Chapter 16
3rd Person's POV
"Her name is Peach," ani ni Gail at ngumiti. Sinabing si Bazile mismo nag nagpangalan sa anak.
Nanganak siya last month sa ibang bansa then dinala ang bata sa pilipinas sa tulong ng isang kaibigan. Kinontak niya si Bazile para bantayan ang bata tuwing may shoot siya doon.
"Balak ko talaga ipaampon si Peach dahil hindi ako handa maging ina. Hindi ko mabibigay ang love at time na nanaisin ng batang katulad nito. I love my career at hindi ko pwede pabayaan ang business nina dad."
"Natatakot ako sa maaring mangyari kapag tinornimate na naman ni dad sina Grim," bulong ni Gail. Nagulat si Keehan matapos marinig iyon.
"Ngunit hindi mo pwedeng gawin iyon. Anak mo siya," ani ni Keehan. Nakagat ng babae ang gilid ng labi. Sinabi nitong wala siyang choice.
Kinuha ni Keehan ang baby si crib na umiiyak. Agad ito huminto na kinatingin ng babae. Tuwing binubuhat niya ang anak niya ay wala itong ginawa kung hindi umiyak— kinakailangan pa nito ang tulong ni Bazile para mapatahimik ang bata.
Kay Bazile lang naman kasi ito humihinto sa pag-iyak. Pinatahan ni Keehan ang bata.
"Kung ganoon din ang gagawin mo sa bata hayaan mo na kuhanin ko siya. Stable ang income ko at alam ko tutulungan ako nina Wax. Kukuhanin ko ang baby."
Lumambot ang expression ni Gail. Sinabi ni Gail na kinukuha din ni Bazile ang bata.
"Then aalagaan namin siya pareho. Magiging parents niya kami kaya please huwag mo ng dalhin ang bata sa orphanage. Kaya ko siyang buhayin," ani ni Keehan at tiningnan ang batang babae.
"Mukhang matagal ka na talagang nakapag-decide na talian ang kapatid ko sa leeg," may ngiti na sambit ni Gail. Napatigil si Keehan.
Makukuha nila ang custody ng bata kung may kasama siya. Kung gusto nila ito i-adopt need nila magpakasal ni Bazile.
Nilingon ni Keehan si Bazile na may pagtatanong at doubt sa mga mata. Tumawa si Bazile at sinabing magtatapos muna siya sa pag-aaral. Ayaw niya sumandal kay Keehan habang buhay.
Keehan Alvarez's POV
"Good morning Peach. Kamusta tulog mo baby?" tanong ni Keehan. Napangiti si Keehan matapos iangat nito ang maliliit na kamay.
Binuhat ito ni Keehan. Napatingin siya sa pinto matapos bumukas iyon pumasok si Bazile na may dalang feeding bottle.
"Pasensya na. Nagpaturo pa kasi ako kay manager kung paano gumawa ng gatas," ani ni Bazile. Napangiti ako at kinuha iyon. Chineck ko muna kung tama lang init 'non.
After 'non dinala ko sa kama ni Bazile si Peach at hiniga doon. Pinainom na ito ng gatas.
"Nakausap na ni Grim si ate Gail?" tanong ko at nilingon si Bazile. Umiling si Bazile.
"Umalis na si ate— hindi na siya bumalik after iwan gamit ni Peach sa lobby."
Napailing si ako sa idea na walang pinagkakaiba ang magkakapatid na Vergara. Tiningnan ko si Peach na kumakain habang nakatingin sa amin.
"Atleast dito safe ka diba? Aalagaan ka namin at gagawin namin lahat para mapuno ka ng pagmamahal," may ngiti na sambit ko at inabot ang daliri ko kay Peach. Agad niya iyon hinawakan.
Nangako nga si ate Gail na kakausapin sina Grim ngunit hindi namin ini-expect na aalis ito at iiwan ang bata.
Pagkatapos kumain ni Peach pumunta kami sa unit ni Gaizer buhat ni Bazile si Peach. Pagbukas ng pinto nakita namin si Grim na mukhang may kaaway.
"Paano nagawa ng babaeng iyon iwan ang anak niya! Hindi siya nakipag-usap sa akin before siya nag-decide ng ganito."
"Grim, ini-explain na ni Bazile lahat. Ang mahalaga nasa atin ang bata at hindi naituloy ni ate Gail ang balak niyang ipaampon ang bata diba?" pag-aalo ni manager. Napatingin siya sa direksyon namin at ngumiti.
"Nakatulog kayo kagabi? Naririnig namin iyak ni Peach— pupuntahan sana namin kayo," ani ni manager. Napakamot ako sa pisngi.
"Naga-adjust pa kami manager pero nakatulog naman agad si Peach 'non after namin pakainin," ani ko. Hindi ko nga alam kung may nagawa akong kabalustugan kahapon. Masyado akong napagod dahil nilalaro ko pa si Peach.
3rs Person's POV
"May ginawa ba ako kagabi?" tanong ni Keehan kay Bazile na kumakain. Tumawa si Bazile at sinabing tinalunan siya ni Keehan.
"Iyon reason bakit nagising si Peach kagabi at nagising ka din," natatawa na sambit ni Bazile.
Nakatulog sa room niya si Keehan ngunit dinala niya ito sa room niya. Binuksan ni Bazile ang pintuan magdamag para tuloy ang pasok doon ni Keehan. Baka kasi mapalalim tulog niya hindi siya magising ng alastres.
Ngunit nagulat nga siya ng pumasok si Keehan. Wala ito sa sarili at nadapa. Nagising si Keehan 'non kasabay ng pag-iyak ni Peach.
Namula si Keehan matapos marinig ang kwento ni Bazile na natawa na lang. Pagkatapos nila kumain— sumilip sila sa playroom. Marami doon na crib kung nasaan ang mga anak nina Miguel at nina Gaizer.
Nilalaro nina Elliseo ang mga bata at nina Wax. Nagpaalam si Bazile na aayusin ang room niya.
"Tutulungan na kita," ani ni Keehan. Humabol si Keehan kay Bazile patungo sa room nito.
Pagpasok nila ng room ni Keehan ng room ni Bazile. Nagsara ang pinto— napalingon si Keehan. Nakita niya si Bazile na bigla na lang niyakap ang katawan niya at hinalikan siya ng magaan sa labi.
"What is it?" tanong ni Keehan at namumula na hinawakan ang labi niya. Sinabi ni Bazile na gusto niya lang halikan si Keehan dahil nga nitong mga nakaraang araw hindi sila ganoon na nagkita.
"Sana kasi diba sinabi mo na ganoon ang sitwasyon? Hindi iyong tinago mo pa— kung ayaw mong malaman ni Grim hindi ko naman sasabihin," ani ni Keehan. Napakamot sa likod ng ulo si Bazile.
"Pasensya na. Alam ko din na medyo busy ka dahil sa recording mo."
Iniyukom ni Keehan ang kamao. Akala niya ay may bago ng dini-date si Bazile. Noong nakita niya na may kayakap itong babae. Akala niya masakit na iyong kay Jaxon. Hindi niya akalain na triple pa pala ang sakit na mararamdaman niya kay Bazile noong makita niya itong may kayakap.
"Noong nakita kita sa hallway na may kayakap na babae. Agad na naisip ko kidnap-in ka at ikulong sa kwarto. Itago ka para sa sarili ko," ani ni Keehan na nakayuko. Napatigil si Bazile.
"Naguguluhan ako 'nong una. May mga naging crush din naman ako 'nong highschool tapos first love ko si Jaxon. Iniiisip ko noong una crush lang kita or gusto din kita katulad ng pagkagusto ko kay Jaxon dati."
"Malabo sa akin lahat hanggang sa nakita kita kanina na may kayakap na iba. Nakita ko si Jaxon na nakikipag-s*x sa iba ngunit hindi ganoon ang naisip ko noong nakita kita."
"Imbis tumago at tumakbo. Gusto kong hilahin ka— sabihin na akin ka lang at bawal ka sa iba," ani ni Keehan na hawak ang isang braso.