bc

Husband's Regret (tagalog)

book_age18+
649
FOLLOW
1.8K
READ
revenge
love-triangle
drama
betrayal
cheating
lies
rejected
affair
punishment
Neglected
like
intro-logo
Blurb

isang babaeng nagmahal at tumulong. ngunit hindi sinuklian ang kanyang kabutihan bagkus ay pinag-isipan pa siya ng masama.

iniwan siya ng asawa at nakakita ng mas maganda at mayaman.

isang lalaking tinulungan niya ang pinagbintangan pa syang magnanakaw.

nakaranas siya ng matinding paghihirap lalo na ng iwanan pa sya ng dalawang bata ng dating amo at inako niya ang responsibilidad.

sya ay nagsumikap at pinakita sa dalawang lalaki na nangbalewala sa kanya na kaya niya at di nya kailangan ang tulong nila.

doon hahanga ang dalawang lalaki sa babae at mag-uunahan para mapaibig sya.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Nagdududa na ako at napapansin kong kakaiba ang mga kilos niya. Noon, malambing sya at maalalahanin. Maalaga at kapakanan ko ang lagi niyang iniisip. Pinagluluto pa niya ako noon ng almusal dahil mas maaga siyang magising kaysa sa akin. “Ipagluluto kita ng almusal. Anong gusto mo?” tanong ko sa kanya habang nagsusuot na sya ng uniporme niya na pang opisina. Nang naliligo siya kanina ay nagising na ako. “Hindi na ako kakain. Sa cafeteria na lang na malapit sa office. Matulog ka pa at alas singko pa lang ng umaga.” “Akala ko nagtitipid ka? Mahal ang pagkain sa cafeteria di ba?” “Kape at tinapay lang naman ang kakainin ko. Sige na matulog ka pa.” Naalala ko noon na nagrereklamo sya kapag hindi ko sya ipinagluluto ng almusal at masaya naman sya kapag maaga ko syang nahandaan ng pagkain. Naalala ko rin noon na hindi muna sya bumabangon sa umaga. Humahalik muna sya sa akin at naglalambingan muna kami bago sya maligo. Pero ang lahat ay nagbabago at may katapusan. Isa akong housewife. Nag-resign ako sa aking trabaho at nagdesisyon na alagaan na lang ang aking asawa. Ito talaga ang gusto ko kahit gusto nyang tulong kami sa mga gastusin. Di rin kasi ganoon kalaki ang sweldo niya. Pero napapayag ko sya. Gumawa palagi ng mga gawaing bahay at gusto kong pagsilbihan siya araw-araw pero ang pinakaayaw ko lang ay ang gumising ng sobrang aga. Pero dahil mahalaga siya sa akin, gumigising ako para ipagluto siya ng kanyang almusal. Mahal na mahal ko sya at ayaw kong mawala siya. Gagawin ko ang lahat para sa kanya dahil ikamamatay ko kung mawawala siya. Hindi ko na lang pinansin ang mga pagbabago niya. Alam kong focus sya sa trabaho at nais niyang mapromote bilang manager. Masipag siya at matalino. Para na rin sa bubuuin naming pamilya ang ginagawa niyang pagsusumikap. Sa ngayon ay nakatira kami sa isang apartment. Wala pa kaming anak kaya dalawa lang kami sa bahay. Isang taon at kalahati na kaming kasal. Gusto nya ng magkaanak pero wala pa ring nabubuo sa aking sinapupunan. Napepressure na rin ako minsan dahil parang hindi ko maibigay ang kahilingan niya. Isang gabi na magkausap kami habang nakaupo sa kama, “Hindi ka pa ba buntis?” tanong niya “Paano naman mabubuntis kung lagi kang pagod pag-uwi. Kailangan kasi nating gawin ng madalas para sure na tumapat kung kelan ako fertile. Magbakasyon kaya tayo? Mag leave ka muna sa work ng ilang araw.” “Mabuti pa nga siguro. Kailangan ko na rin ng bakasyon at pahinga.” “Thank you honey. Mag-smile ka naman. Lagi ka na lang nakasimangot,” niyakap ko sya ng mahigpit na parang ayoko na syang pakawalan. “Sige na. Matulog na tayo. Pagod na pagod ako,” inalis niya ang braso kong nakayakap sa kanya saka humigang patalikod s akin. “Kung ngayon na natin subukang magka-baby,” bulong ko sa tenga niya saka hinimas ng marahan ang braso niya. “Hwag ngayon,” pagod na saad niya. Maya-maya lang ay narinig ko na ang paghilik niya. Napabuntong hininga na lamang ako dahil hindi naman sya ganoon noong bagong kasal pa lamang kami. Full of energy sya kahit kagagaling lang niya sa opisina. Masaya syang umuuwi ng bahay at agad akong niyayakap at hinahalikan. Masaya sya tuwing aalis kami at magde-date. Kita ko sa mata at sa mukha niya. Mahal na mahal niya ako noon pero anong nangyayari ngayon? Kinabukasan ay gumawa lang ako muli ng mga gawaing bahay habang wala ang aking asawa. Binalewala ko lang din ang lahat. Inisip kong mahal niya ako at ako ang mundo niya gaya ng inasabi niya noon. Patuloy lang ako sa pagiging mabuting asawa sa kanya pero unti-unti narealize kong may nakalimutan na pala ako. Ang aking sarili. Luma na ang aking damit na sinusuot na damit ko pa noong dalaga pa ako. Iniisip kong sa bahay lang naman ako at madalas ay palengke lang ang pinupuntahan. Nakapusod lang lagi ang buhok ko para hindi sumayad sa batok at balikat ko na pawis kapag naglilinis ng bahay. Wala ring ayos ang aking mukha na kahit magpulbos ay di ko na magawa. Humarap ako sa salamin para tingnan ang aking sarili. Ang panget ko na pala. Mukhang kawawa at amoy kusina.  Sa aking pagkadismaya ay nagtungo ako sa banyo para maligo. Nag-scrub ako ng buong katawan. Shinampoo maigi ang buhok ko at binuhusan ng maraming conditioner. Sa sobrang pagtitipid ko ay nakalimutan ko na kung paano gamitin ang conditioner. Sa pagbababad ko sa banyo ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng bahay. Agad akong nagbalot ng twalya at lumabas ng banyo. Nakita ko ang asawa ko na papasok na sa loob ng bahay na galing sa kanyang trabaho. “Anong ulam? Gutom na ako.” “Bakit ang aga mo? Alas singko pa lang ha.” pagtataka ko. “Sabi mo wala akong time sa’yo, kaya maaga akong umuwi.” “Teka, magluluto na ako. Anong gusto mo?” inilabas ko ang frozen chicken mula sa ref saka binabad sa tubig na nasa lababo. “Ibig mong sabihin wala ka pang luto?” “Hindi ka naman tumawag na maaga ka uuwi. Nawili ako sa paliligo.” “Matutulog muna ako,” agad itong pumasok sa aming kwarto at iniwan ako sa kusina. “Teka, magluluto na ako. Hwag ka munang matulog.” “Gisingin mo na lang ako kapag nakaluto ka na.” Nagbihis muna ako saka bumalik sa kusina para magluto ng ulam. Ano bang naisip ko at inuna ko pa ang aking sarili. Sya dapat ang inuuna ko at lalo na ang kanyang hapunan. Trenta minutos bago ako nakaluto at agad siyang ginising. “Honey, luto na. Kumain ka na.” Nilagyan ko ng kanin at ulam ang plato niya. Sinalinan din ng tubig ang baso niya. “Nagfile ka na ba ng leave?” tanong ko “Hindi pa,” tanging sagot niya na parang walang ganang makipag-usap sa akin. “Bakit? Anong nangyari? Naghihigpit nanaman ba sila?” “Hindi. Nakalimutan ko lang. Bukas na lang siguro.” “Mabuting magfile ka na habang maaga baka hindi ka nanaman payagan.” “Ako ng bahala. Hwag mo ng intindihin,” may bahid ng pagkainis ang sagot niya sa akin marahil ay dahil sa sobrang pag-uusisa ko. Pagkakain ay nagdiretso syang muli sa loob ng aming kwarto Matutulog nanaman ba sya? “Hwag ka munang matulog ha!” sigaw ko habang nagliligpit sa kusina. Agad ko naman siyang sinundan at di muna tinapos ang aking pagliligpit. Nakita ko syang nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard. Nagbo-browse ng kanyang phone. Naupo ako sa tabi niya at niyakap siya. “Ano?” halatang may inis sa boses niya. “Masama bang yumakap. Namimiss na kasi kita.” paglalambing ko sa aking asawa. “Tumigil ka dyan. Pagod ako at gusto kong makapahinga.” “Yakap lang naman. Hindi ba pwede?” “Magagalit ka ba kung sasabihin kong hindi pwede?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

His Obsession

read
90.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook