kwarto. “Hindi pa tayo tapos maglinis ha. Tara na. Tulungan mo ako,” nakangiti siya na para bang nanunukso pa. Inirapan ko lang sya at nagdiretso na ako sa banyo para maligo dahil init na init na ako at naglalagkit ang katawan pagkatapos ay nagluto na ako sa kusina para sa tanghalian namin. Nagsaing ako at nagbukas ng de latang corned beef. Nilagyan ko lang ito ng sibuyas saka ginisa. “Hoy, kakain na,” tawag ko sa lalaking di ko pa alam ang pangalan nang matapos akong makapagluto. “Hoy? You can call me babe,” nakangiti siyang nanunukso nanaman. “So anong first name mo? Bobby, babe for short,” biro ko. Napatawa siya. “Calvin. Vin for short. Pwede mo rin akong tawaging babe. Ikaw?” “Lily. Pwede na ring Li para mas maiksi pa.” “Li, pwede bang humingi ng pabor?” Kakakilala pa lang hihingi na ng pabor. Baka naman magpapatulong lang ulit maglinis. “Sige ano yun?” “Nakakahiya man, pero wala kasi akong choice ngayon. Naibayad kong lahat ang pera ko sa land lady. So, I don’t have any money right now.” Umingles pa. Wala naman palang pera. Kinakabahan ako ha. Uutangan na agad ako ng mokong na ‘to. “Hinahanap ko kasi ang father ko at nang malaman ng mom ko, pinalayas nya ako sa house namin.” Ang conyo magsalita. Pero infairness mukha naman syang mayaman. Con artist yata ito eh. “I only have some clothes with me. My money and my car was left at my house,” patuloy pa nito. Di nga? Di kaya scammer itong lalaking ito? “Bakit naman ayaw ng mom mo sa dad mo?” usisa ko “Kasi hindi daw kami pinaglaban nito. Magkaaway ang pamilya nila sa negosyo kaya ayaw ng parents ni Mommy kay Dad.” Parang telesrye lang ha. Magaling gumawa ng istorya. “Eh, magkano naman ang kailangan mo? Kailangan ko rin kasi ng pera para sa karinderyang ipapatayo ko.” “Mga 50,000 pesos. Pwede na yun para sa paghahanap ng dad ko.” Seryoso. Yun ang buong binigay sa akin ni Dana tapos gusto nyang kunin lahat? Nanlaki ang mata ko sa laki ng uutangin niya gayong kakakilala lang namin. Di ako makapaniwala na magkaroon ng roommate na katulad niya. “Ibabalik ko rin naman agad once na makita ko na ang dad ko.” “Wala kasi akong ganoong kalaking halaga. Walang-wala din ako dahil iniwan ako ng hinayupak kong asawa at sumama sa iba. Kahit singkong duling walang iniwan ang walang hiya.” “How about 20,000 meron ka?” “Uhm, 10,000 pwede kitang pahiramin. Marami ding gastos dito s bahay. Pagkain, kuryente, tubig.” “That’s not enough pero pwede na rin. Ibabalik ko rin naman agad. Hwag lang mag-alala.” Putcha! Choosy pa ang walang hiyang ito ha. Dapat pala 5k lang. Hays. “Bakit mo pa hahanapin kung iniwan na kayo? Ibig sabihin ayaw nya sa inyo.” “He’s still my dad and I want to see him. And also, my mom is sick, I know she still loves him. Can I get the money before you sleep?” Grabe din naman ang kakapalan nitong conyo na ‘to. Atat na hawakan ang pera ha. “Sure. Before I go to sleep, I give you the money,” napapaingles din tuloy ako sa mokong na ‘to. “Nagmamadali din kasi akong mahanap sya. Maaga akong aalis bukas.” “Ok, no problem. I give it to you later.” Pagkakain ay nagtungo na ito sa kanyang kwarto. Iniwan ang plato sa mesa at di man lang nailapag sa lababo. Pambihira. Ako na ang nagluto, ako pa ang maghuhugas. Di marunong tumulong ang hinayupak. Kapal ha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD