Bumitaw na lang ako sa pagkakayakap sa kanya. Agad na tumulo ang luha ko kaya umalis na lang ako sa aming kwarto at nagtungo na lang sa kusina. Nasaktan ako sa ginawa at sinabi niya. Nagiging masyado na yata akong sensitive o baka naman ang asawa ko ay nagiging insensitive naman.
Pagkaligpit ko sa kusina ng ilang minuto ay bumalik na rin ako sa aming kwarto at nadatnan kong tulog na sya.
Uuwi daw ng maaga para makasama ako pero tulog naman sya ng tulog.
Nakita ko ang phone ng asawa kong si Liam sa tabing mesa ng kama. Hindi ko alam pero may nag-uudyok sa akin na hawakan at tingnan iyon. Never ko yung pinakielaman. Wala kasi akong interest na tingnan iyon. I trust him. Madalas niyang sabihin noon na maganda ako at kahit kailan ay di sya titingin sa ibang babae. Alam ko rin na kahit kailan ay hindi sya tumingin o nagnasa sa iba. Ako lang ang babae sa kanya at alam ko yun.
“Kung tumaba ako? Hindi na ba ako maganda?” naalala kong tinanong ko sa kanya noon.
“Maganda ka at kahit anong mangyari, maganda ka sa paningin ko,” naalala kong sagot niya noon sa tanong ko.
Hinihila talaga ang kamay ko para abutin ang phone niya. Hahawakan ko lang naman at titingnan. Wala naman sigurong masama. Kaya kunuha ko na. Inuna kong tingnan ang mga pictures. Ang iba ay screenshots galing sa web, ang iba ay mga pictures ng mga kaibigan niya. Kilala ko naman ang iba sa aknila at naikukwento niya ang mga ito sa akin. Paminsan ay nagpupunta kami sa mga birthday parties at iba pang mga okasyon kasama sila.
Sunod kong binuksan ang social media account niya. Wala naman gaanong makita. Walang post mula sa kanya. Next naman ang email niya. Panay credit cards promo at email galing sa opisina.
Ngumiti lang ako pagkatapos dahil alam kong wala naman akong dapat ipag-alala. Isasauli ko na ang phone niya sa kanyang tabi ng umilaw ito. Walang tunog o kahit vibration. Nakaramdam ako ng kaba. Pero bakit? Sinilip ko muli ang phone at nabasa ko ang isang text
Bee: Hi hon.
Yun ang nabasa ko sa notification.
Sino si Bee?
Nacurious ako. Baka kako wrong sent lang. Inopen ko ang messages at nakita ang mahaba nilang chat. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Umupo ako sa isang upuan sa kwarto at binasa ang mga palitan nila ng mensahe.
Liam: Good night honey. Sweet dreams. I missed you and I want to see you now.
Bee: I missed you too hon. See you tomorrow. Magkita tayo sa cafe. Let’s have breakfast together.
Liam: Good morning hon. See you at the cafe. I’m on my way now. I love you.
Bee: Takecare hon. See you and I love you too. Btw, did you already apply for a leave?
LIam: Yes, let’s go out of town next month.
Bee: Sobrang excited ko na hon.
Liam: Ako din hon. Gusto kitang makasama ng mas matagal. Gusto kitang makasiping.
Bee: Ano ka ba? Hwag mo muna akong buntisin. Kailangan mo munang makipaghiwalay sa asawa mo. Sinabi mo na ba sa kanya?
LIam: Hindi pa. Humahanap pa ng tamang panahon. Hwag kang mag-alala malapit ko na syang hiwalayan.
Huminto na ako s pagbabasa. Ang sakit sa dibdib ng mga nabasa ko. Hindi ako makahinga, nanginginig ang mga kamay ko pati na rin ang buong katawan ko.
Inilapag kong muli ang phone niya sa kinalalagyan nito kanina.
Manloloko sya.
Yun lang ang tanging nasa isip ko ng mga oras na iyon. Tiningnan ko syang mahimbing na natutulog na payapa na parang anghel. Parang maamong tupa na di kayang gumawa ng masama. Nagsimula ng tumulo ang aking mga luha. Parang sinasaksak niya ako habang nakatalikod.
Niloko niya ako!
Akala ko ay kami na hanggang sa huling hininga namin pero nag-iba na pala sya ng plano sa kanyang buhay at hindi na pala ako ang makakasama niya.
Pero bakit? Ano bang mali ang nagawa ko? Ginawa ko ang lahat para sa kanya. Sa kanya umikot ang mundo ko. Ano ng gagawin ko ngayon. Ano ng mangyayari sa akin ngayon?
Pununta ako sa salas. Doon ako umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulog na pala ako. Nagising ako ng marinig kong magsalita ang aking asawa.
“Bakit dito ka natulog? Ayaw lang magpayakap nagtampo kana. Napaka insensitive mo naman.”
“Hindi lang dahil doon. Nabasa kong mga text nyo ng babae mo. Hihiwalayan mo na ako diba?”
Nakatayo lang siya at marahil ay nagulat sa sinabi ko. Hinawi niya ang kanyang buhok at di malaman kung ano ang sasabihin sa akin. Naupo siya sa tabi ko at nagsimula nanaman akong mapaiyak.
“Wala ng spark. I’m sorry that I fell out of love at nawalan ng interest sa’yo,” mahinahong sabi niya pero masakit sa pandinig at kinukumbinsi nya pa akong tapos na sa amin ang lahat.
“At naramdaman mo agad na mahal mo ang babae mo habang nawawala naman ang pagmamahal mo sa akin?”
“Kailangan ko ng umalis. May trabaho pa ako. Mamaya na tayo mag-usap,” pag-iwas niya sa mga tanong ko.
“Maaga kang aalis para mag-almusal na kasama sya?”
Tinitigan ko sya ng masama habang tumutulo ang mga luha ko. Nakatingin lang din sya sa akin na may pangdidiri. Umalis sya at nagtungo na sa banyo. Ako naman ay nagtago sa isang kwarto na ginawang storage room. Ayoko syang makita. Galit ako sa kanya at galit ako sa aking sarili dahil iniisip kong kulang pa ang mga naibigay ko sa kanya bilang kaniyang asawa.
Sinisisi ko ang aking sarili dahil sa kapabayaan ko sa aking sarili kaya iniwan niya ako. Mukha akong basahan tuwing umuuwi siya hindi tulad noon na nagusuot ako ng magagandang damit tuwing magkikita kami. Galit ako dahil hindi ko inalagaan ang aking sarili dahil sya lang ang inuuna ko sa lahat ng bagay.
Nang marinig ko ang ingay sa pinto ay alam kong nakalabas na siya ng bahay. Ilang segundo pa akong nanatili sa kwarto bago ako lumabasa. Tumayo ako at naglakad patungo sa salas. Nakaupo lang ako at nag-isip kung paano na ang aking buhay na wala sya. Ilang oras akong naroon saka naisipang lumipat sa kwarto para mahiga at matulog muli.
Sa buong araw ay di ako nakaramdam ng gutom. Umiinom lang ako ng tubig at pagkatapos ay natutulog na muli. Hindi sya umuwi ng araw na iyon, ako naman ay umiyak lang ng umiyak dahil sa sama ng loob ko sa aking asawa. Naisipan kong itext siya at sabihin ang nararamdaman ko.
Me: bakit? Hindi mo na ba talaga ako mahal? Hindi na ba ako importante sa’yo? Bakit mo pa ako pinakasalan? Mas maganda ba sya, mas sexy ba kaysa sa akin? Magaling ba sya sa kama? Sabihin mo kung ano ang mali sa akin?
Nahiga akong muli at nakatulala lamang habang umiiyak. Alas dos ng umaga nang makaramdam ako ng gutom. Noodles at nilagang itlog ang kinain ko. Tiningnan ko ang aking phone kung nagreply na ba ang aking asawa pero wala kaya tinext ko itong muli.
Me: hon, umuwi ka na. Pag-usapan natin ito at ayusin natin ito. Bumalik ka na. Mahal na mahal kita.
Nagmamakaawa ako sa kanya. Hindi ko kayang mawala siya. Alas tres nang itext ko syang muli.
Me: paano mo nagawa sa akin ito, walang hiya ka? I hate you so much. Dudurugin ko ang puso mo hanggang sa mamatay ka. Hwag ka ng magpapakita pa sa akin at hwag ka ng babalik dito.
Galit na galit ako. Gusto ko syang suntukin sa mukha, gusto ko syang sabunutan, gusto ko syang pilayan para hindi na sya makalakad pa. Gusto kong durugin ang mukha niya para wala ng magkagusto sa ngiti nya, sa mga mata niya na malamlam, sa matangos niyang ilong at malambot na labi. Miss ko na sya pero galit na galit ako sa kanya.
Nakatulog ako kakaisip sa aking asawa. Nagising ako ng marinig ang pagbukas ng pinto at nakita ang aking asawa na papasok sa aming bahay.
“Ano pang ginagawa mo dito? Bakit nandito ka?” masamang nakatitig ako sa kanya na parang leon na kakainin ang biktima niya. Galit akong nandito sya ngayon samantalang lungkot na lungkot ako kagabi dahil wala sya.
“Kukunin ko lang ang ibang gamit ko at di na ako babalik pa. Pwede ka pang manatili ng dalawang buwan dito at pagkatapos ay umuwi ka na sa mga magulang mo.”
“Bakit? Naglilive in na kayo ng kalaguyo mo? Nagsasama na kayo? Ipapakulong ko kayong dalawa,” galit na sabi ko.
“Hindi kami nagsasama. Sa lumang bahay ng pamilya ko ako nakatira. Ako lang mag-isa at di ko sya kasama. Tapusin natin ito. Patawad.”
“Ano? Inalagaan kita. Ginawa ko ang lahat para sa iyo at yun na lang yon?”
“Tingnan mo nga ang sarili mo. Wala kang ayos. Nasaan na ang babaeng minahal ko?”
“Itsura lang ba ang batayan mo? Hindi mo ba nakita ang pagmamahal ko at pag-aalaga ko sayo? Ang pagsasakripisyo ko para sayo?”
“Tapusin na natin ito,” pumasok siya sa aming kwarto at kumuha ng mga damit niya saka nilagay sa malaking bag.
“Pag-usapan natin to. Hwag kang umalis. Mahal na mahal kita,” nagmamakaawa ako sa kanya.
“Nakapagdesisyon na ako.”
“Bigyan mo pa ako ng pagkakataon. Isang buwan. Manatili ka muna ng isang buwan at pagkatapos ay pakakawalan na kita,” nagmamakaawa ako na parang ako pa ang may kasalanan.
Napabuntong hininga lamang siya.
“Kailangan ko ng umalis. Patawad,” humihingi siya ng tawad pero wala namang senseridad. Dala-dala niya ang malaking bag at mablis na naglakad na para bang ayaw nyang maabutan ko pa sya.
Naiwan akong muli na mag-isa sa apartment. Mukhang tanga, nakakaawa at walang magawa kundi ang umiyak.