01
Chapter 01
3rd Person's POV
Naguguluhan ako
Nalilito— nasasaktan sa sakit puso ko gusto ng sumabog
Gusto kong sumigaw— gusto kong magwala
Ngunit sa sakit at lamig namamanhid ang aking labi at dila
Malakas na hinampas ni Keehan ang drum at paikutin sa kamay niya ang stick. Pagkatapos ng kaunting message ni Apollo bumaba na sila ng stage at tumungo sa back stage kung nasaan ang mga staff para ayusan sila.
Agad sila nilapitan ng manager nila na si Teressa at ang dating manager na si Gaizer. Kinuha ni Gaizer ang stick sa kamay ni Keehan dahil mukhang nakalimutan na naman nito bitawan ang drum stick.
"Keehan, hindi ka ba natutulog? Halatang-halata ang eye bag mo."
Agad na nag-sorry si Keehan sa dating manager niya. Agad siya sinabihan ni Gaizer na kung may problema ito sa pagtulog agad sabihin sa kaniya para makapagpatawag sila ng doctor.
"Ayos lang talaga ako manager. You don't need to worry. Mamaya babawi ako ng tulog. Masyado kasi akong nae-excite sa concert na ito kaya iyon. Nahirapan ako matulog," ani ni Keehan. Napangiti ang lalaki at sinabi na para pa din ito bata.
Inabutan siya nito ng tubig. Lumingon si Keehan kay Jaxon na kasalukuyang nakikipagtawanan kay Teressa. Parang may kumirot sa puso niya matapos makita iyon.
"Nag-away na naman ba kayo ni Jaxon?" tanong ni Gaizer. Agad na umiling si Keehan. Nag-usap na sila kaninang umaga na parang walang nangyari— katulad ng dati.
Niyukom ni Keehan ang kamao. Pinagmasdan lang siya ni Gaizer na nakasandal sa lamesa. Kitang-kita ni Gaizer ang takot at pag-aalala sa mukha ni Keehan.
"Tara usap tayo," ani ni Gaizer. Napatigil si Keehan at napaangat ng tingin sa dating manager.
Tumayo ang lalaki at sinundan si Gaizer na mukhang patungo sila sa dress room ng TK. Walang tao doon— binuksan ni Gaizer ang pintuan at pumasok sila.
"Pwede ka mag-file ng kaso kay Jaxon. Hindi ko ito sinasabi as a ex manager ngunit sinasabi ko sa iyo bilang kaibigan mo at nakakatanda sa inyo. May sakit ka at tini-take advantage iyon ni Jaxon," ani ni Gaizer. Napaupo si Keehan sa sofa at sinapo ang mukha.
"Manager ayoko masira ang grupo. Isa pa tama si Jaxon wala naman nawawala sa akin at ako ang unang lumalapit sa kaniya. Ako palagi ang pumupunta sa room niya at naga-aya ng s*x," ani ni Keehan. Lumambot ang expression ni Gaizer. Bata pa si Keehan— wala itong kaalam-alam sa mundo at nasasanay itong nakasandal sa ibang tao.
"Ayoko din masira ang pagkakaibigan namin ni Jaxon dahil lang dito. Si Jaxon para ko na din siyang kapatid at—"
"Ngunit sigurado akong hindi iyon ang tingin niya sa iyo."
Hindi na nakapagsalita si Keehan matapos marinig iyon. Niyukom nito ang kamao at parang iiyak na.
Bumuga ng hangin si Gaizer at umupo sa tabi ni Keehan. Lumingon si Gaizer kay Keehan at tiningnan ang binata.
"Ano ba sa iyo si Jaxon?" tanong ni Gaizer. Binaba ni Keehan ang mga kamay at bahagyang pinaglaruan iyon.
"He's my bestfriend, my brother and my first love."
—
"Crying again?"
Napaangat ng tingin si Keehan na nasa 7 years old. May nakita siyang gwapong batang lalaki— pinantayan siya nito at tumawa.
"My nanny is right. You are so pretty," panimula ni Jaxon Gueverra na nasa 8 years old. Agad na pinunasan ng batang si Keehan Alvarez ang pisngi at tiningnan si Jaxon.
"I'm a boy," humihikbi na sambit ni Keehan. Tumawa ang batang lalaki at sinabing alam niya iyon.
Hindi ni Jaxon maiwasan mamangha sa mukha ni Keehan. Mas maganda pa kasi ito sa mga totoong babaeng nasa university nila. Rosy cheeks, deep brown eyes, thin lips at mahabang pilikmata. Maputi din ito kaya hindi siya makapaniwala minsan matapos malaman na lalaki ito.
"Halika— papakilala kita sa mga kaibigan ko. Hindi mo kailangan matakot— ako bahala sa iyo," ani ni Jaxon. Hinawakan ang kamay ni Keehan at hinila patayo.
"Tara!"
"Sinabi mo ba kina Apollo ang nangyari!"
Nagulat si Keehan matapos bumukas ang pinto at pumasok sa room niya si Jaxon. Nabitawan ni Keehan ang hawak na stick matapos siya hilahin ni Jaxon patayo.
"Anong sinasabi mo?" tanong ni Keehan. Napahilamos si Jaxon ng mukha at binitawan ni Keehan— pilit nitong pinakalma ang sarili.
"Nakikipagpalit ng room si Apollo. Gusto niya lumapit ako sa room 203 malayo sa room mo. Kapag nalaman nina Apollo ang kondisyon mo siguradong lalayuan ka nila— and worst magagalit sa iyo sina Wax. Keehan kailangan natin umisip ng paraan," ani ni Jaxon at hinawakan ang kamay ni Keehan. Naitikom ni Keehan ang bibig.
Gusto niya itanong kay Jaxon kung sa tingin niya katulad niya ang nga barkada. Iti-take advantage siya ngunit natatakot siya magalit ulit sa kaniya si Jaxon. Ngunit may point si Jaxon— kung may gawin nga siyang hindi maganda t bigla na lang niya talunan sina Apollo maaring magalit ang mga asawa nito. Si Jaxon lang ang masasandalan niya sa mga oras na iyon.
So? Pinuntahan nila si Apollo para itanong kung bakit gusto nito lumipat. Napatigil si Apollo sa pag-strum ng gitara.
"Hindi kami ang lilipat— si Bazile. Malapit sa control room ang room ni Jaxon kaya naisip naman na magpalit ng room si Bazile at Jaxon."
"Wait may problema ba?" tanong ni Apollo Grimore ang leader at vocalist ng TK— tiningnan silang dalawa. Lumingon si Jaxon kay Keehan.
Hindi na kasi ito nakapagsalita after 'non. Spoild si Keehan sa TK since ito ang pinakabata. Kung sasabihin ni Keehan na ayaw nito since mapapalayo siya kay Jaxon agad na babawiin ni Apollo ang desisyon nito magpalit ng room si Jaxon at Bazile.
"Kung wala na kayong kailangan lumabas na kayo. Nakakaistorbo kayong dalawa."
Alanganin tumawa si Keehan at humingi ng pasensya sa leader nila. Lumabas ang dalawa ng kwarto at sinundan sila ng tingin ni Apollo.
Hindi maganda ang composture ni Jaxon habang si Keehan naman ay confused. Pagkasara ng pinto lumapit si Wax.
"Kailangan mo ba talaga gawin iyon?" tanong ni Wax. Nag-usap usap na sila ni Elliseo at Grim about kina Keehan at napagkasunduan na hindi nga mangingialam.
"Kung hindi ko gagawin iyon anong mangyayari kay Keehan?" sagot ni Apollo. Lumambot ang expression ni Wax.
"Ngunit leader ka ng TK diba?" ani ni Wax at hinawakan ang balikat ng lalaki.
"Na parang kapatid na din nina Keehan."