WALA na akong nagawa kundi ang magligpit ng aming mga kinainan. Dahil atat sya at kahit papaano ay gusto ko syang tulungan, pumasok ako sa aking kwarto at kinuha ang pera. Inabot ko ang perang hinihiram niya.
“Thanks. I’ll return this. Don’t worry.”
“Ok lang. Gamitin mo sa tama ang pera. Hindi madaling kumita. Halos isang linggo akong nagtrabaho para dyan.”
“Its for my father. Thanks again.”
Kinaumagahan ay maaga akong umalis para maghanap ng trabaho. Nakahanap naman agad ako. Pinag-umpisa na agad ako ng may-ari ng karinderya. Magserve daw ako ng mga pagkaing order ng mga customers. Mababa lang ang pasahod per pwede na rin pansamantala. Hahanap din agad ako ng iba na medyo mataas ang sahod. Mag-iipon lang ako ng kaunti pa.
Nang araw na yun ay nagtrabaho na ako. Sobrang nakakapagod. Ako na ang nag-aasikasao sa mga customers ako [pa rin ang naghuhugas ng mga pinggan. Ang daming uos ng may-ari pero hindi ko alam kung tataasan ba nito ang sahod na pinag-usapan namin. 250 pesos lang daw ako sa isang araw.
Agad akong umuwi pagkatapos ko sa trabaho. Wala doon si vin. Agad akong nagluto ng panghapunan ko dahil sa gutom ko. Lunch lang daw ang libreng pagkain ko sa karinderya. Pagkaluto ko ay kakain na sana ako ng dumating ang roommate ko.
“Kumain ka na?” tanong ko
“Hindi pa. Sobrang gutom na nga ako. Anong niluto mo?”
“Itlog lang. Heto kumain ka na. Kumuha ka na ng kanin,” nagluto naman ako ng instant noodles at yun na lang ang kakainin ko. “Nahanap mo na ba ang tatay mo?”
“|Hindi pa. Wala sya doon sa lugar na nalaman kong tinitirhan niya. Ikaw? Nakahanap ka na ng work?”
“Oo nakahanap na ako. Waitress sa isang karinderya.”
“Mabuti. May sweldo ka na pala. Pwede bang di ako magshare sa food? Kailangan ko kasing mahanap na talaga ang daddy ko. Baka maubusan ako ng pera.”
“Kung maghanap ka na lang kaya muna ng trabaho.”
“Mas importante ang ama ko. Kailangan sya ni mommy.”
“Sige, pero puro de lata lang, noodles at frozen foods ang kaya kong bilhin sa ngayon.”
“Ok lang at wala namang problema sa akin. Basta nakakabusog, ok na yun. Kapag nakita ko na sya, mababayaran na kita kahit sampung doble pa.”
Napangisi lang ako. Sana nga ay kahit yung inutang na lang niya ay mabayaran pa ako. Pinakita naman niya sa akin ang litrato ng ama niya. Makisig naman na lalaki noong kabataan kaya siguro nagustuhan ng kanyang ina kahit na mahirap lang ang lalaki.
Sana lang ay totoo nga ang sinasabi ng lalaking ito at di ako niloloko. I saw in his eyes that he is also helpless like me. Pero sana ay di naman sya nagpapanggap lamang.
Isang linggo pa akong nagtiis sa karinderyang iyon. Paminsang ako na rin ang nagluluto kapag wala ang cook. Naging all around ako at pagdating naman ng sahod ay di manlang nadagdagan ang napagusapan naming halaga. Sa lunes ay di ko na papasukan ang amo ko na to. Ubod ng kuripot.
Habang nagtatapon ako ng basura sa likod ay may nakita akong di kanais nais. Isang babae at lalaki ang may ginagawang kalaswaan. Sexy ang babae sa tight fitting mini dress niya at panay hawak naman ng lalaki sa legs niya
“Gusto mong sumali,” saad ng babae sa akin habang tulala ako sa aking nakita. Nagtatatakbo ako pabalik sa karinderya na hingal na hingal.
“Anong nangyari sa yo?”
“May nakita kasi akong malalaking daga na nagtatakbuhan sa likod.”
“Marami nga dyan. Magingat ka at baka makagat ka.”
Hapon at pauwi na ako ng makitang muli ang babaeng malaswa sa tapat ng isang bar malapit sa karinderyang pinapasukan ko.
“Dyan ka ba nagtatrabaho?” tanong nito sa akin
O-“oo. Waitress ako dyan.”
“Sumama ka na lang sa akin at bibigyan kita ng mataas na sweldo. Pahihirapan ka lang ng may-ari dyan tapos maliit na pasahod alang ang ibibigay. Kapal ng mukha niyang matanda na yan.”
“Sorry pero hindi ko kaya ang trabaho mo.”
Napatawa siya ng malakas. Napapaiyak pa nga sa sobrang tawa nito. “Hindi naman ganito ang iooffer ko sayo.”
“Eh anong trabaho ba?”
“May mga anak kasi ako at kailangan nila ng bantay. Pwede ka? Mas malaki ang ibabayad ko sa yo. Hindi ka pa pagod.”
“May anak ka. Alam ba nila ito?”
“Syempre hindi. Madidisappoint sila at mapapahiya. Anong magagawa ito lang ang alam ko? Tara sama ka.”
Pumasok kami sa sarado pang bar. Sa gabi pa ito nagbubukas at sa kanya daw ito. Nakita ko naman ang lalaking malaswa sa loob ng kanyang bar. Kinindatan pa ako nito.
“Hwag mo syang intindihin.”
Pumasok kami sa isang room at walang alinlangang naghubad ang babae sa harapan ko. Wala syang bra at tanging panty na lang ang suot.
“Hay ano ba yan?” sabay takip ko ng aking mga mata.
“Grabe naman para ito lang. Wala ka bang ganito? Kaloka ka.”
“Meron syempre. Di lang ako sanay na makakita ng ganyan sa ibang babae.”
“Sorry kung nagkakasala ang mga mata mo. Tara na nga.”
Nakabihis na pala ito ng tshirt at pants. Hila ako sa kamay na lumabas kami ng bar at sumakay sa taxi. Papaunta daw kami sa bahay niya. Pagdating doon ay may dalawang bata na sumalubong sa amin. Nagyakapan at humalik sa pisngi ang mga bata.
“Sya nga pala si Tita-.”
“Lily,” sagot ko. Hindi pa nga pala kami magkakilala sa pangalan.
“Sya muna ang mag-aalaga sa inyo habang nasa work ako. Magpakabait kayong dalawa ha.”
“Hi! I’m Caleb.”
“Hi! In Candy.”
Pakilala ng dalawa at mukha naman silang mababait na bata.
“Mababait sila hwag kang mag-alala. Di ka nila bibigyan ng sakit ng ulo. Bukas start ka na ha. Si caleb pala ay 8 at si candy naman ay 6.”
“Sige. Ano nga bang pangalan mo?”
“Carmie.”
“Sige Carmie, uuwi na muna ako. Babalik na lang ako bukas.”
“Ok bukas ng hapon. Panggabi kasi ang work ko di ba. Pero dito ka na maghapunan ngayon. Nagpadeliver na ako ng food.”
Naisip ko tuloy si Vin, parang bata yun na sa akin umaasa. Kailangan kong mamili ng pagkain at naisip kong turuan siya kahit magprito at magsaing man lang. Naggrocery muna ako mula sa sweldo ko sa karinderya. Pagpasok ko sa bahay ay laking guklat ko ng makita siyang kumakain ng pizza at may softdrinks pa na hawak.
“Gusto mo? Kain ka,” alok pa nito sa akin
“Nag-order ka ng pizza? Akala ko nagtitipid ka?”
“Nakakagutom na kaya nagpadeliver na lang ako.”
“Seryoso? May natira pa ba sa pinahiram ko sayo?”
“Two thousand.”
“Naka 7000 ka na sa isang linggo, saan ka naghahanap ng tao? Sa baguio, sa boracay o sa bicol? Hindi ka naman nagtitipid,” inis na saad ko na parang pinagagalitan ang bunsong kapatid.
“Hwag ka na magalit. Nakita ko na sya.”
“Eh bakit nandito ka pa? Hindi mo pa nakausap?”
“Kailangan ko pa ng tapang. Nahihiya ako eh.”
Nagdiretso na ako sa aking kwarto para magbihis muna. Nainis din ako sa kanya dahil magastos sya samantalang ako ay todo tipid sa pera.
“Lily.”
“Ano? Bakit?” pagkabihis ay lumabas akong muli sa salas.
“May sasabihin ka ba? Babayaran mo na ba ako?”
“Hindi pa. Kanina pala may lalaking nagpunta dito. Matangkad pero mas gwapo ako.”
“Anong sinabi mo sa kanya? Nagkausap kayo?” na curious ako. Ang dating asawa ko kaya iyon? Bakit kaya?
“Oo. Sabi ko boyfriend mo ako.” napasimangot ako at sya naman ay nakangiti.
“Biro lang. Sabi ko housemate tayo.”
“Oh, tapos?”
“Umalis na sya agad. Wala namang sinabi.”
“Walang kinuha? Pumasok ba?” muling usisa ko na pang imbestigador. Ano kayang nasa utak nun nang makita si Vin deito sa loob ng bahay. Mamaya ako pa ang sabihan na nanglalalaki.
“Wala naman. Yung ex mo ba yun?”
“Malay ko. Ikaw ang nakakita hindi naman ako.”
“Paano ko rin malalaman hindi ko naman kilala?”
“Baka scammer lang yun kaya hwag kang magpapapasok. Mabuting ikaw pa lang ang naka scam sa akin.”
“Hoy hindi ako scammer.”
“Talaga? Yang relo mo? Tunay ba yan? Saan mo nahablot yan?”
“Tunay to at bigay to ng lolo ko. Pamana ito sa akin. Mukha ba akong snatcher?”
“Pamana? Gaano ba kamahal yan?”
“Mahal pa ito sa buong apartment na to.”
“Yabang.”
Tinitigan ko ang relo. May ganoon din ang amo noon ng asawa ko na naiwan dito sa bahay halos half a million daw ang halaga noon. Ibig sabihin mayaman ang lalaking ito na mukhang scammer.
“Baka naman peke lang yan. Scammer ka no,” pang iinis ko pa sa lalaki.
“Hwag kang maniwala kung ayaw mo pero hindi ako nagsusuot ng fake.”
Kumuha ako ng isang sliced na pizza. Pera ko naman yung pinangbili niya. Matagal na akong nagtitiis sa kung anu-anong pagkain lang para makatipid pero sya panay gastos.
“Mayaman ka pala pero wala ka namang pera.”
“May family problem lang kapag naayos ko na to, I’ll prove to you na walang peke sa pagkatao ko.”
“Bakit di mo na lang yan ibenta kung may problema kayo.”
“May sentimental value ito. Pamana nga ito kasi.”
“Sige na pahinga na ako.” paalam ko sa lalaki.
Kinabukasan ay nagluto na ako ng almusal namin na itlog. Gising na rin si Vin at gamit ang phone niya.
“Mamaya pala hindi ako uuwi ng gabi. Sa gabi ako magbabantay ng mga bata.”
“Ok.”
“Hwag kang magdadala ng babae dito ha.”
“Bakit pa? May babae na akong kasama at wala akong ipapakain kapag nagsama pa ako.”
“Sira ka.”
“Biro lang,” nakangisi pa ito.
“Tsaka maghugas ka ng plato ha. Ako na ang nagluto, nakakahiya naman sa akin na ako pang maghuhugas.”
“Yes, My Lady.”
“Kapag nakasweldo ako, makakain na tayo ng tunay na pagkain. Anong gusto mo?” excited na saad ko dahil alam kong malaki ang ibibigay ni Carmie sa akin.
“Pwede bang lechong baboy o kaya crispy pata?”
“Ambisyoso ka naman. Mag start tayo sa sinigang, adobo, bulalo. Mga ganoon muna.”
“Sige, bahala ka na. Kahit ano.”
“Hindi ka aalis ngayon?”
“Hindi dito lang ako.”
“Tuturuan kitang magluto para pag-uwi ko bukas nakaluto ka na ng almusal.”
“Ako tuturuan mo at uutusan mo pang magluto?”
“Oo. Kung hindi hwag ka ng makikain dito.” mataray kong saad sa mayabang at walng silbi kong roommate.
Alas tres ng hapon ako umalis at papaunta na sa bahay ni Carmie. Naglinis muna ako at nagligpit ng mga kalat. Nawalis at nagpunas. Ano bang bahay ito? Naghugas ng mga kinainan at nagtapon ng mga nasura. Maya-maya ay dumating na ang mga bata at si Carmie naman ay kagigising lang.
“Wow! Ang linis ng bahay? Bahay na talaga ito. Thank you tita!” masayang saad ni Caleb
“I love it, tita,” sang-ayon ni Candy.
“Grabe naman kayo. Wala naman to. Papaiyakin nyo ako agad.”
“Anong meron?” takang tanong ni Carmie.
“Can’t you see mom? Nasa new house na tayo,” over acting na pagkakasabi ni Caleb.
“Malinis din naman to noon nung nandito pa ang ama ninyo at wala pa akong trabaho.”
“Kelan pa yun mommy? Supper tagal na. Baka fetus pa lang kami ni Candy.”
Napatawa naman ako sa sinabi ng bata.
“Aba, sobra kang bata ka ha.”
“May merienda pala. Nagluto na ako ng pancake.”
“Yes! Thank you tita.”
“I love you tita!”
“Hoy ako pa rin ang mommy ninyo at ako ang bumili nyan.”
“Sa hapunan pala anong gusto ninyo?” tanong ko sa kanila.
“Hotdog.”
“Fried chicken.”
“Ikaw Carmie.”
“Kahit ano lang o kaya doon na ako sa work ko kakain.
Habang nasa mesa ang dalawang bata ay panay imis pa rin ako ng mga kalat at gamit na kung saan saan nakalagay. Isang linggo pa siguro bago ko malinis ang buong bahay.
“May anak ka na ba, Tita Lily?”
“Wala pa.”
“Dalaga ka pa ba? usisa ni Carmie.
“Oo. Dalaga na ulit mula ng iwan ako ng asawa ko.”
“Bakit po? May ibang jowa?” tanong ng batang si Candy
“Candy ang daldal mo,” saway ng ina sa bata.
“Nakahanap ng iba? Mas bata mas, maganda mas fresh? Mga lalaki talaga,” dugtong naman ni Carmie at narinig pa ng mga bata
“Ganoon din ba si dad, mommy?”
“Oo at pare-pareho silang lahat. Sige na aakyat muna ako ulit at matutulog pa.”
“Are you sad tita?”
“Candy stop asking personal questions. That’s bad,” saway ulit ng ina nito.
“I want to know lang. We should know her di ba?”
Napatawa lang ako sa kakulitan ng mga bata.
“Syempre malungkot. Kayo ba malungkot na walang daddy?”
“Minsan. But we understand na hindi naman lahat ng family ay buo,” ang mature na mag-isip ng mga batang ito lalo na si Caleb.
Pagkatapos kumain ay naglaro na ang mga bata. Nagligpit naman ako ng mga kinainan at si Carmie ay natulog pa.
Si Vin naman ay tinawagan ko. Inaalala ko ito na parang mas bata pa kay Caleb. Wala yatang alam sa buhay.
“Yes, My Lady?”
“Kumain ka na? Anong kinain mo?”
“Rice at corned beef. Nagluluto pa lang. Why, miss me?”
“Inaalala ko ang bahay. Hwag mong susunugin ang apartment ha.”
“Ano namang akala mo sa akin? Hindi naman ako tatanga-tanga.”
“Malay ko ba? Nag-aalala talaga ako. Parang uuwi akong wala ng bahay.”
“Relax ok. Bukas anong gusto mong ulam?”
“Ipagluluto mo ba ako? Pwede bang litsong baboy?” biro ko pa dito.
“Pwede naman. Basta bitbit mo na pag uwi mo.”
“Sige na. Kahit ano na lang o kaya bibili na lang ako bago umuwi bukas. Baka sunog pa ang ipakain mjo sa akin.”
“Bye. Ingat ka. Pasalubong ko ha.”
“Magbehave ka dyan ha, ang bahay ko ingatan mo. Mas mature pa yata itong alagakong 8 at 6 years old kesa sayo.”
“Mas inaalala pa talaga ang bahay kesa sa housemate. Bukas papatunayan ko sa’yo na di na ako bata at di ako alagain.”
“Hay, para ka talagang bata.”