Nakatulala lang ako na parang iniwan na ng katinuan. Tumutunog na pala ang phone ko nang di ko namamalayan.
Bakit ako tinatawagan nito?
Hindi ko sinagot. Muli itong tumawag kaya sinagot ko na. Baka emergency kasi at number ko ang naidial niya.
“Dana. Bakit?” pagtataka ko na tawagan niya ako dahil matagal na kaming hindi nagkakausap. Wala akong narinig na response. Napindot lang yata.
“Hello?” muling saad ko at nakarinig na ako ng mahinang pag-iyak.
“Pwede ka ba ngayon? Kailangan ko kasi ng makakausap,” halata na sa boses niya ang pag-iyak.
Ako pa talaga ang tinawagan nitong babaeng ito.
“Huminahon ka nga. Bakit anong nangyari? Wala akong ipapautang sayo. Sinasabi ko na agad ha,” biro ko.
“Gaga, hindi ako mangungutang. Kailangan ko lang ng makakausap. Yung asawa ko kasi nahuli ko.”
“Hay, seryoso ka ba dyan? Makikipag-usap ka sa taong iniwan na ng asawa?”
“Bakit? Niloko ka din?”
“Oo. Mukhang mahabang usapan ito ha. Your place or my place?”
Napatawa sya. “Magkita tayo sa labas. Mag lunch tayo,” naramdaman kong kahit papaano ay sumaya ang tinig nito sa telepono at ako naman ay nakaramdam din ng kaunting pag-asa. Marahil ay narealize namin na di kami nag-iisa sa pagsubok na kinahaharap namin ngayon.
Naligo agad ako. Na excite akong lumabas. Sabi nya ay magdadala daw siya ng sasakyan. Siguro ay magro-roadtrip kami gaya ng ginagawa namin noong college days.
Binuksan ko ang aking cabinet na may mga lumang damit. Skinny pants, fitted sexy shirts, mini skirt, strappy sandals and pumps. Naka-black shorts ako, pink blouse at flat sandals ang suot ko. Nagplantsa ako ng buhok at may kaunting kulot sa dulo. Naglagay ng kaunting make up, kinuha ang sling bag ko saka nilock ang pinto ng bahay.
Sa isang restaurant daw kami magkita. Kinawayan ako nito at agad akong lumapit sa kanya.
“Kamusta. Ang tagal nating hindi nagkita. Maganda ka pa rin,” saad nito sa akin.
“Ikaw din maganda pa rin,” bati ko rin sa kanya.
“Pero anong nagyari sa atin?” takang tanong ko hindi lang sa kanya kundi sa aking sarili din.
“Inaalagaan lang natin at ginawang mundo natin ang mga walang kwentang asawa natin,” sagot niya sa tanong ko.
“Mga asawa nating hindi makuntento kung anong meron sila.”
“Mga magloloko na dapat sipain,” galit na sbi niya sabay ng pagbagsak ng kanyang kamao sa mesa.
Habang nag-uusap ay nag-order na kami ng aming pagkain. Habang hinihintay ay nagkuwento na sya. Nalaman nya lang daw kagabi na may babae ang asawa niya at hihiwalayan na sya. Parang kami lang din ng asawa ko. Nauna lang ako ng isang araw.
“Soulmates yata tayo. Pareho tayo ng kapalaran,” natatawang saad namin sa isat isa.
“Sya ang buhay ko kaya paano na ako ngayon. Inalagaan ko sya at binigay sa kanya ang lahat pero naghanap pa rin sya ng iba,” biglang naluha si Dana habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Nakikinig lang ako at tumulo rin ang aking luha. Pareho kami ng kapalaran pero sya ay may kaya sa buhay at may pera pero ako, walang kahit ano. Paano na nga ba ako?
“Akala yata nila ay mga katulong lang tayo na pwedeng palitan ng mas bata at mas magaling,” saad ko.
“Anong dahilan nya kung bakit ka iniwan?” tanong nito sa akin
“He fell out of love daw at hindi na sya interesado sa akin.”
“Ano? Napaka-walang hiya naman ng asawa mo.”
“Eh ang asawa mo ano naman ang dahilan?”
“Natatapakan yata ang pride niya na mas malaki akong kumita sa kanya. Sa bahay lang ako pero mas malaki pa ang kita ng mga investments ko sa sweldo niya. Hindi ko sya maintindihan kung ano pang ayaw nya.”
Sya ang nagbayad ng kinain namin. Pagkatapos ay nagpunta kami sa isang nail salon. Sabi nya treat nya daw kasi dinamayan ko sya. Red ang pinalagay naming kulay sa aming mga kuko. Power and fierceness daw or wala lang maganda at sexy lang talaga ang red.
Niyaya din niya akong magpamassage. Tumanggi ako kasi nahihiya na ako sa pagti-treat niya.
“We’re cheated. We should pamper ourselves. Sa sobrang stress natin, kailangan natin ito ngayon. Ko ng bahala at hwag kang mag-alala sa bayad. Sagot ko lahat.”
“Nakakahiya na kasi.”
“Ok lang ano ka ba.” pamimilit pa nito sa akin.
“Baka lang kasi antukin na agad tayo.” pagdadahilan ko pa.
“Oo nga, nakakaantok ang masahe. Magshopping na lang tayo ng outfit natin para sa pagpunta natin sa bar mamaya.”
“Bar?”
“Oo magbar tayo. Halika na, mamili tayo ng damit.”
“Mukhang malaki nga ang kinikita mo. Sasamahan kitang bumili.”
“Pumili ka rin ng sa’yo.”
Tumanggi ako pero talagang mapilit siya na ibili ako ng damit. Nagtingin naman ako sa boutique at nakakita ng dress.
“Tingnan mo ‘to. Bagay ito sayo.”
“Ano ba yan? Damit pa ba yan? Ayoko nyan sobrang sexy. Baka magising na lang tayo na may katabing lalaki sa kama.”
“Bakit hindi, kesa naman sa lansangan tayo abutin ng kalasingan at doon tayo makatulog.”
“Naloloka ka na talaga Dana. Pero ano bang plano mo? Pababalikin mo ba sya o magmomove on na?”
“I’m planning a sweet revenge hanggang sa lumuhod siya sa harapan ko para tanggapin siyang muli.”
“Paano mo naman gagawin yun?”
“Ipaglalaban ko ang pag-ibig ko. Gagawin ko ang lahat para balikan niya ako pagkatapos sya naman ang hihiwalayan ko. Parang bampira na hihigupin ko ang lahat ng kanyang dugo at iiwan syang walang buhay.”
“Madali yun para sayo. May pera ka pero ako kahit pa may pera ako, hindi na yata talaga babalik sa akin ang asawa ko. Siguradong-sigurado syang makipaghiwalay sa akin pero gagawin ko pa rin ang lahat para bumalik sya.”
“Tama na nga yang kwentong pag-ibig. Magsukat na lang tayo at magpakasaya mamayang gabi.”
Naghahagikgikan kami sa loob ng fitting room dahil pinipilit ni Dana na magkasya sa kanya ang small size na damit. Sexy naman sya pero malaki ang balakang.
“Medium ka na siguro. Tanggapin mo na lang. Sexy ka pa rin naman.”
“Oo na nga medium na nga siguro,” lumabas sya at nagpakuha ng size niya.
“Wow!” saad nito pagbalik sa fitting room.
“Bakit?”
“Ang ganda at ang sexy,” tight blue square neck dress ang suot ko. Kita ang cleavage at hubog na hubog sa katawan ko.
“Babalikan nya na ba ako?”
“Absolutely, sexy lady,” nagtawanan kaming muli. Tinulungan ko naman sya sa napili nyang damit. Thin strappy shoulder, low neckline, backless, fitted mini dress with slit. In short kapirasong tela na itatakip sa kanyang katawan.
“Sino pang aayaw sa magandang dalaga na ito?” napakasexy nya sa damit na iyon.
“Sino pa, kundi ang walanghiya kong asawa. Ayaw nya na daw sa akin kaya manigas sya.”
“Maninigas talaga yun kapag nakita ka.”
“Isusubo ko naman agad.”
Ang bad girl mo. Ang laswa.”
Binayaran na ni Dana ang binili naming dress at nakahikab ako. Wala pa akong masyadong tulog.
“Puyat ka din?” napahikab din sya.
“Oo.”
“Matulog muna tayo sa bahay ng parents ko. Maaga pa naman para magbar. Tutal mamaya pa ang open ng bar. Ayokong umuwi sa bahay ng asawa ko.”
“Ayoko ring umuwi sa amin,” bitter na sagot ko.
Natulog muna kami sa dating kwarto nya noong dalaga pa sya. Alas singko pa lang ng hapon kaya makakatulog pa kami ng matagal. Alas otso ng magising ako pero ramdam ko pa ang antok. Natulog akong muli.
Narinig ko na lang ang tawag sa akin ni Dana na ginigising ako.
“Gising na Lily,” antok pa rin ang boses nito.
“Tutuloy pa ba tayo? Inaantok pa ako.”
“Oo tara na. Sayang ang gabi.”
Nag-ayos na kami at nagbihis ng mga bago naming dress. Pinahiram niya ako ng kanyang high heel sandals. Pareho kaming nahka high hells na nakakahaba ng legs at nakakasexy. Nagmake up at nag-ayos ng buhok. Sakay kami ng kotse niya at ready na papunta sa bar.
“Umiinom ka?” tanong niya.
“Dati pa. Nung college pa tayo. Ikaw?”
“Hindi na rin mula ng mag-asawa ako.”
“Good luck sa atin.”
Pumasok kami sa bar. Medyo may kadiliman pero aninag naman ang mga taong naroon. Nagkukwentuhan habang nag-iinom. Mahina lang ang music para sa mga taong gusto lang magchill. Nilampasan namin ang mga taong nakaupo lamang at pumasok sa isang parte ng bar. Nandoon ang mga nagsasyawan sa malakas na tugtog. Doon kami nagtungo at naupo. Nag-order ng dalawang lady’s drink habang nagmamasid sa paligid at para makakita ng mga lalaking magppainit sa aming gabi.
For the eyes only at hindi para makipag one night stand sa kung kanino man.
“Hwag tayong maglasing ha baka pagssishan pa natin,” paalala ko sa kanya.
“Yes ma’am. We are responsible women of this society,” nagtawanan kaming muli.
Pagkaubos ng aming lady’s drink ay nagorder ng beer si Dana. Pinigilan ko pero tig isa lang daw kami. Wala daw kasing tama ang una naming ininom.
“Gusto mo pang tamaan talaga ha.”
“Sige na, tig isa lang naman.”
Pumayag na ako at pag kaunbos namin ng beer ay niyaya na ako nitong sumayaw. Tinamaan na nga yata talaga ang babaeng ito. She’s dancing wildly. Nag-alala naman akong baka may lalaking magsamantala sa kalagayan niya.
“Tinext ka na ba ng asawa mong magaling?” tanong nito
“Hindi pa. Eh ikaw?”
“Wala talaga syang pakielam. No text, no calls, no husband!” sigaw nito sa dance floor.
“Kumalma ka nga. Lalabas na yang boobs mo sa damit mo.”
“Hayaan mo lang. Wala na rin namang hahawak nito. Magpicture tayo. Nasaan ba ang phone ko? Wait lang. I’ll post it so our husband will know how much we enjoy life without them.”
Patuloy pa rin kami sa pagsasayaw. Nilalayuan na nga kami ng mga tao at baka tamaan sila ng kamay ni Dana na humahampas sa hangin. Isang lalaki ang biglang humawak sa bewang nito.
“Anong ginagawa mo?” tanong nito kay Dana
“Hoy sino ka?” takang tanong ko at nanlaki ang mga mata.
“At ikaw, sino ka ba?” balik na tanong nito sa akin.
Hila na niya ang kaibigan ko at hinabol ko naman ito.
“Miss, ako ang asawa ni Dana.”
“Ha? Yung manloloko nyang asawa?”
“Hindi ko sya niloko. Yun ba ang sabi niya?”
“Hoy Dana, asawa mo ba to?” tanong ko sa kaibigan.
“Oh, my handsome husband that I love wholeheartedly. Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba ayaw mo na sa akin.” lasing na nga talaga sya.
“Tumigil ka na. Umuwi na tayo.”
“Totoo bang asawa ka nya? Anong proof mo?” pigil ko pa sa lalaki.
Pinakitaan niya ako ng pictures sa phone niya habang humihimas naman si Dana sa katawan ng lalaki.
“Ok, ikaw nga yan.”
Sinundan ko sila sa labas at nakitang isinakay na ng lalaki ang aking kaibigan sa kanyang saskyan. Naiwan ako sa bar at sumakay na lang ng taxi pauwi sa aking apartment.
Pagdating sa aking bahay ay madilim ang labas at loob nito. Alam kong hindi nanaman umuwi ang aking asawa. Hinubad ko lang ang aking sapatos at nahiga na sa sofa. Agad naman akong nakatulog dahil sa pagod at konting alcohol sa katawan.
Nagising ako ng makaramdam na naiihi. Pagkatapos ay tumingin ako sa salamin ng banyo. Naka make up pa rin ako at inayos ko lang ng bahagya ang magulo kong buhok. May kulot parin ang dulo nito at napangiti lang ako. Maganda pa rin ako kagaya kagabi. Sayang lang at umuwi kami agad.
Nagtoothbrush ako dahil naaamoy ko pa ang beer na ininom ko kagabi. Palabas na ako ng makita kong papasok naman ang asawa ko s aming bahay.
“Ikaw nanaman?” saad ko. “Kunin mo na ang lahat ng gamit mo at hwag ka ng bumalik pa dito.”
“Akala ko ba gusto mo pa akong makasama ng isang buwan? At saan ka naman pupunta ng ganito kaaga?” napansin kong napatitig siya sa akin. Sa suot ko at sa itsura ko.
“Maghahanap ng trabaho para may makain ako at may pang upa sa bahay na ‘to,” sarkastikong saad ko.
“Trabaho? Sa suot mong yan?”
“Baka kasi may tumanggap sa akin na maging kabet sa ganitong damit. Maghahanap ako ng mayaman na mag-aalaga sa akin at bibigyan ako ng atensyon,” lumapit pa ako sa kanya para inisin sya. “Yung magbibigay ng importansya at magpapasaya sa akin,” sinabi ko sa mukha niya at tinaasan ko sya ng kilay.
Kita ko ang pagtagis ng kanyang bagang at natutuwa ako na naiinis sya sa mga sinabi ko. Nakita ko ang pagkagulat sa mata niya at napangisi ako. Mukhang di sya makapaniwala sa mga sinabi ko at lumamlam ang mga mata niya.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot. “Nasaktan ko ba ang damdamin niya?” Napatitig ako sa gwapo niyang mukha. Gusto kong damahin ng aking palad ang kanyang pisngi pero kailangan kong magpigil. Nagkatitigan kami. Unti-unti na yata akong lumalambot sa kanya. Para akong hinnihipnotismo ng maganda nyang mga mata.
Sa pagbilis ng t***k ng puso ko ay napahinga ako ng malalim. Naramdaman ko ang pagkapit ng braso niya sa aking bewang at sinandal ako sa pader ng marahan. Nagkalapit ang aming mga katawan at ang isang kamay niya ay nakatukod sa pader. Lumapat ang mga labi namin sa isa’t-isa. Napapikit ako at tumugon sa halik niya. Namiss ko sya. Miss na miss ko na sya. Ang matamis nyang bibig.
Sabi nya ay wala na syang pag-ibig sa akin pero ano ito?
Tawag lang ng laman dahil sa damit na suot ko at sa make up sa aking mukha pero gusto kong angkinin niya ako kahit na wala na syang pagmamahal pa sa akin.
Naramdaman ko ang haplos ng kamay niya sa aking pisngi pababa sa aking leeg. Ako naman ay nakahawak na sa kanyang dibdib. Napaungol ako ng bumaba pa ang kamay niya sa aking dibdib at minasahe ito ng marahan. Ang labi naman niya ay bumaba sa aking leeg kaya napasabunot ako sa kanyang buhok. Nakaramdam ako ng kiliti sa aking buong katawan. Napakatagal na ng huli namin itong ginawa.
Inangat niya ako at sumampa ang mga binti ko sa bewang niya. Hinalikan ko sya sa labi habang papunta kami sa kwarto. Naupo lang sya sa kama at nakakandong ako sa kanya. Ramdam ko ang pagtigas ng kanya habang inuupuan ko. Ibinaba niya ang zipper ng aking damit at binaba ko ang manggas ng dress. Lumantad ang dibdib kong natatakpan pa ng bra. Hinalikan niya ako sa balikat habang binababa ang strap ng aking bra hanggang sa matanggal na niya ang hook nito sa aking likuran.
Tinunton na ng labi niya ang hubad kong dibdib. He liked and sucked it hard. Napaungol ako dhil sa aking nararamdaman at napahawak na lang sa kanyang buhok. Then he grabbed my butt and squeezed it.
“I want to feel you inside me.”